Binuksan ko ito at nagbungad naman ang babaeng minamahal ko. Si Kiara.
"San ka ba nagpunta ha? Alam mo bang nag alaala ako sayo?" Sabi sakin ni Kiara habang nakapameywang na nag luluto.
Niyakap ko nalang siya sa likod niya para hindi na siya mag alala.
"Sorry po mahal..." Saad ko sakaniya.
Hinayaan ko muna siyang matapos ang niluluto niya tsaka ko hinawakan ang beywang niya at nilapit ang mukha ko sakaniya."H-Huy...A-Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.
"Im so sorry kung napag alala kita at umalis nang walang paalam sayo. May inasikaso lang kasi ako..." Sabi ko at niyakap naman niya ako.
"Ok lang basta next time ah.." Sabi naman niya.
Bibitaw na sana siya sa pagkahawak ko sa beywang niya ngunit hinigpitan ko iyon.
"Kiara.... Mahal na kita. Hindi ko alam king paano ako mag coconfess nang nararamdaman ko ngunit isa lang ang masasabi ko, Minamahal kita nang buo. Alam ko rin na mahirap din paniwalaan mo to pero isa na akong tao. Humiling ako sa Diyos na gawin akong tao at heto ako ngayon. Ginawa ko yun dahil gusto kong iparamdam sayo na handa akong isakripisyo ang lahat para sayo. " Sabi ko sakaniya.
"Hindi mo naman kailangan gawin yun para sakin. Mahal kita kahit isa ka mang Anghel o Tao. Tanggap kita bilang kung sino ka. Maraming mga tanong at bagay na tumatak sa utak ko ngunit isang bagay lang din ang alam ko, na mahal na din kita" Sabi niya sakin at hinawakan niya ang pisnge ko.
Nagkatitigan kami sa isa't isa nang ilang segundo at sabay hinalikan ko siya.
Tumigil kami sa paghahalikan para makahinga kami.
"Tara na kain na tayo" Sabi niya at tumango naman ako.
Habang Kumakain ay pinag usapan namin kung paano ako naging tao nang tuluyan.
Nakikita ko naman sakaniya na interesado siyang makinig at atleast kahit papaano makakahinga na ako nang maluwag dahil nakapag confess na ako sakaniya.
YOU ARE READING
My Angel [Completed]
RomanceYou're my savior, protector, and my defender. You're my shield when someone attacks and yet you're my support when I need your back. Why falling in love with an angel is forbidden even if it's true love then? (A/N: May Chapter po na makalat kaya pl...