Putol-Putol

207 18 1
                                    

PUTOL-PUTOL | Draven Black

NATAGPUAN ang bangkay ni Kevin sa sariling silid. Wala nang buhay at dinukot pa ang maselang bahagi ng katawan. Walang makapagsabi kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kanya. Wala naman silang kilala na mga kaaway nito lalo na't mabuting tao rin ang lalaki.

Labis na nalungkot ang mga naging kaibigan nito sa apartment building na iyon. Lalo na si Eliza dahil isa pa naman siya sa mga may crush sa lalaki. Crush niya ito dahil bukod sa malaki ang katawan nito ay magaling din itong magluto. Dagdag points din ang pagiging malaki ng alaga nito.

Mahilig kasing magsuot ng boxer shorts ang lalaki lalo na kung nandoon lang naman sila sa loob ng building. Madalas niya itong naaabutang nakaganoon tuwing magluluto sa kitchen area at lalabas ng banyo.

Lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki ay na kay Kevin na. Kaya talagang hindi niya matanggap ang pagkamatay nito. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit kailangan pang dukutin pati ang alaga nito na isa sa mga best asset ng lalaki.

Dahil sa loob ng building pinatay ang lalaki, lahat ng mga nakatira doon ay kasalukuyang iniimbestigahan ngayon. Inisa-isa ng mga awtoridad ang bawat may bahay para maisalang sa questioning.

Nagtagal iyon ng halos isang araw ngunit bigo ring makakuha ng mahahalagang impormasyon ang mga pulis na makakatulong sa kanilang imbestigasyon. Nagpaalam na sila sa manager ng building at babalik na lang daw sa mga susunod na araw.

Iyon na yata ang pinakamalungkot na gabi ni Eliza. Pasadong alas-syete na pero hindi pa rin siya nakakapaghanda ng dinner niya. Kadalasan kasi, sa mga ganoong oras lumalabas si Kevin para magluto ng hapunan nito. Kaya ganoong oras din siya nagpupunta ng kitchen area para mabosohan ito habang sinasabayan sa pagluluto.

Ngayon, hindi na niya makikita ang six packs na abs nito pati ang mga hita nitong bukol na bukol din sa muscles. Lalong-lalo na ang boxer shorts nitong palaging nakaumbok dahil sa laki ng dinadala.

Wala nang magpapatawa sa kanya habang nagluluto. Marami pa naman siyang mga kakilalang guwapo roon pero iba pa rin talaga si Kevin. Ang lakas ng tama niya rito. Kahit babae siya, parang gusto niya itong ligawan. Pero ngayon hindi na puwede dahil wala na ito sa mundo.

Kinabukasan para siyang lutang nang pumasok sa trabaho. Hindi niya alam ang ginagawa. Um-order ng coke float ang isang costumer. Ngunit ang nailagay niya sa baso ay tubig saka niya ito pinatungan ng ice cream.

Mabuti na lang ay medyo nasa good mood ang kanilang manager kaya hindi siya gaanong sinabon. Pero nakakahiya pa rin ang ginawa niya. Sa loob ng halos tatlong taon na pagtatrabaho niya sa fast-food restaurant, ngayon lang ito nangyari sa kanya.

Sobra-sobra pa rin ang naging epekto sa kanya ng pagkawala ng ultimate crush niyang si Kevin. Ang pangarap niyang mapaibig ito ay naglaho na. Kailan pa kaya siya makakakita ng lalaki na higit pa rito? Mukhang hindi siya makakapag-move on nito hangga't hindi nakakatagpo ng kapalit na mas guwapo dapat, mas malaki ang katawan at mas malaki ang dinadala kaysa sa nauna.

Pihikan pagdating sa lalaki si Eliza. Ang pinakatinitingnan niya ay ang panlabas na kaanyuan ng tao. Hahayaan lang niya itong manligaw sa kanya kapag ito ay guwapo, matangkad, matipuno ang katawan, may anim hanggang walong pandesal at may malaking alaga.

Hindi siya naniniwala sa ibang tao na ang kabutihang loob ang tinitingnan. Para sa kanya isa lamang itong ka-ipokritohan. Kahit sino ba naman, kapag nakakita ka ng guwapo o maganda, tiyak na mahuhulog ka rito kapag ito ang itinubok ng iyong puso.

Hindi na uso sa panahon ngayon na ang kalooban lang ang maganda sa isang tao. Dapat pati ang panlabas ding anyo. Naniniwala kasi si Eliza na ang ugali, puwede pa niyang mabago sa isang tao. Isa iyon sa mga special skill niya na wala sa karamihan, kaya siguro umaasa na lang sila sa mga taong may mabubuting kalooban.

The Nightmare Within [Horror Stories Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon