"Mama!"
Tawag ko sa mama ko. Kinuha ko na ang bag ko na nakalagay sa kama ko at lumabas na ako ng kwarto ko.
"Oh! Saan ang lakad mo, anak?" tanong ni mama na kakalabas lang din niya mula sa kwarto niya.
"Ah.. ma pinapupunta po kasi ako ng kaibigan ko sa bahay nila.. si Jimin po. Birthday niya po kasi ngayon, baka mag tampo yun sa akin pag di ako pumunta." Sabi ko kay mama
"Osya sige! Mag iingat ka sa pag mamaneho mo ah?"
"Opo ma. Sige po aalis na po ako. Bye ma."
Bago ako umalis ay hinalikan ko muna sa pisngi si mama at nag wave siya sa akin ng nakangiting malungkot.. hay! Alam kasi ni mama na nalulungkot pa rin ako hanggang ngayon, kahit dalawang taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko... sa puso ko.
"Ahm. Manang pabukas po ng gate." nakangiting utos ko sa kasama namin sa bahay.
Binuksan ko na ang kotse ko at sumakay na ako at pinaandar ko na Ito. Ng makalabas ako ay binuksan ko ang bintana ng aking kotse para mag pasalamat kay manang at nag paalam na din.
30 minutes ang layo ng bahay nila Jin mula dito sa amin. I'm Lee Ha Hyo, by the way. Hahyo or Hyo ang Tawag nila sa akin. 21 na ako at malapit ng mag 22. Sana pag dating ng kaarawan ko ay Makita ko siya kahit sa malayoan man lang.
Hindi ko pa rin makalimutan kung paano niya sinabi sa akin ng harap-harapan ang mga katagang "let's break up. I don't love you anymore." Ni hindi ko manlang siya naitanong kung ano ang rason ng pakipag-hiwalay niya sa akin.
I'll try to move on.. pero ang hirap. Masyado ko kasi siyang mahal para makalimutan ko siya. Akalain niyo yun TWO YEARS from now na nakipag-break siya sa akin.. pero hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Dahil palagi ko siyang iniisip. I'm still in love with him. Mahal na Mahal ko siya higit pa sa pag mamahal ko sa sarili ko. Ang tanga ko noh? Hindi na nga ako mahal ng ugok na yun.. iniisip ko pa siya.
Bakit sa dinami-dami ang nanliligaw sa akin siya pa ang minahal ko.. yung mga salita niya na pinangako niya sa akin na yung "I LOVE YOU JAGIYA! WAG MO AKONG IIWAN AH! MAHAL NA MAHAL KITA! PAPAKASALAN KITA! MAMUMUHAY TAYO NG PAYAPA! BUBUO TAYO NG MASAYANG PAMILYA! WAG MO AKONG IPAGPAPALIT NA KAHIT SINOMANG LALAKI! PROMISE ME, JAGIYA.. DON'T LEAVE ME!"
Eh, siya pa nga 'tong nangiwan eh. Hutangina lang, ako minahal ko siya ng buong tapat tapos.. ito ang igaganti niya sa akin. Wala naman kaming naging problema, masaya kaming nag mamahalan. Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tulo ng tulo.. pero kahit diko alam ang rason ng pakipaghiwalay niya sa akin... umaasa akong may isasagot siya sa akin pag tinanong ko siya at kung sakali mang makaharap ko siya.
Si Jimin ay kaibigan ko since noong mga kiddo pa lang kami.. at kakabalik lang nila dito sa korea nung nakaraang buwan. Hindi niya alam na may naging boyfriend ako or ex-boyfriend.
Nandito na pala ako sa harap ng bahay nila Jimin.. nakita ko siyang nakatayo sa harap ng gate nila at kumaway siya sa akin, kinawayan ko din siya pabalik. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at sinenyasan akong buksan ang bintana ng kotse ko, at binuksan ko naman yun.
"Wala ka bang balak bumaba diyan?" tanong niya sa akin
"Eh! Ahm.. marami kabang bisita sa loob? Nahihiya ako." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]
Fanfiction❝As I look back at everything that happened between us... would it have been better to have never known you at all? I say, “NO” because then I would have never spent all those years with you. They were the best years of my life, even thought they e...