Simula

35 4 17
                                    


Pagod, uhaw, gutom pero kailangang bumangon hindi para kanino kundi para sa sarili ko mismo.

All my life I wasn't treated well by those peole who I thought that cares for me masyado kong binulag ang sarili ko para di mapansin ang totoong tingin nila sakin, ramdam ko naman kaso tanga nga talaga siguro ako na kahit ilang taboy at masasakit na salita na ang natamo martyr parin ako.

Nagmatigas ako dahil sa mumunting kaisipan na minsan ng sumagi sa isip ko.. kung susuwayin ko sila pano na'ko?

Wala akong pera at hindi ganoon kadali makahanap ng trabaho sa lugar nato kaya wala akong panahon para banatan ang di matukoy na galit nila para sakin, pero totoo nga ang sabi nila na kapag sobra na magugulat kanalang sa biglang pagsabog at ganun nga ang nangyari sa pagitan namin ni auntie kani-kanina lang.

Hindi ko pa lubusang tanggap ang naging ugat ng biglaang pagsabog ko kanina ng dahil sa katiting na rason halos isaksak sakin ni auntie ang nabasag kong pinggan, biruin mong ng dahil lang sa letsugas na pinggan na yon naging walang silbi ang sampung taong pagtitimpi ko na di hamak mas matitindi pa yung mga naging alitan namin ni auntie sa mga nakaraang taon.

Kaya heto ako ngayon parang tangang nakatulala sa loob ng bus hindi malaman-laman kung saan nga ba ako pupulutin pagkatapos nito.

May kunting ipon akong naitago sa mga panahong naging maganda ang timpla ni auntie at naaabutan ako kahit papaano pero hindi magiging sapat yun sa mga planong tumatakbo sa utak ko habang papalapit nako sa syudad ng Manila.

Matagal ko ng pinangarap na pag nakapagtapos ay agad akong luluwas para mag trabaho dito pero mukhang di sasang-ayon ang panahon dahil nakarating ako dito na wala sa plano at naging malabo pa ang pag aaral ko ng dahil sa lagay ko ngayon.

Kanina pa ako titig na titig sa labas ng bintana tanaw ko na ang nagpapaligsahang matatayog na kongkreto, the view that filled of so many lights coming from the tall buildings and lamp posts far different from where I came from madalas madilim doon dahil sa di inaasahang pag brownout pero kahit gaano pa man kamangha-mangha ang nasa harapan ko ngayon ay di ko magawang matuwa na parang bata, imbes ay mapait akong ngumiti, I don't know why there's a lot of lucky people in the world living their better life but why does mine really sucks? Hindi ko maalalang naging mapagmataas ako sa mga nagdaang taon para parusahan ako ng ganito, it's so weakening and tiring para bang gusto ko nalang pumikit at dina dumilat pa muli, pero naalala kong kinaya ko nga ang ilang taong kasamaan kalakip ang brutal na gawain at bibig ni auntie ngayon pa ba naman ako susuko kung kailan nakakalas nako sa tali niya?

Hindi, hindi ako susuko determinado ako at lalaban ako.

"Ineng ito na ang huling hinto ng bus san ka ba?" Napabalikwas ako sa biglaang pagsulpot ng mama sa harap ko.

Dulot ng malalim na pagiisip hindi ko namalayang kanina pa pala huminto ang bus at ako nalang ang natitirang pasahero. Kinakabahan kong nilingon ang konduktor na nagtanong.

"Ah manong san na po ba to? Manila na po ba?"

Kunot -noo naman akong sinagot ng mama "Tama ka nga ineng eh san ba sa Manila ka dapat baba at baka lumampas ka na't kanina ka pa tulala."

"Ah dito nalang po ako, pasensya na po salamat." Dahil hindi naman talaga ako sigurado kung saang lugar ako baba basta at natiyak kong nasa Manila na nga ako.

Bitbit ang isang itim na backpack at maleta tumawid ako ng kalsada ng matanaw ang waiting area sa unahan, talagang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mag a-alas nuwebe na ng gabi ng makarating ako dito kasya man ang perang naipon ko para makakuha ng pansamantalang matutulugan ay malabo namang makahanap sa oras nato lalo na't diko kabisado ang Manila.

Exquisite LoveWhere stories live. Discover now