Chapter 3.1: This is It!

33 6 1
                                    

A/N:
Hi dear readers! Say hi to this crappy chapter! Hi!

------------------------------------------------

Chapter 3.1: This is It!

Hoooooo! Salamaat Oh mahal na Panginoon at nabuhay pa ako sa makapatay-taong paghahalughug sa buong Maynila. Ang hirap pa lang magbilang ng poste 'no? Teka, ilan nga ba'ng nabilang ko?

Konsensya:
Gaga, hindi poste ang binibilang mo, magandang trabaho.

Ay oo nga 'no. Eh ilan nga ba ang nabilang ko?

Konsensya:
Gaga, wala kang nabilang kasi wala naman talagang construction na may magha-hire ng mga babaeng trabahador 'no.

Ikaw konsensya ah. Kung maka-gaga ka naman diyan akala mo naman hindi ikaw yung nakaisip nun 'no.

Konsensya:
Haleeeer. Hindi lang ako 'no kasi tayong dalawa. FYI, you and I are one. So para ka na talagang gaga ngayon kasi kinakausap mo sarili mo.

Tss. Maka-uwi na nga lang ang labong kausap nito eh.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay ay agad akong napapikit ng mata. OMO! My innocent eyes, nakakita ng kabayo at alien na naghaharutan! Huhu. My poor eyes.

"Heeeeeeepp! Tama na please. Tortured na tortured na ang mga mata ko." Pang uudlot ko ng kung ano man ang tawag diyan.

"Kayo ha. 'Wag niyong kalimutan na may bata kayong kasama dito sa bahay ah. Tss. Ginagawa niyong park 'tong bahay ko ah." Singhal ko.

"Haaay naku, X. Alam mo, hindi naman talaga bata ang kasama namin eh kundi isang babaitang bitter sa life na parang palaging biyernes santo ang mukha." Wow ang lutong ng panlalait ah.

"FTTOFI, hindi ako bitter. I just can't endure the sight of... of...ughhh!" Tss. Hanubayan nakalimutan ko line ko.

"Oha! Ano ka ngayon? May pa-english english pa kasi eh. At anong FTTOFI ha? Ganyan ba ang epekto ng pagka-bitter, gumagawa ng sariling salita?."

"FTTOFI, meaning, for the two of you's information. Dalawa kasi kayo eh kaya ganun. At hindi yun gawa-gawa 'no. Sadyang may originality lang talaga ako." Bwelta ko sabay walk out.

Ay wait, may nakalimutan pa'ko.
"Another thing, HINDI AKO BITTTEEEEERRR!" Sigaw ki habang padabog na sinaraduhan ang pinto ng kwarto ko.

Agad akong humilata sa kama ko. Nakakapagod talagang makipag-away sa isang bakla eh 'no?

Nakatitig lang ako sa pader ng may nagpop-out sa isip ko.

Bakit kaya ang malas-malas ko? Ipinanganak ba'ko ng friday the 13th? Hindi naman diba?

*knock *knock

O sadya lang ba talagang naabsorb ko na lahat ng kamalasan sa mundo? Natutulog ba'ko nung may nagsaboy ng swerte sa mundo na kahit katiting na kaswertehan eh wala akong nakuha?

*knock *knock

Huhu. Kahit man lang sa trabaho o sa lo-

*knock *knock

Naudlot ang pagmumuni-muni ko nung may malakas at sunod-sunod na katok akong narinig.

Ay grabe di ba uso sa kanya ang salitang dahan-dahan? May balak yata 'tong sirain ang pinto ko eh.

Agad na iniluwa ng pintuan ko ang isang beki na ubod ng landi na kanina ay inaway ako.

"Oh ano kailangan mo?"

"Ah wala ma-"

"Sabihin mo na kasi para di na tayo magtagal."

"Eh kasi nga-"

"Diretsuhin mo na nga inaantok na ko di-"

"PWEDE BA PATAPUSIN MO MUNA AKO SA PAGSASALITA HA?! TANONG KA NG TANONG TAPOS DI MO NAMAN AKO PINAPAGSALITA!"

Ahehe. "Edi wow." Pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?"

"Ha? Ah wala yun. Sige na ano ba talaga pakay mo?" Pagbabalik ko sa topic.

"Yun nga, as I was saying, andito aketch para kamustahin ka. Baka kasi magpakamatay ka sa inggit dahil sa kanina o baka ma-suphocate ka na sa pagkabitter mo. Pwede rin namang napagtanto mong ang malas-malas mo talaga at nagbigti ka." Wow lang ha. Pangungumusta na pala tawag niya diyan?

"Yung totoo, mangungumusta ka ba talaga o manglalait o ipapamukha mo sa'kin na malas na talaga ako? Kasi kung yun lang, don't worry tanggap ko na. Mga 5mins. earlier lang ata bago ka pumasok dito."

"Ano ka ba joke lang yun. I'm here to offer you a job."

"I'm here to offer you a job."

"to offer you a job."

"Tss. Ano ka ba di na kailangang paulit-ulit 'no."

"Ayaw mo nun may sound effects na may echo pa. So ano, take it or take it?" siya

"This is it!"-ako

"Gaga,sabi ko take it hindi this is it."

"Ano ka ba, walang basagan ng trip para naman may konek sa title 'no. Haha."

To be continued...

ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon