(Chapter 2)

4.7K 42 2
                                    

(8 o'clock in the morning)

"Baby, I'm already here in school. I'll call you later after my class, I love you".. (message sent) text ni kessy sa boyfriend niyang si CJ.

"Good Morning ma'am" bati ng isang korean student kay kessy habang papasok siya sa kanyang classroom.

English Teacher kasi siya sa isang korean academy. After kasi niyang grumaduate sa college ng BS-Biology ay hindi na siya nakapag proceed sa medicina turan ng pagkamatay nang kanyang ama. Ang ama lang kasi niya ang bumubuhay sa kanila noon at nag aaral pa siya ay binawian na ito nang buhay. Kaya napilitan siyang mag working student para lang matustusan ang kanyang pag-aaral. Di naman kasi sila ganon kayaman, simple lang silang namumuhay at ang ina niya naman any may kunting carenderia, kahit papano ay nakakatulong din sa kanila. Silang dalawa nalang kasi ng kanyang ina ang magkasama sa bahay. Bumukod na kasi ang dalawa niyang kuya dahil may mga sariling pamilya na ito. Bumibisita lang ito pag may panahon. Pero kahit papano ay okay naman din ang buhay niya at kuntento na siya lalo na't andiyan palagi ang boyfriend niyang si CJ na siyang mapagsasabihan niya ng mga problema or kung anong mga nakakapagpabigat sa kalooban niya about her family and sa work.

Mag aalas singko na nang hapon saktong uwian na ay wala pa rin siyang natatanggap na messages or tawag man kang kay CJ. 

Nakakapagtaka naman. ba't di pa kaya nagtetext at tumatawag ang mokong na yun.. sambit niya sa kanyang isipan.

Di naman kasi ganun ang boyfriend. Lagi yung nagsasabi kung saan at ano ang ginawa nun. Pero ngayon parang madalang na kumontak sakanya ang boyfriend. Tumatawag nga ng umaga pero pagtapos nun magtext lang ng isa or dalawang beses sa isang araw.

Biglang nagFlashback sakanyang isipan kung pano sila nagkakilala ni Carlos John Mijares a.k.a CJ.

An Intellegent Man , Tall dark and Handsome a perfect Man for her eyes now. Pero salungat ito lahat bago pa niya nakilala ang boyfriend.

                      -TBC-

"Kailan mali ang Pag-Ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon