Lumapit kay kuya si manang Lorie, ang mayordoma, at kinuha ang aking mga gamit mula sa kamay ni kuya.
Kuya thanked her. Nakangiting tumango sakanya si manang at umalis din agad.
"Come here son.." tawag sakanya ni tito Ahmet.
He walked there and sit in between his father and his mother. He looks so serious.
Samantalang tumabi naman ako kay mama na agad akong niyakap pagkalapit ko sakanya.
Gustuhin ko man na itanong kay mama kung anong mayroon at bakit narito ang dalawang matandang Ramos ay hindi ko magawa. Tila may kung anong nakaharang saaking lalamunan.
Hindi ako mapakali saaking kinauupuan. Kinakabahan ako sa maaaring mapag-usapan ngayon. May ideya na ako pero sana mali ang aking hinala.
Parehong nakababa ang tingin nina Ayse at Alev. Samantalang wala parin nagsasalita kina lolo.
Nakakatuliro ang katahimikan. Feeling ko tuloy, parang may bombang sasabog nalang bigla.
Bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Dahil tahimik at walang nagsasalita, kaya ang tanging naririnig namin ngayon ay ang bawat pagpatak ng ulan at ang marahas na hampas ng hangin.
"What's the matter?" basag ni kuya Boran sa katahimikan. Seryoso parin ang mukha at derektang nakatingin kina Mayor at Senator Ramos.
Tumikhim ang pinakamatandang Ramos. Tumingin muna kay Julia, kay lolo bago kay kuya Boran.
"As you know hijo, my granddaughter likes you so much.." pasimula niya.
"Infatuation is normal, I don't think you should make a big deal out if it, Senator," kuya stated nonchalant. Dismissing the topic.
Parehong napaangat ang kilay nina Mayor at Senator Ramos. Mukhang hindi inaasahan ang naging pahayag ni kuya.
Tumikhim muli si Senator Ramos at mas lalong sumeryoso.
"Yes, but my granddaughter wants to marry you. Alam kong mga bata pa kaayo pero napaghahandaan naman ang lahat, at nandito naman kaming mga matatanda para kayo'y suportahan." Anya, wala ng paligoy-ligoy pa. "I already talked to your elders about it, desisyon mo nalang ang hinihintay namin...pero sana isipin mong mabuti hijo."
Napalunok ako at napatitig kay kuya, nakita ko ang pagtatagis ng kanyang panga. His brown eyes almost turns black.
Ramdam ko ang tensyong namumuo. Maging saaking kaloob-looban ay ganon rin. Kahit hindi naman ito patungkol saakin, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng matinding kaba.
"As what I've said earlier compadre, hindi namin pinapangunahan ang alin man saaking mga apo tungkol sa pagpapakasal." Sa unang pagkakataon, nagsalita narin si lolo.
Tumango si lola at sumang-ayon kay lolo.
"We would let them marry whoever they want to marry someday.." segunda ni lola.
"Alam namin 'yan señora, ang hinihingi lamang namin ay bigyan ng inyong apo ng pagkakataon ang aking anak upang mas lalo niya itong makilala," si Mayor naman ang nagsalita ngayon.
Napahawak si Julia sa ama. Matamis ang pagkakangiti.
"I like Boran po lolo Mustafa, since last year, I know we are still so young but I can wait naman po. I just want an assurance na ako ang pakakasalan niya in the future.." Sabi naman ni Julia kay lolo. She gave him her sweetest smile. She then turned to face tito Ahmet and tita Kiria, and did the same.
"I have nothing against you hija, but if my son does not like you, then there's nothing we can do about it.." sabi ni tita Kiria sakanya.
Tita may seems so strict and cold at the same time but you could really tell that she loves kuya so much.
BINABASA MO ANG
Yasak Aşk
RandomMiray found an old book that grants two connected wish and found herself in a very different situation.