"Nadala mo na ba ang lahat?" Ani Valerie nang nagkita na kami sa seaside. Hunas na ang tubig kaya ang iba ay pumupunta sa kalagitnaan bit-bit ang kanilang mga lampara para maghanap ng hipon.
"Oo," Pinakita ko ang dalawang satchel na nakakabit sa baga ko. "Para kay Mama."
Tumango lang siya bilang sagot, meron na rin kaming mga tao dito na sa tingin ko ay mga interesado rin at naghihintay ng masasakyan na kalesa. Sila ang magiging ka kompetensya ko sa paligsahan.
Umupo muna kami sa gilid, tahimik, dahil siguro sa kaba o pagnanais para makuha. Tumingala ako at tumingin puting buwan. Kung hindi ako ang nakatadhana para dito, hindi ako papayag.
Hindi rin nagtagal at nakarinig na kami ng yapak ng mga kabayo pai na rin ang tunog ng gulong na paparating. Huminto ito sa harapan namin at agad na gumawi ng tingin saamin ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang namumuno dito sa kalesa. "Kung hindi ako nagkakamali, kayo ba ang mga sasali sa paligsahan?"
"Op-" Napatigil ako nang may pumutol.
"Oo, kami." Sagot ng isang babae, nakasuot ito ng bodice kasama ng mahabang palda at mga burloloy na nakasabit sa kaniyang leeg. Halos magkasing parehas lang sila ng suot sa pito pa naming kasamahan. Sa tulong ng buwan, nakikita ko ang mga kulubot sa kanilang mukha kaya sa tingin ko ay may mga kaedaran na rin sila. Ibig sabihin mga beterenaryong mangagamot ang mga ito.
Nahiya ako sa suot namin na damit ni Valerie, naka Apron dress ako at pinatungan ko lang ng cape na abot hanggang braso ko, kulay puti ito dati pero dahil binabad ko woad . Si Valerie naman ay naka pinafore na kulay kahoy.
"Maari na kayong sumakay." Tinuro niya ang likuran niya, nahuli kaming sumakay ni Valerie dahil naguunahan na ang iba para makasakay kaagad, buti nalang at malaki ang karwahe para magkasya kaming sampung manggagamot.
Nang komportable na kaming nakaupo, nakaramdam na kami ng yanig sa loob simbolo na gumagalaw na ang kabayo patungong palasyo. Tanging mga kabayo at gulong lang ang naririnig namin sa loob dahil sa sobrang tahimik. I never heard silence this loud.
"Mga hija, baka magbago pa ang mga isip niyo at bumalik nalang kayo sa mga bahay ninyo." Ani ng matandang ale. Siya 'yung pumutol kanina saakin nuong nasa seaside palang kami.
"Hindi po, decido po kami." Ngumiti ako at kinalbit sa may hita si Valerie. Hindi naman nila 'to nakita dahil natatakpan ng satchel na suot ko.
"Hayaan mo na, pagbigyan natin, alam naman natin na walang kaalam-alam ang mga 'yan." Ani pa ng isa, kaya nagtawanan sila.
"Bakit gusto mo ba makita nanay mo? Aba! siguraduhin mo lang kung makikita mo siya." Kakapal talaga, babaran ko kaya kayo ng Aloe vera sa mukha para naman mahimasmasan nang kaunti.
"Nadala ko nga pala ang hiringgilya," Nilakasan ko ang boses ko at tumingin sa tabi ko, "Valerie, nadala ko nga pala ang hiringgilya na may poison ivy." Lumawak ang mata ng loka-loka at sinabayan rin ako.
"Hala, Alora, nadala mo pala? Nadala mo ang hiringgilya na may POISON IVY? " Mas nilakasan niya. "Naku! Nadala niya- Nadala niya ang HIRING-"
"Nagbabanta ba kayo?" Sagot ng babaeng kanina ko pa kinaiinisan.
"Ah! Hindi po, Ale," Nginitian sila ni Valerie.
"Hindi naman po kami ganon ka bayolente." 'Yan kaagad ang binuka ng mga bibig ko, sobrang pamilyar ang linyang 'yan.
"Hayaan na nga natin sila," Mahinang sabi ni Valerie, "May dala akong something." Binuksan nito ang bag.
"Anong something?" Naguguluhan kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
FantasíaAlora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...