Chapter 8: One last Chance?

38 3 0
                                    

"J-Jongdae" tawag ni Hyo kay Jongdae.

Nag tataka talaga siya kung bakit ganun maka-react si Jongdae sa kanya.

"JONGDAE! PARA KANG TANGA! MAGKAKILALA BA KAYO NI HYO?" pag bibirong tanong ni Soohye sa kapatid niyang si Jongdae.


ang balak kasi ni Soohye at Yixing ay ipakilala nila si Hyo kay Jongdae na parang walang namagitan sa kanila noon, pero hindi ata nila magagawa 'yon, dahil nag react na si Jongdae kay Hyo.


"Easy bro. Si Hyo lang yan, nandito siya para kausapin ka niya ng maayos. Nandito siya para makita ka niya at tanongin ka. Kaya sana naman, kahit ngayong gabi lang... kahit ngayon mo lang siya pag bigayan para makausap ka niya at para hindi naman masayang ang pag punta niya dito at sa pag hihintay niya sayo kanina pa," sabi ni Yixing kay Jongdae.


Lumapit siya kay Jongdae at tinapik niya ito sa braso. "Diba, pinapangarap mong makausap siya ulit..oh! Ayan na siya, nandito na siya. Siya na mismo ang lumalapit sayo para magkausap kayo. Wag mong sayangin ang mga dumaan na taon, araw, oras etc.. na hindi mo siya nakasama, pero ngayon na nandito na siya, sulitin mo na ang gabing ito na makaharap siya at makausap mo siya. At sana sabihin mo ang katotohanan sa kanya..." bulong ni Yixing kay Jongdae.

Pagkasabi ni Yixing nun kay Jongdae ay umalis na siya sa harap ng kaibigan niya at pumasok sa loob ng mansion niya. Si Soohye ay lumapit din sa kuya niya, nakakunot ang noo nitong humarap sa kuya niya. Samantala si Hyo naman ay nakayukong umiiyak, nasasaktan siya dahil sa naging reaksyon ni Jongdae nung nakita siya.


"Jongdae! Jongdae... nasaan ang utak mo? Para kang nakakita ng multo nung humarap sayo si Hyo, at kung makareact ka kanina; parang may nagawang masama sayo Si Hyo, eh ikaw pa nga itong may ginawa sa kanya eh. Ano bang problema mo, ha? Jongdae! Alam mo? Minsan ang weird mo, para kang may something na tinatago na hindi ko maintindihan kung ano iyon. Sabihin mo nga ang totoo sa akin, Jongdae. Nag dadrugs kana ba?" inis na tanong ni Soohye kay Jongdae.


Sa totoo lang, masakit para kay Jongdae na pinagsasabihan siya ng ganun ng kapatid niya, tumingin si Jongdae ng seryoso sa kapatid niya.

"Una, hindi ako nag dadrugs, pangalawa, kaya ganun ako makareact kanina dahio..ayoko siyang makita o makaharap manlang. Kahit ano pa yan, basta ayoko siyang makausap at makaharap," sabi ni Jongdae sa kapatid niya at tumingin siya sa direksyon ni Hyo na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at alam niya itong umiiyak si Hyo.


"Gaano na ba katigas iyang ulo mo, at iyang puso mo? Grabe! Hindi ka naman ganyan dati eh, simula nung nabugbog ka, nag bago kana. KAUSAPIN MO SIYA, JONGDAE. give her a one last chance, kahit ngayong gabi lang. May gusto siyang itanong sayo, at importante iyon, pag kinasal na siya hindi mo naman siya makikita ulit. Kaya sulitin mo na ngayong gabi habang hindi pa siya nag dadalawang isip, baka mag bago ang isip niya.. ikaw din, baka mag-sisi ka sa huli. Sige, lapitan mo na siya. Dun lang ako kay Yixing."

Umalis na din si Soohye sa harap nI Jongdae, huminga naman ng malalim si Jongdae at napakamot sa batok niya, unting-unti niya narealized ang mga sinabi sa kanya ni Yixing at Soohye.



Dahan-dahang nag lakad papalapit si Jongdae kay Hyo. Nag sign of a cross muna siya bago ipagpatuloy ang pag lakad niya. Jongdae, para kang TANGA. Sabi niya sa sarili.

❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon