Chapter seventeen: Ashley Geronimo ~ Pinakamasayang tao sa buong mundo.

209 0 0
                                    

Chapter seventeen:

Ashley Geronimo ~ Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

"Grabe Ashley, YOU'VE EMBARASSED HER FOR CRYING OUT LOUD!" At eto na po ang nakakabwisit na sermon ni Louis.

"Eh Louis, di naman sinasadya ni Ashley na mapahiya yung si Kate eh! Ano gusto mo, masmarami pa makakita!?" Haru! Si Jeremy... WAAAAAAAAA SALAMAT!

"Paano naman ako di magagalit eh narinig siya ng buong campus?! Nakatutok siya sa microphone ng dedication booth!" Hihi, yes, you've heard it right, natapat ako sa mic ng dedication booth kaya marami nakadinig. WAHAHA. :p

"Ashley, dapat tinago mo nalang sa sarili mo! Ano ba?!" bahala ka, di ako sasagot. Inirapan ko nga.

"Wag mo nga siyang pilitin sumagot, ayaw niya eh!" GO JER!!! WOHOOOO!

"Pwede ba, di ka speaker-of-the-house, wag kang EPAL! Di kanaman parte ng barkadahan eh!" ABA-ABA! SUMOSOBRA NA TO AH!

"Ano ngayon? Ano ngayon kung di siya part ng barkadahan?! Pwede ba kuya, for once, YANG UTAK MO PAGANAHIN MO?! Puro ka Kate eh! Anakngputcha, ANO BA ANG DI MO MAINTINDIHAN SA AKSIDENTE?! MALAY KO BANG NANDUN PALA YUNG MICROPHONE! ALAM MO KASI DAPAT SINASABIHAN MO YANG SI KATE NA MAGSUOT NG NAPKIN! PARA HINDI SIYA NAPAPAHIYA!"

T_T

"OH ANO NATAHIMIK KA?! BWISET! JEREMY, COME ON!"

WALK OUT QUEEN HERE. Lol. >:D

"Ashley, ginulat mo sila sa sigaw mo." sabi ni Jeremy sa gilid ko. Ngayon ko lang napansin, suot niya pala yung varsity jacket na ina-arbor ko sakanya, nakalagay kasi 23 eh.

"I KNOW RIGHT?" sabay tawa ko. Nakatulala lang siya sa akin.

"Ayy, nga pala, eto oh, diba gusto mo to? Sayo na, alam ko gusto mo yan eh." Yehey! The Jacket! Jacket my love! Wahahaa.

"For real?! Haha, THANKS JEREMY!"

"Basta para sa'yo kahit labag sa loob ko, gagawin ko!"

"Ah, SO LABAG SA LOOB MO IBIGAY TO?" taray effect ako. Haha, para suyuin niya ko. :)

"Nagdrama ka pa, eh alam mo namang labs na labs kita!" Tapos umaakto siyang aakapin ako.

"Hoy! Hoy! Jeremy Corpuz, pinaaalala ko lang HINDI PA TAYO!" Sabay tulak ko sakanya.

"I know, pinaaalala ko lang rin sayong andito ko, handang pasayahin ang malulungkot na araw mo, harapin ang mga kaaway mo, ipaglaban ka sa mga umaapi sayo, at syempre, mahalin ka hanggang sa katapusan ng mundo." And right then, I felt a warm peck of his lips on my hand. "Handa akong maghantay hanggang sa kabilang buhay, maramdaman mo lang sa sarili mo, na ito ko, nagmamahal sa'yo ng walang kapantay."

I was speechless, never in my life I have heard someone talk to me like that.

"Alam mo Jer, sana sa mga banat mo, maramdaman ko na yung spark na hinahanap ko, pero sorry, hindi ko pa nahahanap yung hinahanap ko." I said, ayoko kasing magmukha na pinaaasa ko siya, masmagandang alam niya na pinagaaralan ko pangmahalin siya.

"Ayun nga rin ang hinihiling ko, na sana sa mga salitang lumalabas sa bibig ko, napapatibok ko ng malakas yang puso mo, kaso hindi eh, si Louis ang laman niyan, OO, alam ko, siya ang mahal mo, pero wag kang magalala, di makakalabas sa atin to."

"Salamat at naiintindihan mo, gusto kong malaman mo, susubukan ko, susubukan kong mahalin ka."

"Kahit di mo na subukan Ash, kahit kunwariin mo nalang, kahit yon, masaya na ko." Sabi niya while laughing. Nararamdaman ko, nasasaktan siya. "Don't worry, I understand, di ako nasasaktan, pero sana Ash, makita mo rin ako, kahit panakip butas, PROMISE, ayos na sakin. Ganyan kita kamahal eh."

"Ang drama natin! Let's go! Last day na oh! Gala na tayo!!!!!" Tatakbo na sana ko kaso he held my hand.

"Ashley, ang sarap pagmasdan ng ngiti mo, kung liligaya ka sakanya, ayos lang isuko kita, makita lang nakangiti ka."

"Wag, wag mo kong isuko sakanya, kasi di ko alam, baka hindi niya ko masalo, kapag napansin niyang nahulog na ako."

"Hanggang sa walang hanggan, magaantay ako, na sana yang puso mo tinitibok na ako."

"Sana, sana dumating ang panahon na yon. At kung dumating man yon...

Ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo."

Impossibly PossibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon