Kiara's Pov
Nagising ako dahil napansin kong wala si Josh sa higaan.
"Morning!" Sigaw ng isang boses na lalaking mula kusina. Napangiti na lamang ako at dumeretso sa cr para mag linis.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas ako ng pintuan mula sa banyo. Kahit na nandirito ako sa banyo ay lalanghap ko ang amoy nang niluluto ni Josh.
Infairness magaling din naman pala siya mag luto ah. Or... Isa sa mga special Ability lang niya yun?
Nagluto siya ng bacon and eggs which is my favorite.
"Hmmmm bango!" Saad ko sakaniya and he just chuckled at me. Kahit inaasar ako neto, May soft side rin naman pala. Tsaka... Hindi naman kumakain ang mga Angels ah so ibig sabihin pinagluto niya..Ako??
"Kain ka na" Sabi niy sakin at nginitian ako. Malapit na talaga at mahihimatay na ako sa kagwapuhan neto.
"Sus inlab ka naman sakin" Pang aasar niya sakin. Ay haluhhh nababasa niya pala mga iniisip ko, Nu ba naman yann.
"Masarap?" Tanong niya sakin. "Oo" Saad ko. "pero mas marap ka" Mahinang tugon ko naman.
"Patikim nga" Sabi niya at muntikan naman akong mabilaukan. "H-Ha? A-Ako??" Tanong ko na medyo kabado bente.
"Tangeks! Yung pagkain. Eto kung ano ano iniisip eh" Sabi niya sakin at napihaya naman ako ng kaunti. Jusko ang assumera ko naman. Sumubo siya ng pagkain at nakita ko naman siya na ngumisi lang sakin.
_____
Nasa school kami ngayon nag aantay matapos ang lesson.
"Ba naman yan ang boring" Pagrereklamo ni Josh sa gilid ko. Di ko nalang ulit siya pinapansin kasi baka mapagkamalan pa ulit akong baliw.
Maya maya lang ay natapos din ang paglelecture nang teacher namin at lunch time na.
Pagtayo ko nula sa upuan ko biglang sumulpot si Chris sa harap ko.
Alam niyo, may something dito kay Chris eh.. Di ko lang masabi kasi ayoko mag assume.
"Tara sabay na tayo!" Pag aya ni Chris sakin at tumango naman ako pero si Josh... Ansama ng tingin saming dalawa.
Parang kanina lang sa may condo eh soft siya sakin tapos ngayon tinitigigan na kami ng masama. His duality is weird.
YOU ARE READING
My Angel [Completed]
RomansaYou're my savior, protector, and my defender. You're my shield when someone attacks and yet you're my support when I need your back. Why falling in love with an angel is forbidden even if it's true love then? (A/N: May Chapter po na makalat kaya pl...