Chapter 6: Chris's Secret

65 4 0
                                    

Nasa cafeteria kami kasama si Josh kahit na ako lang ang nakakakita sa kaniya.

Nag order na kami nang makakain at umupo sa may table.

Habang kumakain kami ay napansin ko na nawawala si Josh. San kaya nag punta yun??

"Psst! Nag uusap ba kayo ni Troy?" Tanong ni Chris. Bakit ba puro Troy ang tinatanong neto. Although magkaibigan kami ni Troy pero di naman kami close eh.

"Uhmm madalang lang naman kami mag usap. Bakit mo natanong?" Saad ko sakaniya. "Ah hehe, wala." sambit niya sakin at kinuha ang cellphone niya.

Nang buksan niya ito ay nakita ko ang picture ni Troy sa wallpaper niya. May heart pang nakapalibot dito...

"Bakit si Troy ang wallpaper mo tsaka bakit may pa heart pa dyan?" Tanong ko at nakita ko naman siyang naginginig.

"U-Uh...Kiara ano kase eh.. U-Uhm.. May g-gusto ako k-kay Troy s-simula pa lang nung u-una" Sabi niya sakin at yumuko. Gulat na expression ang naibigay ko sakaniya with matching hand pa na nakatakip sa bibig ko.

"Teka so... Bakla ka?" Tanong ko naman sakaniya at tumango siya sakin.

"Owemjiii alam mo bang gusto kong magkaroon ng kaibigang bakla?? Shuta ka bat mo lang ngayon sinabi sakin mhie!" Sabi ko sakaniya na may halong tuwa pero siya naguguluhan.

"Teksa lang din, Di ka galit?" Tanong niya. "Bat ako magagalit?" Tanong ko naman at niyakap siya.

"Kaya pala ah.. Troy lang pala ang hanap mo HAHAHA" sabi ko sakaniya at tumawa.

"Jusko ka teh! Kala ko kung ano magiging reaction mo. Kala ko naman magagalit sakin" Saad niya sakin at napatawa nalang ako.

Nagdaldalan pa kami ni Chris pero... asan na kaya si Josh?

Nakakapag taka wala siya dito. Ilang minuto na kami nag chichikahan dito oh.

Narinig na namin ang bell kaya pumasok na kami sa class namin.

Nasan na ba kasi yung lalaking yun. Haysss bigla bigla nalang mawawala. Antagal naman niya, san ba siya pumunta?

My Angel [Completed] Where stories live. Discover now