(5 o'clock in the morning)
Criiingg.. Criingg..
Naalimungatan si Kessy nang marining niyang nag riring ang ang mobile phone niya, kinakapa niya ito at ng mahawakan niya dali-dali niyang pinindot ang answer button nito.
"H-hello.." ani niyang nakapikit pa ang mga mata dahil antok na antok pa siya, at nagising lang sa ingay ng mobile phone niya.
"Good Morning Baby, I love you.. Wake up na anong oras na, siguradong kanina pa gising si Lolo Pedro at may work ka pa" tinig sa kabilang linya na si CJ na boyfriend niya.
Ganito ang morning routine nila, dahil nasa Long distance relationship sila ngayon. Taga Mindanao kasi si CJ pero kasalukuyang nasa Manila ngayon for his family and business matters. At siya naman na sa Central Cebu dagat ang pagitan sa kanilang dalawa. Kaya telepono lang nag uugnay sa kanila ngayon.
"Good Morning Baby, I love you too.. Oo nga pala si Lolo sisgawan nanaman ako nun. Call me back baby aasikasuhin ko muna si lolo ha? ani niya sa boyfriend. At sumang ayon naman ito sabay baba sa phone.
Dali-dali siyang bumangon at sinuklay ng kamay ang mahaba at makintab pa rin niyang buhok kahit kamayin lang ay ayos na.
Nagmamadali niyang tinungo ang bahay ng lolo niya pagkatapos niyang magmumog ng bibig. Hiwalay kasi ang bahay ng lolo niya sakanila pero mga sampung hakbang lang naman ang layo nito. Mula kasing nahospital ang lolo nito dahil sa sakit sa puso, siya na ang nag alaga dito kasi mas malapit siya sa lolo niya kaysa sa mama niya mula nang yumao ang kanyang ama at ang dalawa niyang kuya may mga sariling pamilya na. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at siya lang ang nag-iisang babae at di pa naiisipang mag settle down dahil nadin sa sitwasyon nila ng boyfriend niya na di laging magkasama.
-TBC-

BINABASA MO ANG
"Kailan mali ang Pag-Ibig"
RomanceShe fall in love unexpectedly with a man na bukod sa popular rich kid, gwapo at matalino ay isa ring playboy, presko, trouble maker at may pagka-maniac na si Carlos John Mijares. .Pero ang higit sa lahat ay Ex-Boyfriend ng Bestfriend niya. Galit na...