Kinaumagahan, nagising ako na masama ang pakiramdam. Inaapoy din ng lagnat. Sa tagal ng panahon ngayon lang ulit ako nagkasakit.
Hindi na pumasok si mama sa clinic para maalagaan ako. Tila hinaplos ng kung anong maiinit na kamay ang aking puso nang makita ang sobra niyang pag-alala saakin, ang paraan ng pag-aalaga niya saakin kanina.
Sanay na ako na walang nagmamalasakit saakin kaya nakakapanibago at nakakataba ng puso na mayroon na ngayon.
Pinilit kong maupo mula sa pagkakahiga. My back is now hurting from lying down too long.
"What are you doing anak? Mahiga ka muna, don't force yourself yet." Sabi ni mama saakin, kapapasok lang at may dalang tray ng pagkain. Nasa mukha na naman ang pag-aalala kahit na normal na lagnat lang naman itong nararamdaman ko'ng sakit.
"Sumasakit na po kasi yung likod ko sa kakahiga anne..." I told her.
"Ganon ba?" She went closer. Inilagay niya ang tray sa aking tabi at naupo din saaking kama. "Dinalhan kita ng pagkain anak, pilitin mong kumain para makainom kana ng gamot. Okay?"
Nakangiti akong tumango.
Pinilit niya ako'ng subuan kahit ayaw ko sana nung una dahil nahihiya na ako sakanya pero pumayag nadin nung makita kung gaano siya kasaya sa kanyang ginagawa.
Ayse and Alev went to my room later that afternoon.
"Ano ba 'yan, una si kuya. Ngayon ikaw naman ang nilalagnat..." Komento ni Ayse.
Wala silang ideya na nagpunta kami ni Julia sa bahay nila tito Ahmet kagabi. At wala akong balak na ipaalam pa 'yon sakanila. Siguradong mas lalong magagalit ang dalawang 'to kay Julia at baka mas lalo lang magkaroon ng away dito sa bahay.
"Pagaling ka agad ate Ali, tamam?" (Okay?)
"Oo naman Alev, baka sa susunod na araw magaling na ako.." sagot ko sakanya.
Nag-usap pa kami ng matagal bago sila umalis at iwanan ako dito sa aking silid.
Dahil masama ang pakiramdam kaya nakatulog ulit ako nung makaalis na ang magkapatid.
Ginising ako ni mama para makakain ng hapunan, pagkatapos makainom ng gamot ay nakatulog ulit ako.
Lumipas ang tatlong araw mula nung ako'y magkasakit. Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya naisipan kong lumabas ng aking silid para makapagpahangin sa baba. Ilang araw nadin akong hindi nakakalabas.
Dahil hindi pa pwedeng maligo, kaya nagpunas lang ako ng katawan at nagpalit ng maaliwalas na damit. Itinali ko ang mahabang buhok at naglagay ng kaonting pulbo at lip gloss para pagtakpan ang pamumutla.
Mahina ko'ng isinirado ang pinto ng aking silid pagkalabas. Pagtapos ay naglakad na sa mahabang pasilyo patungo sa hagdanan.
Nakita ko si Julia sa labas ng silid ni Boran. Bumukas ang pinto at inuluwa noon ang lalaking ilang araw ko rin na hindi na kita. Walang ipinagbago. Still as handsome as before.
Dahil ilang araw akong nakulong saaking silid kaya hindi ko alam na bumalik na pala siya dito sa mansyon.
"Iginawa kita ng cookies kanina..." Julia said shyly.
Ipinakita niya kay Boran ang maliit na container na naglalaman ng mga cookies na ginawa niya.
She handed it to him. At kinuha naman iyon ng binata.
A small smile crept across his face.
Napakunot noo ako. Hindi makapaniwala sa nakikita.
Paano sila naging malapit sa isa't-isa? Di ba ayaw niyang kausapin si Julia?
BINABASA MO ANG
Yasak Aşk
RandomMiray found an old book that grants two connected wish and found herself in a very different situation.