(A/N: hvta, naiinlab ako sa boses ni Baekhyun. Btw, guys iplay niyo ang kanta ni byun na beautiful, para mafeel niyo ang kadramahan ni Hyo sa chapter na ito, kung ayaw niyong iplay.. Ok Lang, so, enjoy reading ^^)
■
HYO'S POV>
Pagkatapos namin magka-sagotan ng mama ko ay nag pasya akong umalis muna doon sa bahay para pagpalipas ng sama ng loob ko. First time naming magkasagotan ng mama ko, hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun sa akin; at ganun na din si Dad. Nagka-utang lang sila at ako ang pambayad. Argh! Naiinis talaga ako sa magulang ko.
Tinakot pa ako na may mangyayaring masama kay Jongdae pag hindi ako pumayag, pero ang totoo natatakot ako.. baka totohanin ni mama yun. Naging Mafia si mama noong hindi pa siya nakakapag-asawa at kasama niya nun ang magulang ni Jimin. Kaya naging mag kaibigan kami dahil nga sa mag kaibigan ang parents namin. Kaya naman medyo kinakabahan ako.
Pakiramdam ko, malapit lang si Jongdae sa akin, pakiramdam ko naririto lang siya sa paligid. Psh! Bakit kasi ang hirap kalimutan ang taong yun. Kakasabi ko lang kaninang umaga na hindi ko na siya iisipin o aalahanin; pero ito na naman ako, iniisip siya. Siguro ganun talaga pag sobrang mahal mo ang isang tao.
Nag lalakad ako ngayon, pupunta ako sa coffee shop. Pagka-pasok ko sa loob ng coffee shop.. nahagip ng mga mata ko ang babaeng nakaupong mag isa sa dulo, nakatalikod ito at malapit siya sa walls. Kahit nakatalikod siya, ay parang pamilyar siya sa akin.
"안녕하세요! 주문 부인 은 무엇인가.? (Good evening! What is your order ma'am?)"
Formal at magalang na bati sa akin ng isang lalakeng waitress dito sa coffee shop. Ngitian ko siya. "그게이야, 나에게 하나의 카푸치노의 두개의 바나나 아이스크림 을 제공함니다. (Give me a one cappuccino and two banana ice cream, that's it.)" Sabi ko at tumango naman siya at nag bow sa akin bago umalis para asikasohin ang order ko.
Trip kung mag banana ice cream ngayon. Nag lakad ako doon sa babaeng nakaupong mag isa, halos puno na kasi yung ibang table; sa kanya lang ang may bakante, kaya doon ko pupwesto.
"..Uhm, can i set he-- Soohye? Ikaw pala, pwedeng paupo dito?" nakangiti kong tanong sa kanya. Kaya pala pamilyar siya sa akin, dahil siya si Soohye, nung kakakilala ko lang nung birthday ni Jimin.
"Oo naman. Hindi naman akin itong pwesto para mag paalam kapa sa akin na uupo ka. By the way, I'm glad to see you again here at the coffe shop, tama lang ang pag tagpo natin ngayon... dahil may sasabihin ako sayo."
Umupo ako bago mag salita. "Anong sasabihin mo sa akin? Mukhang importante yan ah." sabi ko at kinuha ang phone ko sa bag. Tumingin ako sa kanya, seryoso siya; ininom muna niya ang kape niya at tumingin sa akin.
"Yah! Tanggalin mo nga muna iyang sunglasses mo, gabi naman eh. Diko tuloy makita ang maganda mong mata." sabi niya sa akin na naiinis.
Tinanggal ko ang sunglasses ko at nilagay ko ito sa bag ko. Mag sasalita na sana ako, isakto naman na dumating yung inorder ko. "Kamsahamnida" nakangiting pagpapa-salamat ko sa waitress. "You want some?" tanong ko kay Soohye, agad naman siyang tumango at kinuha niya sa akin ang isang banana ice cream na kakainin ko na dapat.
"Yah! Bakit yung akin pa, meron pa namang isa diyan eh." sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin na parang nagpapa-cute. "Tss, ano ba kasi ang sasabihin mo?" tanong ko ulit sa kanya
"Akala ko hindi na tayo mag kikita, pero ngayon nag kita na tayo, kaya sasabihin ko na ito sayo." pasuspense pa itong babae, tumunghay na lang ako dahil kumakain pa siya kaya hindi niya tinapos ang sasabihin niya. "So, yun Nga--" pinutol ko ang sasabihin niya ng sumabat ako.
"Diretsohin mo na kasi, ang dami mo pang satsat diyan," irita kung sabi sa kanya. "at pwede ba, punasan mo ang bibig mo, para kang batang kumain eh." ininom ko ang kape ko, naii-stress ako sa babaeng ito.
"Mianhae unnie, ahehe. So, didiretsohin na kita. Si Kim Jongdae ay kapatid ko, actually /uminom ng tubig/ hindi ko siya tunay na kapatid, dahil adapted lang namin siya at--"
"M-mwo? J-Jongdae is your brother.. i mean step brother?" nauutal kong tanong sa kanya, tumango naman siya sa akin. Hindi ako makapaniwala. "Jinjja?" tanong ko ulit, tumango naman siya ng tumango na parang naiinis na sa paulit ulit kung tanong sa kanya. Dire-diretso kung nilagok ang cappuccino kahit mainit pa ito, pero hindi ko nararamdaman ang init dahil sa nalaman ko, masaya na parang naiinis ang nararamdaman ko ngayon.
"I want to see him, where is he?" tanong ko sa kanya, ubos na agad yung banana ice cream niya, yung akin hindi pa. Hindi ko pa nga nababawasan eh, "Oh, sayo na lang 'to. Mukhang hindi ko na makakain yan," sabi ko at binigay sa kanya ang isang banana ice cream.
"Jinjja?" masigla niyang tanong, parang nag niningning ang dalawa niyang mata dahil sa tuwa, tumango ako sa kanya. "Wahhh! Unnie, gomawo." aniya at kinain na nya yung banana ice cream.
"Si Jongdae, nandun siya ngayon sa kaibigan niya, kung gusto mo siya makita ngayon...pwede kitang samahan para makita mo siya," sabi niya habang kumakain ng binigay ko sa kanya. "Alam mo ba, noon pa kita kilala. Dahil palagi kang kinukwento sa akin ni Kuya at pinapakita niya sa akin ang mga pictures niyo. Kaya naman nung nakita kita sa birthday ni Jimin ay sobra kung saya dahil sa wakas ay nakita din Kita sa personal.. pero bumalik naman agad ang lungkot ko ng maalala ko na-- na wala na pa la kayong dalawa ni Jongdae Oppa," malungkot niyang kwento sa akin.
"Palagi ko siyang tinatanong, na kung bakit wala na kayong dalawa; pero hindi niya ako sinasagot. Ang parati niyang sinasabi sa akin sa tuwing tinatanong ko siya ay "Kasi hindi ko na siya Mahal" yun palagi ang sinasabi niya. Pero hindi ako naininiwala dahil alam kung nag sisinungaling lang siya, may ibang dahilan, unnie, Kaya ka niya hiniwalayan... pero hindi ko alam kung anong ibang dahilan niya, pero may kutob ako, unnie. May iba kasing kinikilos ang oppa ko, parang may something na hindi ko maintindihan. Pag tinatanong ko siya tungkol sayo, bigla nalang siya namumutla at nanginginig, parang takot siya."
Nalulungkot ako sa kinukwento sa akin ni Soohye, bakit kaya nagka-ganun si Jongdae. "Yun lang ba ang napansin mo sa kanya?" tanong ko kay Soohye, tumingin naman siya sa akin na parang nag iisip pa.
"Meron! Noong araw ng pakipag-hiwalay niya sayo, may mga pasa siya sa kung saang parte ng katawan niya, umuwi siya ng lasing sa bahay that time. Dinala ko siya sa hospital nun, ayun sa doktor, binugbog siya gamit ang baseball bat. Hindi ko alam kung nakipag-away ba siya o may nanakit sa kanya. At pagkatapos nun palagi siyang nag ssleep talk, palagi siyang sumisigaw na ❛WAG NIYO AKONG SASAKTAN! TAMA NA! PARANG AWA NIYO NA! GINAWA KO NA ANG GUSTO NIYO!❜ Alam mo bang, isang taon bago mawala yun. Nagkaroon pala siya ng trauma. Hayy! Ang hirap ng pinagdaanan ng Oppa ko noon, naiiyak ako pag naalala ko yun, dahil nasasaktan ako sa kalagayan noon ng kapatid ko. Hanggang ngayon hindi sinasabi sa akin ni Oppa kung sino ang nanakit sa kanya noon.. pag malaman ko lang talaga kung sino yung taong yun, sisigoradohin kong mabubulok siya sa kulongan."
Nakatingin lang ako kay Soohye, galit na galit ang kanyang itsura habang may sinasabing mga masasakit na salita sa taong nanakit kay Jongdae.
Posible kayang may kinalaman sila... Mama at si Tita dito. Hindi kaya sila yung may gawa nun kay Jongdae,. Kailangan kong makausap ngayon si Jongdae, kailangan kong malaman ang kung totoo ba ang mga hinala ko.
Kinuha ko ang bag ko sa tabi ko at nag lakad ako papunta sa counter at binayaran ko ang inorder ko, lumapit ako kay Soohye at agad ko siyang hinila, nagulat siya sa ginawa ko.
"Unnie.. teka yung bag ko," agad ko naman siyang binitawan para kunin niya ang bag niya. "Bakit, unnie?" tanong niya sa akin ng makuha na niya ang bag niya.
"Puntahan natin ang Oppa mo, Kailangan kong malaman ang totoo, marami akong itatanong sa kanya, tara samahan mo ako,"
■
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]
Fanfiction❝As I look back at everything that happened between us... would it have been better to have never known you at all? I say, “NO” because then I would have never spent all those years with you. They were the best years of my life, even thought they e...