Chapter 1

75 3 1
                                    

"Sa bawat isang libong taon na magdaan, may dalawang magkaugnay na kahilingan ang mapagbibigyan." marahang bigkas ko sa bawat kataga.

Biglang nanindig ang balahibo ko sa batok sa kadahilanang hindi ko alam.

I sighed. Tinukod ko ang siko sa lamesa at nilagay ang kaliwang kamay sa ibabang bahagi ng aking mukha bilang suporta.

I wish...

Gamit ang kanang kamay, marahan na pinasadahan ko ng haplos ang bawat nakaukit na mga letra sa hawak na makalumang libro.

Nandito ako ngayon saaming school library, gusto ko sana na maghanap ng isang interesanteng libro na mahihiram para sa gagawin kong research. Pero sa dinami-daming mga libro, ang isang ito talaga ang umagaw saaking pansin.

Nakalagay ito sa pinakatagong bahagi sa may likuran ng library na tila ba ayaw ipabasa ng kahit sinuman.

Sa unang tingin, makikita mo talaga na ito'y pinaglumaan na ng panahon. Pero magkaganon man, malinaw mo paring mababasa ang bawat salitang nakasulat kamay.

Wala itong kahit na anumang kaugnayan sa research ko pero dahil napukaw ang interest kaya ito nalang muna ang binabasa ko.

"Ito'y mapapawalang bisa lamang kung-"

"MIRAY!" Tawag saakin ng aking kaibigan na si Namfah, humahangos at mukhang galing yata sa pagtakbo. Napalingon halos lahat sakanya dahil sa lakas ng kanyang pagsigaw.

Hindi ko mapigilang matawa nang makitang sinita agad siya ng school librarian. Samantalang maririnig mo naman ang mahinang bulungan ng iilang estudyante na nandito ngayon sa silid aklatan.

Nagkakamot sa ulo na lumapit siya saakin. Namumula at nakalarawan sa mukha ang pagkahiya.

"Ang ingay mo kasi!" Bungad ko sakanya. Sinimangutan niya ako.

"Kasalanan mo 'to girl, gutom na gutom na ako tas nandito ka pa!" Iritado niyang hinawi ang iilang hibla ng buhok na medyo tumatakip na sakanyang mukha.

"Ay hala? Bitbit ko ba ang canteen?" Nakangisi kong tanong.

She just rolled her eyes at me. Ang cute tuloy niyang tignan.

"Tara na nga, baka maubusan pa tayo ng masasarap na ulam, lagot ka talaga saaking babae ka!" Kinuha niya ang binabasa kong libro at basta nalang iyon inilagay sa isang shelf na malapit lang sa kinauupuan ko ngayon. "Ano ba yong binabasa mo ang luma-luma!"

"Old but gold," I said nonchalant. Hindi ko alam, pero tila may kung anong nawala saakin.

I shrugged it off. Tumayo nalang at sumabay kay Namfah sa paglalakad palabas.

"Gaga ka talaga, kaya nagmumukha kanang matanda sa sobrang adik mo sa history or anything na related sa past," anya.

Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen, dahil medyo mainit kaya sa gilid lang kami dumadaan.

"Baka old soul karin yata eh," she continued.

"Lol,"

She was wrong, I'm not obsessed with history. Siguro kaya niya nasasabi na mahilig ako sa makalumang bagay dahil ako yung tipong nagbibigay importansya parin, lalo pa kung nagagamit pa naman.

"Isang kanin pa po..." Tawag ko sa tindera ng karinderya na pinagkakainan namin ngayon. Hindi ito gaanong kalayuan sa unibersidad na pinapasukan namin ni Namfah. Medyo punuan narin at nag-aagawan pa yung iba ng pwesto.

Hindi kami natuloy sa school canteen dahil mukhang kahapon pa yata yung ibang mga ulam. Ininit lang yata at idi-ni-splay ulit. Hindi sa nagrereklamo at nag-iinarte, kaso masarap paring kumain ng bagong luto lalo pa't pareho kaming hindi nakakain ng agahan kanina.

Yasak AşkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon