Chapter 14: Wish Granted

73 4 0
                                    

Kiara's Pov

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Sunday naman ngayon bakit ako nag alarm?.

Nag stretching ako at yayakapin ko na sana si Josh ngunit wala siya dun. Unan lang anh nayakap ko.

Yumayo ako at hinanap kung nasaan siya. Nalibot ko na ang buong condo ay hindi ko siya matagpuan.

San ba nagpupunta tong lalaking to?

______

Josh's Pov

Nagising ako nang alas tres nang madaling araw.

Tinignan ko si Kiara na nakahilata sa kama. Pinagmasdan ko nang kaunti ang mukha niya at inilagay ang maliit na piraso nang buhok niya sa likod ng tenga niya.

Mahal ko na siya... Ayoko lang maging protector at Angel niya lang ako.. Gusto ko rin maranasan mahalin ko ang isang tao, Mahalin siya.

Nagbihis ako at napagpasyahan ko na bumalik sa langit at hilingin sa diyos na gawin akong isang tao muli.

*Josh Entered Heaven*

Pagkapasok ko sa may golden gate ay duneretso naman ako sa isang malaking kaharian.

"Magandang gabi, Bathala" Pagbati ko sa diyos.

"Magandang gabi rin, Ano ang iyong nais?" Tanong nito sakin.

"Alam ko po na ipinagbabawal ito ngunit gusto ko lamang pong sabihin na nabighani ang aking puso sa isang dalaga. Nais ko pong humiling sainyo na gawin akong tao muli upang maipagtapat ko ang aking nararamdaman sakaniya. Tatanggapin ko po ang anumang pagsubok upang ipadama ko sainyo na pursigido ako sa isang babae na minamahal ko" Saad ko sa bathala at ngumiti ito saakin.

"Sapat na ang pagpapakita nang pagiging magalang na bata at masunurin samin. Ginawa mo ang iyong tungkulin nang tama kaya oras na para ibalik sayo ang kabutihang ipinamalas mo saamin. Nawa'y maging maayos at totoo ang pagmamahalan niyong dalawa sa isa't isa" Saad naman nang Diyos at tumayo ito sa harapan ko.

Dahan dahang lumiliwanag ang lugar pati na rin ang paningin ko.
Eto na ata yung sign na magiging tao na ako ulit.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa pintuan nang condo ni Kiara.

My Angel [Completed] Where stories live. Discover now