CHAPTER 7: (PART Ⅱ)

37 2 1
                                    

(A/N: dinelete ko yung pinublish ko na part Ⅱ. Inulit ko po, masyado po kasing mabilis ang mga pangyayari =.= Kaya inulit ko, pasensya na.)

"Unnie! May kotse ako, gamitin natin yun. Wag tayong mag lakad. Malayo ang bahay ng kaibigan ni Jongdae Oppa," sigaw sa akin ni Soohye, nasa garahe siya ng mga kotse.

Malay ko bang may dala siyang kotse, nag lakad ako papunta sa kanya. "Let's go," Sabi ko sa kanya ng makalapit ako.

"Wait. Tatawagin ko lang si Yixing, itatanong ko lang sa kanya kung naroroon si Jongdae Oppa.. baka mamaya, wala pala dun." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Yixing?" nag tataka kung tanong sa kanya.

"Kaibigan ni Jongdae Oppa," aniya at nag dial siya ng number.

Tumango na lang ako pero hindi niya naman iyon nakita. Ilang ring lang ay may sumagot na ito sa kabilang linya.

Lumayo muna ako kay Soohye, para hindi ko marinig ang pag uusapan nila. Ayokong malaman na nandun si Jongdae, gusto ko kasi masurprised ako mamaya pag dating namin doon, corny ko.

Napatingin ako sa bag ko na may umilaw sa loob nito, nakabukas pala. Tiningnan ko ang aking phone na may nag text.

From: Eomma

Where are you? Your fianceé is here in our house. He want to see you NOW... Lee Ha Hyo! Pag hindi ka pa umuwi, malalagot ka talaga sa akin. Umuwi kana.

Tsk! Hindi ko talaga alam kung ina ko pa siya. NOW? Bahala sila mag hintay sa akin dun, manigas sila. Fianceè.. Aigoo, nakakasukang basahin na "your fianceè" tsk! Dinelete ko ang text ni mama. Wala namang kwenta eh.

Inis kong ibinalik ang phone ko sa bag ko. Lumapit ako kay Soohye at sakto namang kakatapos lang nilang mag usap nung si Yixing na yun. "Ano, aalis na ba tayo?" walang gana kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na nakangiti, mukhang alam ko na ang ibig Sabihin ang ngiting yan at balak ata niyang sabihin sa akin.

"Wag mo na lang ituloy ang sasabihin mo. Umalis na tayo dito." sabi ko at naunang sumakay sa kotse niya.

"Ok" aniya at sumakay na din sa kotse.

"Gaano katagal ang biyahe?" tanong ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin ng nakangiti.

"Kalahating oras lang naman." Sabi niya at inistart na niya yung kotse.

"Ganun ba! Hmm.. sa tingin mo kakausapin niya kaya ako?" sabi ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin ng seryoso.

"Sa totoo lang.. hindi ko din alam, kasi pag kami ang mag kasama sa bahay hindi kami masyadong nag uusap. Kinakausap ko lang siya.. kapag may tinatanong ako sa kanya at kapag naiinis na ako sa mga kabobohan niya, dun ko lang siya kinakausap." seryoso niyang sabi sa akin.

Medyo nacurious ako dun sa sinabi niyang "naiinis na ako sa mga kabobohan niya" na curious ako, pero hindi na ako umimik pa, baka mainis pa sa akin si Soohye. Nag simula na siyang mag drive.

Tumingin ako sa bintana ng kotse, iniisip ko kung kakausapin kaya niya ako? Kilala niya pa ba ako? Baka kasi mamaya nagka-amnesia pala siya.. wag naman sana. Sana single pa rin siya hanggang ngayon, kasi kung single pa rin siya; makikipag-balikan ako sa kanya para hindi matuloy yung kasal na inarranged marriage ng magulang ko sa akin.

Pero, kung single pa rin siya.. papayag kaya siya kung makipag-balikan ako sa kanya. Aish, nakakalungkot talaga. Ngayon na makikita ko na siya, itatanong ko lahat sa kanya ang mga gusto kong itanong at gusto ko malaman ang mga hinihinala ko... at sana masagot niya yun lahat at sana mag sabi siya ng totoo sa akin.

❝I'M STILL IN LOVE (WITH YOU)❞ (EXO CHEN FF) [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon