Chapter 1

18 5 8
                                    

Job hunting

"I just told you, you can stay here for free! You don't have to work instead why don't you finish college nalang kaya? No need for you to worry I can support us and your studies that's what sisters do."

Kagigising ko lang at hindi na nakapag hintay ang isang to para lang sabihin sakin yang mga mamahaling plano nya sa buhay ko, hindi pa man ako nakakahigop sa coffee mug na tinimpla nya para sakin yan agad ang pambungad nya para sa araw nato.

"Hindi naman pupuwedeng dahil nakikitira lang ako dito ng libre ay di nako magtatrabaho Lorraine. Hindi ako abuso alam mo yan, tungkol naman sa pag-aaral tama na yung maikling karanasan ko sa koleheyo para masabi kong edukado akong tao at napag aralan ang mabuting asal."

"Yes you've been in 3rd year college and pause after that kahit wala naman talagang ambag yang demonyita mong tiyahin! She have the guts to stop you from schooling huh when she can't even lend you 20 pesos just for snack!"

Eksaherado nyang kuwento ng ipaalala yung tungkol sa paghingi ko ng bente pesos para sana ipang baon.

Napabuntong hininga akong sinagot naman siya " Parang di mo naman kilala ang auntie, ayoko naman talagang ipilit kung hindi kaya kahit hindi siya gaanong nakakaabot sakin noon kahit papano may utang na loob parin ako sa ilang taon na pakikitira ko sa pamilya niya."

"As a relative they should really help you, at anong hindi gaano? Talagang hindi siya nagbibigay ni sentimong duling! You don't have debts to them Wisteria Vine but to you they have! It's a 10 year sickening cruelty of that family of yours they treated you like a poor slave! You even work outside just to have something in your pocket and even sa bahay niyo inuutus utusan ka pa what the heck! That's definitely unreasonable!"

Mukhang wala akong lusot dito. Kailanman hindi na nagustohan ni Lorraine ang tinuturing kung pamilya at hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang utang na loob na sinasabi ko lagi sa kanya tuwing nababanggit niya ang kasamaan nila auntie sakin. Wala ng maisipang isagot nagkaroon nako ng tsansa para uminom sa tasa ko.

"So what's your plan then?"

Sa wakas natanong nya rin, kala ko puro kanya nalang eh. Habang titig na titig sya sakin atat sa magiging sagot ko tumikhim ako saka ibinababa ang tasa.

"Like I said I want to work. Kahit ano basta desente at matino to earn money at may maiabot manlang ako sayo pag kinakailangan. Kapag sapat na ang naipon ko lilipat agad ako ng matutuluyan nakakahiya naman sa magulang mo na hanggang ngayon ay dikit parin ako sayo. Mag aapply ako ng lower job kahit kasambahay muna saka nako susubok sa mga bigating trabaho kung may sapat nako na kompyansa na matanggap dahil hindi ako nakapagtapos talaga."

Mahaba kung eksplenasyon sakanya, tahimik siya ng ilang sandali tila pinoproseso pa ng utak lahat ng sinabi ko gusto ko namang matawa sa kunot noong paninitig niya sakin, hindi bagay sa mala anghel niyang mukha.

Maganda si Lorraine madalas sa mga naging kaklase ko sa high school maging sa kolehiyo ay pinipilit ako ilakad sa kanya pero dahil mahal ko ang kaibigan syempre hindi ko hahayaang basta-basta nalang sya ireto at ipakilala sa mga mapangmaliit ko na kaklase.

Maputi at matangos ang ilong ni Lorraine hindi nalalayo ang kulay naming dalawa dahil ang sabi-sabi'y may lahing espanyol ang nanay ko gayunpaman nasa katamtamang tangos lang ang ilong ko hindi tulad ng sa kanya na tila may ipinagmamayabang ding lahi kuha sa kurba ng kanyang ilong. May kaliitan si  Lorraine samantala may tamang tangkad naman ako madalas kaming magkasama nuon pa man kaya lagi kaming napag kukumpara at napag-akalang magkapatid.

Nang mapagtanto ang husay ng plano ko tumuwid siya sa pagkakaupo at kinomentuhan ang naisawalat na plano.

"Well your plan was isn't that bad anymore but don't get me wrong Vine you know I can always offer you better than that para di kana mahirapan pa ng katulad ng ini imagine mong plano, and you always know my parents couldn't meddle with my decisions especially when it comes to you. Guess you really well planned everything parang di naman biglaan ang pagkapadpad mo ng Manila sa mga nasabi mo Wisteria Vine." Tila nagdududa pa niyang tanong kahit kani kanina lang naikwento ko na sakanya ang dahilan ng tuluyang paglayas ko kila auntie.

Exquisite LoveWhere stories live. Discover now