■
"Nakakainis kana, Hyo. Ano ba ang nangyayari sayo, ha?"
Inis na tanong ni Jimin kay Hyo, kasalokuyan silang nasa daan papunta sa Incheon airport para sundoin nila ang kapatid ni Jimin.. Kaya naman naiinis si Jimin dahil tinusok-tusok ni Hyo ang kanyang tagiliran, hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pagda-drive.
"For the first time in my life, ngayon ka lang nainis sa akin ng ganyan, Jimin.. nag lalambing lang naman ako eh."
naka-pout niyang saad sa kaibigan niya, ng makita ni Jimin ang itsura ng kanyang kaibigan.. lumakas ang kabog ng kanyang dibdib; Oo may lihim na pag tingin si Jimin sa kaibigan niya.
Ngunit mas pinili na lang niya itong wag sabihin kay Hyo, dahil alam na niya kung ano ang sasabihin sa kanya nito; mas minabuti na lang niya itong itago kesa naman sa marinig niya ang isasagot ng kanyang kaibigan kung sakaling mag confess siya kay Hyo... dahil mas masasaktan siya kapag ganun ang mangyari.
"Wag mo kasi akong kukulitin, alam mo namang nag mamaneho ako.. mabangga pa tayo; Konsensya ko pa ito. At wag mo akong lambingin." Sabi niya, na ngayon ay nakatingin na siya sa daan hindi na kay Hyo.
Kumunot naman ang noo ni Hyo, dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. Nag taka siya dahil noon pa man ay mahilig na talaga siyang mag lambing sa kaibigan niya, at ngayon niya lang ito narinig na nag salita ng ganun sa kanya si Jimin. "Huh! bakit.?" tanong niya sa kaibigan niya.
"...Dahil hindi na tayo mga bata; malalaki na tayo, at hindi na ako komportable pag nag lalambing ka sa akin. Kaya wag mo na ako lalambingin kahit kailan." seryoso niyang pagka-sabi sa kaibigan niya.
Napa "Huh" na lang si Hyo, dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang kaibigan niya, sa kanya.
■
"Ano ba ang itsura ng kapatid mo, Jimin?" tanong ni Hyo kay Jimin. Nasa airport na sila, nakatingin lang sila sa malaking eroplano na kakalanding pa lang at hinihintay na lumuwa ang hyung ni Jimin doon.
"Wag ka nang mag tanong, makikita mo din naman yun mamaya." sabi niya na hindi nakatingin sa kaibigan niya. "HYUNG! NANDITO KAMI!!" biglang sigaw ni Jimin ng matanaw niya ang hyung niya na palinga-linga sa paligid.
Tumingin naman si Hyo sa direksyon ng lalaking papalapit sa kanila. Ang layo ng mukha nilang dalawa, pero sabagay, magkapatid Lang sila sa ina. Sabi ng isip ni Hyo.
Ng makalapit na ang kapatid ni Jimin ay nag bro-fist silang dalawa. "Long time no see, bro." sabi ng kapatid ni Jimin.
"Oo nga. Sa wakas ay nakabalik kana dito sa Korea. So, how's your business in japan.?" tanong niya nito sa nakakatanda niyang kapatid.
"hmm! Ok naman, naayos na ang problema. So, tara na."
"Uhmm! Annyeonghaseyo /smile/ uhm, kaibigan ako ng kapatid mo, pinasama niya ako dito para sundoin ka namin. I'm Lee Ha Hyo, by the way." panimula ni Hyo, dahil bigla na lang daw siya naging hangin kaya siya na mismo ang nag pakilala, mukhang wala kasi sa mood ang kanyang kaibigan na si Jimin.
Tumingin ang lalaki kay Hyo at ngitian niya ito na parang may something sa ngiting yun. Ang weird niya naman. Sabi ni Hyo sa isip niya. "Oh! Tama nga ang sabi niya.. maganda ka. I'm Kim Min Seok. Half brother ako ni Jimin." inilahad ni Minseok ang kanyang kamay para makipag-kamayan at tinanggap naman niya yun. "..Nice to meet you." nakangiting sabi ni Hyo at ganun din si Minseok.
BINABASA MO ANG
❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]
Fanfic❝As I look back at everything that happened between us... would it have been better to have never known you at all? I say, “NO” because then I would have never spent all those years with you. They were the best years of my life, even thought they e...