Suot nila ang mga magagarbong damit, halatang mga royalties lang ang nakakabili dahil sa uri ng tela.
Lumapit sila saamin at kahit hindi kami nasisilayan ng araw, kita parin ang kintab sa kulay berde na coat at trousers na suot ng hari, may naka burdang mga bato din ito at pulido ang itim na buhok kaya nagmukha siyang bata.
Habang sa asawa niya ay naka kulay rosas na ballgown at may suot na corset kaya nakahurma ang magandang hugis na katawan nito, ang buhok nito ay nakatali sa likod pero kita parin ang kulot at haba nito.
Nang mas nakalapit na sila, kapansin-pansin ang kolorete sa pisngi ng reyna at nagliliyab ang mga magagandang mata at mala anghel na mukha nila. Hindi namin natiis at napayuko kami bilang respeto.
Sinabi lang ng hari kung ano ang dapat namin gagawin, kaya ngayon naintindihan ko na kung bakit ito naging paligsahan. Ang limang tao sa gitna ng field ay maga trabahante dito sa palasyo, may mga iniindang sakit ito at kailangan naming gamutin. Kailangan din pala ng kapares at hindi nagdadalawang isip pa na si Valerie ang kunin.
"Ang dalawang pares na makatapos ay ang magsusunod sa ikalawang round." Tinignan niya kami isa-isa. Katabi na namin ang sarili naming mga kapares. "Handa na ba ang lahat?"
Tumango kami bilang sagot.
"Maari na mag-umpisa." Tumakbo kami sa gilid. Ang iba ay nagkokontrahan pero agad namin binilisan papunta sa pasyenteng lalaki na nakaupo.
"Magandang umaga," Bati ko sakanya, "Alora at Valerie." Dali-dali kong pagpakilala. Kung titignan ito mukhang wala naman siyang iniindang sakit. "Pwede ba namin hingiin ang pangalan mo?"
"Casem." Malinaw nito na sagot.
"Responsive." Ani Valerie.
"Anong nararamdaman mo?"
"Masakit lang ang ulo ko." Direkta niyang sabi.
"Ano pa?" Tanong ko, kinuha ko ang stethoscope na gawa sa bamboo at dinikit ko ang dulo nito sa dibdib niya. Tinitignan ko ang iba habang nakikinig sa tibok ng puso nito, tumayo ako sa pagkaluhod at dumiretso sa likod niya.
"Wala ka naman pong sipon? O bumabara ang kabilang butas ng ilong ano?" Agad din siyang umiling. "Itataas ko po ang damit mo ha." Tinaas ko ang damit nito sa likuran at dinikit doon ang instrumento ko, nilapit ko ang taenga ko sa kabilang dulo at hindi nga ito barado."
Wala siyang sinus, baka ordinaryong sakit lang ito ng ulo dahil siguro sa pagod sa trabaho. Ibinigay ni Valerie ang mortar and pestle saakin, kinuha ko rin sa bag ko ang ferverfew. Isa ito sa mga parati kong dinadala dahil mabilis ang talab nito sa mga may sakit ng ulo o migranes. At halos karamihan ay nakakaranas nito kaya hindi pwedeng wala ito sa bag ko. May bulaklak itong kulay puti ang talulot nito at dilaw ang sa gitna, pero dahon lang nag kinakailangan. Kaya pumitas ako ng sampung piraso.
"Valerie, dikdikin mo ito," Ibinigay ko sakanya ang mortar at pestle kasama ang dahon ng feverfew. "Kukuha lang ako ng mainit na tubig sa kusina." Binitawan ko ang bag na nakasabit sa baga ko at tumakbo papasok ng kastilyo, pansin ko rin na walang pang nakatapos sa mga kasamahan ko, pero hindi parin 'yon sapat na rason para maging kampante ako.
Dali-dali akong tumakbo hanggang sa may nabangga ako, "Aray, ko po!" Hinimas ko ang braso ko dahil sa sobrang lakas na pagkabangga nito.
"Sino ka?" Tanong ng lalaking naksuot ng makintab na amerikano, pahaba ito sa likod at kapares ng itim na pambaba. Kagaya ng kaniyang tatay at nanay, naka ayos rin ang buhok at mala anghel ang pinta sa kaniyang mukha. "Ma-Magandang-araw po, Prinsipe" Yumuko ako. "Pasensya na po, isa po ako sa manggagamot, saan po ba ang kusina?"
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
FantasyAlora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...