AN:
Baba - Papa/Dad
Anne - Mama/MomPlease excuse any grammatical errors, not proofread yet 😅
---------------I smiled in my sleep. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ito na yata ang pinakaunang beses na ganito ka sarap ang tulog ko.
Wala akong kahit na anumang nararamdaman na sakit sa katawan na syang ipinagtataka ko.
Pinagtulungan ako kahapon nina Steph at tiya Brenda. Hindi ko nga halos magalaw ang buo ko'ng katawan kahapon, kaya imposibleng wala akong maramdaman na kahit ano ngayon.
Feeling so confused, I woke up.
Kulay peach na kisame ang sumalubong saakin.
Napakunot-noo ako.
Wala sa sariling inilibot ko ang paningin sa paligid at agad napabalikwas ng tayo nang makitang wala ako sa dating kwarto.
Nilukob ng kaba ang buo kong pagkatao.
Napahawak ako sa aking ulo at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Pero ang tanging naalala ko lang ay yung nakatulog ako sa kakaiyak.
Mukha yatang nananaginip ako kaya siguro ganito.
Oo tama, nananaginip lang ako. Pangungumbinsi ko sa sarili.
The bed that I've slept in is a queen size bed, its bedsheets were in color peach mixed with a little bit of white.
Iginala ko ang paningin sa kabuohan ng kwarto at hindi mapigilang mamangha. This room is huge and it looks so perfect.
It even has its own walk-in closet and bathroom. May mini fridge sa gilid, a shelves full of books and a vanity table.
Wala sa sariling kinuha ko ang isang maliit na picture frame na nakadisplay sa nighstand table.
Tatlong batang babae ang nandon sa larawan. They were smiling while holding a balloons. Ang isa sa mga batang babae ay ako. Pero parang may kakaiba sa histura ko do'n, pero hindi ko mawari kung ano.
Ironically, naaalala ko ang nangyari nung kinuhaan kami ng litrato na ito. Na tila ba naging parte talaga iyon ng kabataan ko.
May pag-iingat na inilagay ko ulit ang picture frame sa pinagkuhanan ko.
I turned around and saw a full size mirror at the right side corner. Punong-puno ng pagtatakang naglakad ako palapit.
Wala sa sariling napahawak ako saaking buhok. My hair color in this dream is very different from my actual hair color. I have a blonde hair in this dream.
Maging ang aking mata ay naiiba din.
Kulay bughaw ang mga mata ko dito, samantalang itim naman ang kulay ng mga mata ko sa totoong buhay. Pati ang skin tone ko iba rin dito, parang naging kasing puti ko na yata si Namfah ang aking kaibigan.
This dream is very weird. It has so much details. It shouldn't be like this right?
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nanaginip ng sobrang detalyado na tila ba hindi lamang ito isang panaginip.
Naisipan kong lumabas mula sa kwarto, nakapantulog parin.
"Magandang umaga po señorita," bati saakin ng isang babaeng nagpupunas ng mga muebles sa gilid.
Kusang umangat ang aking labi para sa isang matamis na ngiti.
"Magandang umaga din sayo ate Ariz," ganting bati ko sakanya.
Napatutop ako saaking bibig. Papaanong maging siya ay kilala ko. Na alam ko saaking isipan na isa siya sa mga matagal na naninilbihan dito sa bahay.
This dream is getting interesting. Napukaw ng panaginip na ito ang buo kong interest.
BINABASA MO ANG
Yasak Aşk
RandomMiray found an old book that grants two connected wish and found herself in a very different situation.