Ramdam kaagad ang lungkot pagkabukas ko ng pintuan sa bahay, halos lamunin ako ng katahimikan. Dinala ako ng mga paa ko sa kuwarto ni Mama at agad na bumungad saakin ang pabango niyang lilac na hinaluan ng sandalwood.
Wala pang isang araw at ramdam ko na ang kakulangan sa bahay sa kuwartong ito. Nilibot ko at bahagyang napangiti ako nang nakita ko sa salamin niya ang mga nakapatong na pampaganda na binigay ni Valerie. Silang dalawa talaga ang hilig sa mga pampaganda, dapat siguro si Valerie nalang ang naging anak niya no?
Pareho lang din naman kami ni Valerie na loka-loka.
Humiga ako sa kama niya at tinignan kaagad ang bubong ng bahay namin, wala itong kisame dahil wala naman kaming mga ginto upang makapag-pagawa at mas pipiliin namin na makapag-ipon upang may pambayad sa lupa.
Ang importante may bahay at ginagawa naman nito ang kanyang silbi; pinapatulog, kinukublihan, at nagbibigay sekuridad. Ngunit kailangan mo lang tiisin ang init na galing sa araw dahil pakiramdam mo ay parang iniihaw ka na dahil walang kisame na humaharang galing sa bubong.
Gaya ng nararamdaman ko ngayon, ano 'to libreng pa sun bating? Buti nalang nakabukas ang bintana kaya kahit papano may hangin na pumapasok. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata hinayaan ang antok at pagod na yakapin ako.
Gumising ako nang nakarinig ako ng mga tunog galing sa labas. Tumingin ako sa bintana at magkahalong asul at rosas ang kulay ng langit. Sa hindi makadahilanan na rason, alam kong panaghinip lang ito.
Lumabas ako at bumungad saakin ang malaking salas, gawa sa granite ang pader at may mga emerald na nakadikit, ang sahig na makintab ay gawa sa marmol, at may mga ibon na nakapatong sa bintana.
Bahay 'to namin, pero parang hindi. Ah basta! Hindi ko alam at hindi ako sigurado!
Gusto ko na gumising. Paano ba gumising!
Narinig ko ang mga tunog galing sa loob ng medicine room. Alam ko na ito ang medicine room dahil sa mga dahon na nakasabit sa pintuan.
Nanginginig kong hinawakan ang busol ng pintuan, hindi ko alam kung reaksyon ng kamay ko o dahil sa busol kung bakit nanginig ako sa lamig.
Dahan-dahan ko itong binaba upang mabuksan ang pintuan. Tumatapang ang amoy ng herbal habang nilalakihan ko ang pagbukas ng pintuan. Agad kong nakita si Mama, ang buhok nito na kadalasan ay naka bun pero ngayon nakabuhaghag.
Ano ba ang pinagkaabalahan niya?
Mukhang hindi niya napansin ang presensysa ko dahil patuloy lang ito sa ginagawa niya.Palapit ako nang palapit hanggang sa tuluyan ko na siyang kaharap. Puno ng mga kulay pulang bulaklak ang lamesa. Rosas ba 'to?
Dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko at kumuha ng bulaklak, apat ang mga malalambot at magusot na talulot nito at pinaplibutan ng stamen ang kulay puting ovary sa gitna.
Poppy flowers
Tumingin ako pabalik sa ginagawi ni Mama at gamit ang kaniyang kamay, kinukuha niya ang ovary sa gitna ng bulaklak at nilalagay sa isang garapon ang mga bulo nito. Nagumpisa siyang kumanta habang patuloy parin sa pagkua ng mga bulo galing sa poppy.
Agad ako nakaramdam ng binhod galing sa ulo ko, bulo ng poppy, 'yan ang sinabi saakin ni Mama na pupwede kong gamitin kapag hindi ko parin nagagamit ang mahika ko sa pagluto ng mga gamot.
Alam kong meron nito sa bahay, dahil may ipinakita siya sa akin na garapon na puno ng mga bulo nito. Kagaya ng garapon na ginagamit niya ngayon dito sa panaghinip ko.
"Ma!" Tawag ko sakanya, nagbabakasakali na maririnig o mapapansin niya ako. "Saan nakalagay ang garapon ng bulo?" Pero hindi niya parin ako napapansin.
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
FantasyAlora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...