Chapter 5

20 2 14
                                    

Meeting

"Meeting adjourned."

Pagpapahayag niya sa pagtapos ng kung anumang napag kasunduan ng mga bigating panauhin sa isang mahabang lamesa.

Maaga akong dumating sa mansion ng maabutan kong nagkakape si Sir Yurii hindi manlang ako binigyan ng tsansa na makaupo ay nag aya na agad siyang pumunta sa kompanya nila.

Mangha pa ako kanina habang tinatanaw ang matayog na building ng Valerio Inc ngunit ang kaninang excitement ko ay nalukob at napalitan ng sobrang pagkainip ng halos limang oras lang akong nakaupo sa gilid ng malawak na conference room habang pinapanood ko lang silang abala sa mga bagay na hindi ko siguro kailanman maiintindihan.

Basta ang alam ko lang ay may ipinakita ang lalaking may bigote na nakaupo sa swivel chair ng isang chart at graph gamit ang projector. Siguro pinag uusapan nila kung gaano kataas ang nai increase ng kanilang fund.

Tumayo na ang karamihan samantala tuloy-tuloy lang sa paglakad palabas si Sir Yurii kaya agad akong napasunod nalang.

"Press 40th floor that's where my office is."

"Yes sir."

Matapos ko itong mapindut ay muli itinatak ko sa utak ang numero kwarenta at napaka makakalimutin ko pa naman.

Tumunog pa ang elevator bago tuluyang bumukas at unang lumabas si boss papunta sa kanyang opisina ng makadating ay bigla parang gusto kong magkukumahog sa pagbaba dahil sa sobrang lawak at sa see-through glass na dingding ng kaniyang opisina!

Halos lahat ng salamin sa harap ay makikita mo ang kabuoan ng siyudad. Nakatayo pa lang ako sa pinto ay parang nalulula nako tila invisible at walang silbi ang mga salamin nayan at baka mahulog ako!

"You'll stand there the whole day?"

Napaigtad pako sa biglang pagbaling ni sir Yurii sakin habang papaupo na sa kanyang swivel chair.

Iniwas ko ang tingin sa makamatay na tanawin at sa nanginginig na tuhod ay lumapit ako sa kanya.

"Buy me espresso in the near cafeteria, after my meeting I always take a sip."

Inabot niya sakin ang isang libong cash nakong di pa ako binabagabag ng opisina niya ay magrereklamo nako. Sa nanginginig na kamay ay inabot ko ang pera ngunit hindi umabot ito sa aking palad.

Nag angat siya ng tingin sakin at bahagyang kumunot ang noo.

"Are you afraid of heights?"

"Pasensya na hindi ko kasi akalaing ganito pala ang ding-ding mo sa opisina, nakakalula masyado pakiramdam ko hinihigop ako pababa."

Tahimik siyang tumitig sakin at may kung anong pinulot sa drawer ng kaniyang glass table at ng makuha ang isang maliit sa palagay ko remote ay tinapat niya to sa kinakatakutan kong tanawin pumindut siya ng isang beses at agad napalingon ako ng may dahan-dahang bumaba na makakapal na kurtina.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga dahil sa matinding pagtitimpi sa see-through glass ng kaniyang opisina na para bang nang iimbita ito ng kamatayan.

I suddenly hear a small sigh and realize I'm still in his front, I shifted my gaze he's intently staring me for awhile tila namamangha sa mga naging reaksiyon. Bahagya pa siyang yumuko at may ibunulong.

"I'll be needing a renovation."

He mumbled something that I didn't hear.

"huh?"

"Buy me espresso."

"Ano yun Sir?"

Ulit tanong ko tinutukoy ang unang niyang sinabi. Ngunit masungit niya iniwas ang tingin at muling inulit ang pangalawang sinabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Exquisite LoveWhere stories live. Discover now