Chapter 4: Na Naman?!

23 5 1
                                    

Still X's POV

Kriiing...kriiing...kriiing...

Psh. Hanubayan?! Ang istorbo langs.

Kinuha ko yung alarm clock at tiningnan ang oras. 3:00 p.m. Ang aga pa pala eh. Makabalik nga sa patulog. Alas tres pa lang pala.

Pabalik na sana ako sa pagtulog ng may nag-flash na memory sa utak ko.

Pero kailangang magaling kang magluto, okay? At pwede rin bang agahan mo ang pagpunta dito.

At pwede rin bang agahan mo ang pagpunta dito.

Uwaaaahhh! Alas tres na?! Naku, sira na ba 'tong alarm clock at alas tres na tumunog? Eh...one. two.three.four.five. Five! Five times ko lang naman 'to i-snooze ah.

Tss. Makabili nga ng bago. Pero naku! Mamaya na nga lang malelate na 'ko eh. Ooops, scratch that, LATE na pa la ako.

Pero.......ay, sigurado di yun magagalit kasi manliligaw ko siya nung highschool eh.

Konsensya:
Tsk, tsk, tsk. Masamang manamantala, X, ha. You're a bad girl na.

Tss, oo na. Heto na nga eh, nagmamadali na.

------------------------------------------------------

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ni Fafa Claudy- este Sir Claude pa la.

A-ano k-kayang sa-sasabihin niya?

Konsensya:
'Wag kang kabahan, X. Di yan magagalit kasi nga diba, yung past niyo. Ayiii.

Akala ko ba 'wag manamantala. Ikaw talaga konsensya ang laki mong BI ha.

Konsensya:
Hindi ka kaya manamantala, lalandi ka lang.

Tss, anong magagawa ko kung malandi rin ang konsensya ko 'no. Haha.

Gosh, anong sasabihin ko? Baka galit nga 'to.

"X Gomez, to my office now." Waahh! Huhu, Lord pasensya na po kung palagi akong nagmumura. Sa pagiging malandi ko rin ho at sa... sa... aish! Basta ho patawarin niyo na ho ako at ilayo niyo ho ako sa kapahamakan. Ayoko pa pong makain ng buhay. Mukha ho kasing kakain ng tao 'to eh.

"X! Ano ba! Tara na." Sigaw niya.

"O-opo." Tss.

Pumasok kami sa office niya. Umupo siya sumenyas na umupo din daw ako.

"Do you know what time it is?" Tanong niya sabay taas ng isang kilay.

Yumuko lang ako. Alam ko naman kasing pagagalitan ako sa pagka-late ko eh. Sana nga lang di 'ko tanggalin eh. "S-sorry po. I-I l-lost tr-track o-of time." Nauutal ko pang sabi. Tss. Napa-english tuloy ako ng wala sa oras.

"Tss. Sabi ko na eh, male-late ka talaga. I'm sorry but I have to-" I cut him off and say.

"Sorry na ho talaga. Di ko po talaga sinasadya. Please po 'wag niyo po akong tanggalin." Tiningnan niya 'ko ng weird.

"As I was saying, I'll -"

"Sir promise ko ho talaga aagahan ko na ho ang pagpasok para di na ho kayo magalit. Please 'wag niyo ho akong tata-"

"Gusto mo ba talagang matanggal sa trabaho ha?!" Ooops. Hehe. Nagagalit na.

Umiling lang ako.

"Good. Now shut up and listen 'cause I'm not going to repeat it, okay?" Tumango lang ako.

"Hindi ka na pwedeng mag-kusinera kasi bukod sa ang kupad mong kumilos ay alam ko ring di ka marunong magluto." Aba. Porket boss kailangang ganyan?

"Sir pwede paki diretso?" Pagkasabi ko nun ay agad naman niya akong binigyan ng death glare.

"Tss. If you were'nt so talkative at pinatapos mo 'ko, I should've finished talking kanina pa." Kay payn. Shut up kung shut up.

"As I was saying, di ka pwedeng mag-kusinera kasi you'll be one of my extras." Ha?

"Ano hong klaseng extra?"

"This building is for commercials. So, ibig sabihin mag-eextra ka sa mga advertisements. So payag ka na?" Tss. Di ba 'ko titigilan ng pag-eextra na yan?

"Na naman?!" Pabulong kong sigaw. (Huh? Ano yun? Ang labo.)

"X, I'm still waiting for your answer." Sabi niya again with his famous serious tone. Grabe, anong sasabihin ko eh ayaw ko ng mag-extra eh.

"Kung ayaw mo, 'wag mo. Wala ka ng makukuhang trabaho dito sa company ko 'cause you're not compatible, but except sa pagiging extra. Take it or leave it, X." Sabi niya na akmang paalis na kaso pinigilan ko siya.

I already made my decision.





"I'll take it."


A/N:
So, how was it? Huh? Huh?

Comment your reactions please.
And don't forget to vote! ^__^

Next update may be tommorow or maybe the next tommorow or baka mas matagalan. Haha.


ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon