Hindi ko mapigilang umirap. Lakas ng amats ni bruha.
"Sa tingin ko ay kami ho dapat ang makakapasok sa ikalawang posisyon." Ani ng babae, siya ang kanina pa kuda nang kuda nang nasa karwahe palang kami. Siya talaga ang may pinakamalaking galit saamin ni Valerie.
Pinipilit niya kasi na sila daw dapat ang mananalo dahil gising ang pasyente nila samantalang walang malay ang nasa amin, kaya hindi daw dapat kami isaalang-alang. Sila pala ang sumunod pagkatapos namin.
"Pero stable ang kanilang pasyente, at base sa nakita nating lahat kanina, naging masyadong mapanganib ang sitwasyon ni Casem." Paliwanag naman ng Hari. Hindi na nahiya si Tyang bruha, ang Hari na mismo ang nagpapaliwanag hindi niya parin matanggap.
"Oo nga po, stable nga pero hindi naman na gising-"
"Boba ka naman siguro na magigising kaagad ang walang malay na tao matapos lang maturukan ng antibitoic." Kinurot ko ng kaunti si Valerie bilang saludo, wala na akong pakealam kung matanda siya saamin, hindi porque matanda, kailangan nang respetuhin.
Respeto sa respeto, bastos sa bastos.
At sa kanina pang pinapakita ng babaeng ito, hindi siya karapat-dapat na respetuhin namin ni Valerie.
Hindi na ito nakapagsalita at pinadiretso na kami ng Hari sa loob para sa susunod na hamon. Pero bago pa man kami makakalakad kinausap ko muna ito.
"Mahal na Hari, may isang meningitis po si Tyong Casem, ibig sabihin meron hong bacterial infection sa loon ng kaniyang katawan kaya't ganon nalang ang naging kalagayan niya. Mas maganda ho sana na pahingain muna ito sa kama at alamin kaagad kung saan siya nagpunta o kung sino ang nakasalamuha niya noong nakaraang araw para malaman kung saan nanggaling ang bacteriang iyon. Tuluyan na siyang maging maayos at gigising bukas o sa makalawa."
"Maraming salamat." Nagtungo na kami sa loob, nailigpit ari namin ang gamit namin kanina at si Tyong Casem naman ay pinasok na sa kaniyang kuwarto sa tulong ng mga guwardiya dito sa kastilyo.
Ang iba naman na hindi nakasama sa susunod na hamon ay pinapahinga lang sa bakuran. Tanging ang Hari at Reyna lang ang makakapanuod sa susunod na hamon. Isang hakbang nalang at pupwede na ako magtrabaho dito, at puwede ko na rin bisitahin si Mama nang pasikreto sa bilangguan na sa tulong ng tadhana, makita ko kaagad kung saan iyon banda dito.
Nagtanong-tanong pa kami sa mga trabahante kung nasaan ang kuwartong tinutukoy ng hari kanina para ganapin ang ikalawang hamon. Nang nakatayo na kami sa harapan nito, agad kong inikot ang knob at agad kong naramdaman ang lamig ng hangin.
Hindi masyadong tinatamaan ng ilaw ang kuwarto, kaunting lampara lang ang nakasindi sa itaas ng isang mesa kung saan nakatayo ang unang nanalo kanina. Nasa gilid naman ang Hari at Reyna, mukhang kami nalang ang hinihintay. Bumalik ang tingin ko sa mesa at agad kong hinawakan si Valerie nang nadiskubre ko kung ano ang nakahiga roon.
"P-Patay." Halos hangin nalang ang lumabas.
Hinawakan ni Valerie ang nanginginig kong kamay at sabay kaming naglakad papunta sa kinakatayuan ng kapwa naming manggagamot. Taning mga yapak lang namin ang mariring dito.
"Nais ko muna kayong batiin dahil dahil kayo ang nakapasa para dito," Pagumpisa ng Hari, "Alam kong agulat kayo sa nakita niyo," Lumapit ito, "Siya si Charlo, isa sa pinakamatandang trabahante dito sa kastilyo, wala itong asawa o anak dahil mas pinili niyang magtrabaho nalang dito para saamin."
Nakinig lang kami sa kuwento ng hari, ang postura nito ay nagsasabing isa siya sa mga may kontrol dito sa Mendron, ang kamay ay nasa likod at boses na napakalalim.
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
خيال (فانتازيا)Alora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...