Chapter 3.2: This is Really is It

33 5 1
                                    

A/N:
         Hi! I'm really really really sorry for the really really really late update. Eto na po yung part 2 ng Chapter 3. Promise this is less boring than the last chapter. Haha. Hope you'll enjoy!

---------------------------------------------------

Chapter 3.2: This is Really is It!

X's POV

Hmmm. Ano ba ang mga ginagamit sa construction?

Helmet, check! Boots, check! Hmm ano pa ba? Ah huh! Apron, check! Gloves, check!

Haha. Nagtataka siguro kayo kung bakit may apron at gloves 'no? Eh kasi nga magtatrabaho ako sa construction. Ang labo 'no? Mamaya niyo na yan malalaman.

Bumaba na'ko para kumain. "Bakla, what's for breakfast ba?" Tanong ko sabay amoy nung niluluto niya.

"Witit. Eggs lang. Wa na aketch datung eh." Sabi niya. Haist. Bumabalik na naman yung gay lingo niya. Translation: wala. Eggs lang. Wala na'kong pera eh.

Di siya nag e-alien language kapag seryoso or galit or sad. Ganun.

"Tss. Sana pala lagi ka nalang galit at malungkot eh para di nababaluktot yang lenguahe mo." Sabi ko sabay chibug.

Wow. Andaming lafang.-_-

Pagkakain ko ay biglang may lumitaw na pangyayari sa isip ko. Yung nangyari kahapon nung sinamahan ako ni baklang mag-apply.

FLASHBACK

Pumunta kami ni bakla sa construction site na sinasabi niya. Whew! Halos patapos na ah. May makukuha pa kaya akong trabaho dito?

"Gorabelles na sisterette. Ditey lang aketch maghihintay sa labas. Iketch na lang mangsuyo kay Fafa Claudy. Gora ka na." Pagtataboy niya sa'kin. Tss. Papalapit na kasi yung kabayo niya eh. Eeewww.

Nagsimula na'kong maglakad sa loob. Teka, sa'n ba yung opisina nung Cloud na yun? Kanina pa 'ko nagtatanong sa mga trabahador diyan eh, wala namang kwenta yung mga sinasabi."Kuya, asan yung opisina ng bossing niyo? Yung Cloud ba yun? Oo yun yun." Tanong ko sa isang Oh Gosh! Why so pogi, kuya?

Sayang naman. Trabahador lang ba talaga siya dito?

"Uh, sorry miss. But I don't know any Cloud here." He said flatly. Walang emosyon. Grabe naman, kailangan bang lahat ng gwapo maging suplado?

"Sir Claude! Oh nakita niyo na ho pala siya. Siya po yung naghahanap sa inyo kanina pa." Biglang epal nung trabahador sa may isang sulok ng building.

Wait, so siya yung boss?! Eh leche ka naman pala chong eh. Bakit di mo sinabi ha?

"Oh, I thought she was looking for someone else. Well, I think she's looking for a Cloud or something." Aba talaga. Naku naku naku, kung di ka lang talaga gwa- este boss eh baka kanina pa kita hinali- este flinying kick.

"Well missy, we'll talk at my office. Come with me." Sabi niya with the bossy tone.

Hmmp! Sumunod na lang ako kahit over flowing na yung pagkairita ko sa kanya.

Pagkapasok namin sa office niya ay agad akong nagpakilala at inabot ang kamay ko pata makipag-hand shake pero si kuya parang ... wait, ba't mukha siyang gulat?

Bigla niya 'kong tinitigan. Oh mo gosh! 'Wag mong sabihing...h-he's ch-check-cking m-me out?!

Tss. Di ko na siya masisisi 'coz am really pretty ya know?

"'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano diyan. Di mo ba'ko naaalala?" Aba malay ko 'no.

"Ah eh sino ka ba?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Justin Claude de Vera at your service! Alam mo Miss, maganda ka kung di ka nagsusuplada." Sabi niya while wiggling his eye brows.

Teka, parang familiar yung name at yung 'at your service'. Pero ano bang sinasa- OMO! Si-siya yung manliligaw ko nung highschool?!

"I-ikaw s-si J-JC?!" Tanong ko habang nanlalaki ang mata sa pagkabigla.

Tumango lang siya at ngumiti ng malapad. Huhu. Sa kaniya ba talaga kailangang mag-apply? Eeeehh ang awkward kaya nun. At... at... nakakahiya kasi binasted ko siya nung highschool eh.

"So, naligaw ka yata?" Ang pinakaiiwasan kong tanong.

Geeezz. Anong sasabihin ko? "A-ah. O-oo na-naliligaw nga 'ko. Hehe. Eh k-kasi ...ahmm...ahh...i-iniwan ako ng k-kasama ko eh. Yun! Tama! Iniwan ako nung kasama ko." Palusot.com

"Yung totoo." Sabi niya sabay panliliit ng mata.

Pusang gala na... na...ah ewan! Pero...ano nang gagawin ko?

"Sir, naghahanap ho 'yan ng trabaho." Sigaw nung...tss... epal na trabahador niya. Tss. Ba't ba andaming epal sa mundo?

"Ah hehe. 'Wag kang maniwala sa epalogs na yun. Ma-mangungumusta lang ako. Hehe. Ka-kamusta ka na?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nangungumusta ka pero di mo naman ako makilala kanina. Pero...if you want a job, I can give you one. Pero kailangang magaling kamg magluto, okay? At pwede rin bang agahan mo ang pagpunta dito kasi maaga silang nagla-lunch eh." Ang dami naman niyang bilin.

"At bakit naman ako magpapalate ha?"

"'Cause I know you that much." Sabi niya sabay alis.

end of flashback

Wow! Di parin ako makapaniwala na may trabaho na 'ko.

Konsensya:
                   Oo nga 'no. Akalain mo 'yun, may tatanggap pa pala sa'yo?

At ano naman ang ibig sabihin mo nun? Ha?

Pero nafe-feel ko...ito na ang trabahong inilaan ng Panginoon sa'kin. Nagiging makata na yata ako. Pero feel ko talaga, THIS IS REALLY IS IT!

Ay, may nakalimutan akong balitaan.

Andito ako ngayon kumukonsulta sa best adviser of the world.

"Ma, alam niyo ho ba may bago na ho akong papasukang trabaho. Kinuha ho akong kusinera sa isang construction. Hindi naman ho yata papalpak yung mga recipe niyo di ba? Well, sana nga." Sabi ko na kasabay ng paglakas at paglamig ng hangin.

"Hehe. Mama naman eh. Peace!" Sabi ko sabay peace sign.

Kasabay ng paghina ng hangin ang pagbago ng damdamin ko. "Ma, miss na miss na miss na kita. Sana mayakap uli kita kaso, hindi na pwede eh." Sabi ko. Tumulo ang mga luha ko sa puntod ni Mama.

"Sorry Ma ah. Tss. Nagdadrama na naman ho ako. Haha." Pinipilit kong maging masaya kahit ganito ang sitwasyon ko.

Hindi ko na kayang magpigil ng mga luha pero ayaw kong umiyak sa harap ng puntod ni Mama eh. "S-sige M-ma, a-aalis na ho ako ha?" Pamaalam ko.

Isa 'to sa mga dahilan kung bakit tanong ako ng tanong kung bakit ba'ko pinanganak ng malas. Haaay, wala na naman akong magagawa diba?

To be continued...

ExtraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon