Jayson's POV
Sinabi ko ba talaga yun?? Yung inexplain ko sa parents ni Ella? Takte naman to oh... Ang dami kong iniisip.
Nga pala, nagbibiyahe na kami papuntang province. Nauna na ang parents namin. Kasama ko mag-biyahe ngayun si Shane.
"Kuya Jay, bakit parang ang dami mong iniisip?" Jay nga pala tawag sa akin ng parents ko and ng kapatid ko.
"Wala to. Don't worry. Shane nga pala, na-tawagan mo na ba sila Mommy?"tanong ko to change the subject.
"Wala akong load Kuya Jay. Ikaw kuya, meron kang load?"
Ang yaman yaman natin, wala kang load?!
"Meron. Ito oh."sabi ko sabay abot ng phone ko.
"Salamat. Kuya Jay itetext ko na lang."nag-nod lang ako.
Habang nagbibiyahe kami, bigla lang nagsalita si Shane.
"Nga pala Kuya Jay, yung sinabi mo kanina sa harap ng parents ni Ella, totoo ba yun?" bigla lang akong natahimik.
"Uhmm Shane past is past so wag na natin yung pag-usapan."utos ko.
"Okay Kuya."sagot nya.
Wait lang, totoo ba talaga yun? Ang curious ko talaga... Hayyy.... Jayson wag mo na yun isipin pa.
Nakarating na kami sa province where my cousins, aunts, grandmother and grandfather lived.
Nakita ko ang mga cousins ko. Si Shane naman dumiretso sa loob ng bahay.
"Jay! Dito tayo."sabi ni James. Pero, tawag ko kay James ay Jam.
"Sige papunta na ako dyan." Sabi ko. 2 ang cousins ko sa side ni Daddy then 3 cousins sa side ni Mommy.
Sa side ng Daddy ko ay sina Jam (James), Nic2x (Nicole) then sa side ni Mommy ay sina Jen (Jenny) , Tiff (Tiffany) and RD (Raymond).
Pumunta na ako sakanila.
"Jay saan si Shane?" tanong ni Nic2x.
"Nasa loob ng bahay."sabi ko. Biglang tumayo si Nic2x then pumasok sa bahay.
Naiwan kami ni Jam.
"Jay kamusta na ba lovelife mo? May bago kana ba?"eto talaga si Jam oh.
"Wala kaya akong bago Jam."sabi ko.
"Suss!!! Nagjo-joke ka lang. You want to hide your feelings." pang-aasar ni Jam.
"Wala nga..." Ang kulit talaga ni Jam.
Bigla lang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito agad.
Ella calling....
"Hello Ella! Bakit ka napatawag?"tanong ko.
"Kasi tumawag si Irene, di na daw sa Friday yung contest. Na-move sa Thursday then yung finals sa Friday."sagot nya.
"Ahh.. Okay.. Bye."bakit ang rude ko? *___*
Inend ko na yung call.
"Jay sino ba yung tumawag?" biglang tanong ni Jam.
"Partner ko sa sinalihan kong contest."sagot ko. Bakit ko ba yun sinagot yung tanong ni Jam!? Mang-aasar na naman yan sya.
"Ayiieee!! Ano nga pala yung sinalihan mong contest and what is the name of your partner?"ang kulit talaga ni Jam.
"Ms. and Mr. Campus. And her name is Ella."sagot ko.
"Ayieee.... ElSon... Ayiee.. Bagay talaga kayo."ughhhhh... Ang kulit...
"Jam please stop your nonsense."utos ko.