I woke up so early today. Pinilit matulog ulit pero dahil hindi na talaga inaantok kaya naisipan ko'ng lumabas nalang para makalanghap ng sariwang hangin.
I checked my phone, at nakitang alas singko palang ng umaga. Pinatungang ko ang aking pantulog ng isang oversized jacket para maibsan ang lamig.
Hindi ko mapigilang pumikit nang salabungin agad ako ng sariwang hangin pagkalabas ng mansyon. It feels so good and cold at the same time.
Nagpalakad-lakad ako sa paligid ng mansyon. Namamangha parin sa ganda ng lugar kahit ilang linggo na akong narito. Isang paraiso ang lugar na ito.
Medyo madilim pa ang kalangitan na animo'y uulan.
Napapalibutan ng mga naglalakihang puno ang malawak na bakuran ng mansyon. Nakakaaliw'ng tignan ang mga berdeng dahon na sumasayaw sa bawat lamyos ng hangin.
This is life.
Kung hindi dahil sa mahiwang libro hindi ko mararanasan itong lahat. Hindi ko mararanasan magkaroon ng isang buong pamilya.
Sa kakaikot, narating ko ang malawak na pool area na di sinasadya. I was about to go back inside the house when someone caught my attention.
There is someone sleeping at one of the sun loungers. Out of curiosity, I walked closer, mabagal lang ang paghakbang para hindi makadisturbo.
Tumigil ako sa harapan at nakitang si kuya Boran pala ang natutulog. He's not wearing his pajamas anymore, bagkus ay naka hoodie jacket at jogging pants na siya. Nakatakip sa mukha niya ang isang itim na cap. Nakahalukipkip habang tahimik na natutulog.
Malaya kong naririnig ang kanyang mahihinang paghinga at tila ba parang musika saaking pandinig.
Mukhang lumabas yata siya kaninang madaling araw at dito na nagpatuloy sa pagtulog.
Dahil sa sobrang tangkad kaya lumagpas na ang binti niya sa kinahihigaan. Pero mukhang wala naman 'yon sakanya, tila sarap na sarap pa sa pagtulog. Hindi man lang inalintana ang malamig na simoy ng hangin. Mukhang sanay na sa malamig na klima ng Turkey.
Humampas ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili. Hindi ko mapigilang manginig sa sobrang lamig, pero mukhang balewala lamang 'yon kay kuya.
Iniwan ko siya at pumasok na sa loob. Sa likod na ako dumaan para hindi na kailangang umikot pa sa harapan.
Pagkapasok sa aking silid ay agad akong kumuha ng spare blanket na hindi pa nagagamit at bumalik sa pool area. Ikinumot ko iyon kay kuya na hanggang ngayon natutulog parin. Baka kasi malamigan pa siya at magkasakit.
"But anne, I'm actually planning to visit my friend later," pagdadahilan ni Ayse kay tita Azra.
Nung malaman kasi ni Julia na may batis pala dito sa lupain ni lolo, hiniling niya agad na maligo doon mamaya. Of course, expected na talaga na sasamahan ko siya. Hindi ako makahindi. Samantalang umayaw agad ang magkapatid, kaso lang, gusto ni Tita Azra na sumama rin sila.
"You can visit your friend tomorrow, for now, you and Alev should accompany Ali and Julia later," sabi ni tita.
"Okay.." magkasabay na sagot ng magkapatid. Parehong hindi na maipinta ang mukha.
"Join them as well hijo, para narin makapagbonding naman kayong magpipinsan, hindi ka pa ulit nakaligo sa batis simula nung umuwi kayo," sabi ni lola kay kuya Boran na tahimik lang na kumakain.
"That's a very good idea lola Alara!" Sang-ayun agad ni Julia. Nakangiting napabaling kay kuya, naghihintay sa magiging sagot ng aking pinsan.
Dahil sabado ngayon kaya walang pasok si kuya, mukhang kagigising lang din niya at dumeretso na agad dito para samahan kaming kumain ng agahan.
BINABASA MO ANG
Yasak Aşk
RandomMiray found an old book that grants two connected wish and found herself in a very different situation.