Chapter 2: No Other.....JOB?

41 7 0
                                    

Nanghihina ako dahil wala na'kong trabaho. Di ko na tuloy masusulyapan si Mr. Pogi. De joke. Ang landi ko lang eh 'no?

Ang totoo niyan, wala na 'kong pera pambili ng mga kagamitan sa darating na school year kaya eto, agaran akong nag apply as extra (grabe kailangan pa pala yun? di ba pwedeng sabihin mo na lang na gusto mong mag extra? Haha.) sa isang teleseryeng shinoshoot pa lang. Grabe, akala ko talaga yun na yung job of my life ko eh.

Pang limang trabaho ko na yun ah. Extra lang ako lagi, pero diyan din naman nagsisimula ang ilang sikat diba? Sa pa extra-extra.

Nga pala, ako si Xena Gomez, X for short. Pa extra-extra pagmaytaym, 16 years of age at .............................wala na'kong trabaho. TT_TT Haaaaaaaaaay!

Alam niyo ba kung anong nangyari nung previous kong pinasukan?

Eto yun.
FLASHBACK

Naglilinis ako ngayon. New project na naman. Katulad ng madalas kong role, eh chimay na naman ako.

"You're nothing but the second rate, trying hard,copy cat!" Rinig kong sigaw nung amo ko dun sa kapatid niya. Magkaagaw kasi sila sa lahat ng title eh, mapa beauty contest man yan oh mapa sa trabaho. Tsk.

Teka, parang may mali ata sa sinabi niya ah. "Ma'am, bakit po copy cat? Di ba po dapat copy parrot kasi parrot po yung nanggagaya?" Pagkokorek ko sa sinabi niya. Baka kasi nagkamali lang siya ng basa sa script eh.

Napatingin silang dalawa sakin pati narin yung ibang staff. Haha. Ano sila ngayon? One word, NGANGA. Oh ha! Ang taas kasi ng IQ ko at di na nila nakayanan at napa

                "CUUUUTTTT! !"

"Ms. Gomez!" Huhu. Ba't ganyan makatingin si derek? Ano na naman ba yung ginawa ko?

Hala baka narinig niya yung sinasabi ko sa sarili ko kanina. Hmp. Di na ba pwedeng magyabang ngayon?

"De-derek..."  "Ki-kinorek ko lang nam—"

"I don't need your lousy excuses. How dare you correct my work when you can't even do your work properly!" OUCH lang ha. Kahit medyo dumugo yung ilong ko dun ay nagets ko naman. At tagos na tagos, lampas buto at kasukasuhan. Haaay, alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"Tss. Hanap kayo ng bagong extra. Miss Gomez, hanap ka nalang ng bagong pagtatrabahoan, YOU'RE OUT!!" At sinabayan ko pa siyang sabihin yan ha. Tsk. Mainis ka diyan.

"Grrrrrrrhhhh! Nakakaloka ka na talaga! Get out of my face! Tsupe!"At aba talaga!

Lumapit ako sa napaka naming derektor na walang kasing panget sa mundo ng kapangetan.

"Excuse me lang po ah. (Haay magalang na talaga ako since birth kaya masanay na kayo.)May I rephrase your sentence? Una sa lahat, loka-loka ka na talaga. Pangalawa, anong get out of my face ka diyan? Eh hindi naman ako nasa mukha mo. Iba na talaga ang defects mo sa pananalita 'no? Ang exagge. At pangatlo, masyado akong maganda para maging extra 'no. Pang-apat, wala lang, gusto ko lang magdagdag. Babush!"

END OF FLASHBACK

Oh diba, parang kinorek ko lang naman yung script niya ah.

Haaaaaaaaaay, buhay talaga parang life. Di talaga ako sinuswerte sa pag eextra eh. Saan na kaya ako nito magtatrabaho.

Kung umextra na naman kaya ako sa — WAIT! Ayoko na talagang mag-extra sa mga palabas. Pero...sa'n naman ako eextra nito? Alangan naman mag-construction ako.

^_^

kung try ko kayang subukan nga talaga yun?

Pero...ano nga ba gagawin ko dun eh puro lalake ang mga magtrabahador dun?

Konsensya:
                       Maghanap ka ng construction na puro babae ang trabahador para di awkward.

Possible ba yun?

Konsensya:
                       Naman!

Sige, try ko. Sa'n ba'ko magsisimula?

Sa paghahanap ng site malapit dito o maghanap muna ng babaeng trabahador?

Konsensya:
                        Uhmmm, kung sabay na lang kaya.

Tama! Makaka-save pa tayo ng time.

Okay, let's start 'The Misadventures of Finding the Right Construction Site'!

ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon