Agustinos Province

229 16 5
                                    

AGUSTINOS PROVINCE | Draven Black

MAHIGIT dalawang taon na rin ang lumipas mula nang maganap malagim na pangyayaring sumira sa probinsya ng Agustinos. Nasa mahigit isang libo na lang ang populasyon nila ngayon na dating nasa mahigit 50,000 thousand.

Doon kasi ginanap ang trial sa mga high tech spray na nagmula sa imbensyon ng nakaraang administrasyon. Sinasabing makakatulong daw ito para mapabilis ang paglaki at pagtubo ng mga palay, halaman at mga puno sa kalikasan.

Ngunit kung kailan fully developed na ang naturang spray, hindi nila aakalaing magkakaroon pa pala ito ng mga side effect sa kalikasan. Laking gulat nila nang lumaki at maging higante ang lahat ng mga insekto roon.

Sa dinami-dami ng mga insekto sa napakalawak na kalikasan at kagubatan ng probinsiya, nagawa nilang sakupin ang buong Agustinos at magdulot ng matinding pinsala. Maraming namatay. Maraming mga nawasak na gusali at tahanan. Maraming mga trabaho at negosyo ang nahinto. Maraming nasira ang buhay.


Ang dating maunlad at highly urbanized na probinsya, halos maging dead zone na lang ngayon. Marami pa ring mga gusali ang nanatiling wasak at hindi naaayos. Hindi pa rin naibabalik ang dating ayos nito.

Paano ba naman kasi, nasa mahigit isang libo na lang ang naninirahan ngayon sa naturang probinsiya. Napakahirap gumawa ng hakbang kung ganoon kakonti ang mga tao. Ang iba sa mga ito, nagbabalak nang lumipat sa ibang lugar para doon magsimula ng panibagong buhay.


Ang natira lang doon ay ang ilang matatandang residente na ayaw iwan ang kanilang tahanan dahil sa mga mahahalagang alaalang nakapaloob doon.

Hanggang ngayon, nabubuhay pa rin doon ang mga higanteng insekto. Nasa paligid lang sila nagkukubli. Handang umatake oras na may matiyempuhang tao sa daan.

Isang araw nga, may namataan silang higanteng salagubang na lumilipad sa isang bayan sa Agustinos. Mabuti na lang at wala nang mga tao sa bandang lugar na iyon kaya wala itong napinsalang kahit ano.

Nagpadala ng helicopter ang mga karatig na lugar para patayin ang higanteng ito sa pamamagitan ng kanilang mga weapons. Matagal na nilang gustong patayin ang lahat ng mga insekto roon ngunit masyadong mailap magtago ang mga ito kaya hindi nila agad natitiyempuhan.

Nang sumunod na araw, pinuntahan ng grupo nina Freddi ang probinsiyang iyon. Dala nila ang kanilang mga staff at camera man para gumawa ng documentary doon.

Nagtatrabaho sila bilang mga reporter at researchers sa isang TV Network. At dahil mainit pa rin sa madla ang topic tungkol sa Agustinos, naisipan nilang gawan ito ng dokumentaryo.

Sa tabi ng isang abandonadong gusali nila ipinarada ang sasakyan. Doon na rin nila inayos ang mga gamit para sa unang segment ng documentary nila.

Habang pine-prepare na ni Freddi ang script ng bawat isa, bigla siyang nilapitan ng katrabahong si Daniel. "Pare, gusto kong mag-CR."

"D'yan ka na lang sa tabi ng puno umihi," matipid na sagot niya.

"Hindi ako naiihi, Par. Natatae ako!"

Napatapik na lang siya ng ulo. Alam kasi nilang wala nang mga aktibong tahanan o gusali roon na may banyo. "Ano ba naman 'yan, Daniel! Kanina ang tagal natin nakaalis, hindi mo ba naisipang tumae sa Maynila pa lang?"

"E, ngayon lang kasi sumumpong 'yung tiyan ko, eh!"

"Try mong pumasok sa building na 'yan! Maghanap ka ng CR kung meron!" Sabay turo niya sa abandonadong building na nasa harapan nila. Wasak na ang kalahating bahagi nito.

"E, kailangan ko rin ng sabon at panghugas!"

Napakamot muli siya ng ulo sa inis. "Manghingi ka ng bottled water at tissue kay Melisa!"

The Nightmare Within [Horror Stories Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon