Chapter 3

48 2 0
                                    

A/N:

büyükbaba - grandpa
büyükanne - grandma

_________________






Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapalingon sakanya, at hindi ko narin mabilang kung ilang beses niya akong nahuli.

There is really something in his eyes that I can't comprehend. Hindi ako mapakali, na para ba'ng alam niya ang sikreto ko.

He tilt his head sideway when he caught me again, staring at him. This time, he raised his eyebrow.

Umiwas agad ako ng tingin. Nagkunwaring busy sa pakikipag-usap kay Dahyun.

Sabi niya kanina naaalala daw niya ako. And that, he was only joking. Medyo nakahinga ako ng kaunti, kaso, napakaseryoso ng kanyang mukha nang sabihin iyon. May nagjojoke ba na ganon?

At iba din siya makatingin saakin, may kung ano akong nakitang nakatago sa likod ng kanyang mga mata, yun nga lang di ko mapangalanan.

Palihim ulit akong napalingon sa gawi niya, and saw that he is now talking with lolo and lola.

Napatawa siya sa sinabi ni lola Alara dahilan para lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin.

Nagsinghapan ang mga babaeng nandito nang masilay ang mapamatay niyang ngiti. Not to mention his dimples keeps on popping up everytime he smiles, mukhang lumalabas lang din ito when he is genuinely happy.

"Naks, ang gwapo talaga, sarap iuwi sa bahay," bulalas ni Dahyun, while staring at kuya Boran.

Umiling ako.

"Suplado yan, baka hindi ka kakausapin," I responded.

Ngumisi ang kaibigan. "Suplado nga, nakita mo naman kanina, hindi halos pinansin si Belle, buti nga sakanya!"

It was true. Ilang beses siyang sinubukang kausapin ng kaibigan ni Ayse, but kuya being a snob, ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Belle and all the other girls who try to talk him.

"Look, he is not busy anymore, pwede mo na akong isingit na ipakilala sa pinsan mo," Dahyun said nonchalantly.

Nanlalaki ang matang napabaling ako sa kaibigan. Seryoso ba siya?

"Ha?"

"Anong ha ka dyan, I told you before pa na I want to meet your gorgeous cousin, now is the perfect time bestie," sabi ni Dahyun sabay yagak saakin papunta sa pwesto ni Kuya Boran.

Halos hindi na mahitsura ang mukha ko habang naglalakad. Feeling ko tuloy, parang maiihi ako na hindi ko mawari.

Kinakabahan ako, at tila pinipilipit ang tiyan ko lalo pa nung napatangin siya saamin. I gave him an awkward smile.

With furrowed brows and arms crossed, pinagmasdan niya kami. Madilim ang tingin habang hinihintay kaming makalapit.

"Kuya, meet my bestfriend Dahyun," mabilis na sabi ko pagkalapit namin. Hindi makatingin, ang mga mata ay nanatili lang sakanyang dibdib. "Dahyun, si kuya Boran."

Hindi paman nalalahad ni kuya ang kamay ay inabot na agad iyon ng kaibigan.

Dahyun is now smiling from ear to ear.

"Glad to finally meet you kuya," my bestfriend said with so much happiness. It seems like she really like kuya Boran, but not in a way that she wants him to be her boyfriend, more like an infatuation.

Napaangat ang tingin ko kay kuya kaya nakita ko ang kanyang pagtango at ang bahagyang pag-angat ng kanyang labi para sa isang matipid na ngiti. Pero ang pagkakunot ng noo ay hindi parin nawala.

Yasak AşkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon