Chapter 3: wedding invitation? Arranged Marriage?

98 5 1
                                    

CHEN'S POV


*


"Ano iniisip mo na naman ba siya.?" tanong ng kaibigan ko sa akin.

"Uh!.. maybe." sagot ko. Alam kung walang kwentang sagot yan.

"Haha! Anong klaseng sagot 'yan, bro?.. ang sabihin mo talagang iniisip mo pa siya, dahil mahal mo pa siya. Diba tama naman ako?"

"...." no response

"Silent means.. yes! Hay naku talaga. Pag-ibig nga naman-"


Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Hindi ko na siya MAHAL.. naiintindihan mo ba 'yun? Matagal ko na siyang iniwan. I don't love her. Okay.?"

"Tsk!"


"Uuwi na ako, baka nasa bahay na ang kapatid ko."

"..Okay! Paki-sabi na lang sa kapatid mo na mahal ko siya, ah.?"

"LOL! Iwan ko sayo, Yixing. Tumigil kana sa panliligaw sa kapatid ko dahil hindi ka sasagotin nun. Mas mahal niya ang career niya kesa sayo.." Sabi ko sa kanya at agad na tumakbo, ayoko ng marinig ang sunod niyang sasabihin.


Nag lalakad ako papunta sa naka-park kong kotse. Binuksan ko ito at sumakay na.

*

"I'm home!" sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng bahay namin.


"Hi hyung..." bati sa akin ng kapatid ko na hindi manlang tumitingin sa akin.


"Kailan mo ba ulit ako tatawagin na Oppa.?" tanong ko sa kapatid ko na babae.. Oo babae siya, pero HYUNG ang tawag niya sa akin.

"Kung magising kana sa katotohanan, hyung." sagot niya.

"Anong katotohanan ang sinasabi mo.?" tanong ko sa kanya.


Tumayo siya sa pagka-kaupo sa sofa at pumunta siya ng kusina. Sinundan ko naman siya.

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote mo.. na naisip mong layoan si Hyo. Bakit mo nga ba siya nilayoan, ha? Hindi ko alam kung ikaw pa ba talaga ang kuya ko." malumanay na pagkasabi niya, pero alam kung sa bawat sa pag sasalita niya ay naiinis siya sa akin.

"Hindi ko na siya- mahal, kaya ko siya hiniwalayan. Yun ang katotohan.. at sana matanggap mo yun." sabi ko sa kanya na hindi nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Kumuha siya ng tubig sa ref at ininom niya 'yon, at tumingin siya sa akin ng masama.

"Alam kong hindi 'yon ang kototohanan. Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo pa siya; hindi mo lang masabi sa sarili mo dahil natatakot ka. Kim Jongdae, you're my brother.. alam ko ang pagka-tao mo, alam ko kung nag sisinungaling ka o hindi. Mas masasaktan ka lang pag pinipilit mong paniwalaan ang sarili mo na hindi mo na talaga siya mahal.. mas lalo kang masasaktan- pag malaman mo ang balita... na ikakasal na siya sa taong nanakot sayo noon, kaya kung ako sa'yo; kikilos na ako habang maaga pa."


Pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan na niya akong nakatulala.


Paki-alam ko ba! Hindi ko na nga siya mahal, Diba. Wala din akong pake kung mag papakasal na siya sa taong 'yun.


Siguro nakapag-move on siya agad nung time na nakipag-hiwalay ako sa kanya. Aish! Bakit ko pa nga ba inaalala 'yon, matagal na yun eh.

*


"Ano ba kasi yun, kanina kapa daldal ng daldal dyan.. wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo." inis kong sabi kay Yixing sa kabilang linya. Tumawag siya sa akin dito, pero wala namang kwenta ang mga pinag-sasabi niya.

[Hay, naku! Lumilipad na naman siguro ang utak mo sa kakaisip sa.. past mo.]

"Kung wala kang magandang sasabihin; ibababa ko na 'tong telepono. Wala kang kwentang kaibigan..!" sigaw ko sa kanya at binaba ko na agad ang telepono.


Napa-facepalm na lang ako. Bakit ako naiinis pag sinasabi sa akin ni Yixing yun. Baka nga totoo ang sinasabi niya kaya ako nag kakaganito.. argh! Iwan ko ba sa sarili ko. Fishtea!

"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Si Yixing ba ang kausap mo? bakit hindi mo sinabi sa akin, para makausap ko siya, Bakit hyung, ha? Bakit.?"


"Teka! Kumalma ka nga; ang dami mong tanong eh. Bakit ka ba nandito sa kwarto ko.?" tanong ko din sa kanya. Hindi ko na sinagot ang mga tanong niya, eh wala namang kwenta eh.

"May ibibigay kasi ako sayo.. dapat kanina ko pa ito binigay, nakalimutan ko lang. So, ito oh! Si Tita Eunhee ang nag papabigay niyan sayo. You're invited." sabi niya.

Kinuha ko sa kanya ang puting papel na kanina pa niya inaabot sa akin. Nag dadalawang isip ako kung babasahin ko ba ito o hindi. Pero sa huli binasa ko pa rin ito kahit may nag pipigil sa akin na wag ko na lang ito basahin, kahit labag sa kalooban ay binuksan ko ang sobre na may lamang papel sa loob nito.

"Wedding invitation? Arranged marriage? Sino ang inarranged marriage ni Tita Eunhee?" tanong ko sa kanya. Si Tita Eunhee ay yung magulang ni Hyo.

"Taposin mo muna kasing basahin 'yan, diyan mo malalaman ang sagot sa mga katanongan mo. Geh! Labas na ako, maaga akong aalis bukas, wag kang kabahan ah.? Goodnight hyung."

Hindi ko naintindihan ang mga sinabi ng kapatid ko, dahil sa papel na hawak ko ako ngayon naka-focus.

"Kasal ni Lee Ha Hyo at Kim Min Seok. Sinong Kim Min Seok?. Alam kaya niya ito na inarranged marriage siya.?" tanong ko sa sarili ko.

Pupunta ba ako.. o hindi?

* [END OF HIS POV]


(A/N: Sorry po kung ang iksi ng POV ni Chen, babawi ako sa next Chappie, promise po.)

Exocouples519

❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon