Kitang-kita ang repleksyon ko sa kulay gintong lababo dito sa banyo ng kastilyo. Matapos kong malaman na mali ang konklusyon ko sa ikinamatay ni Aling Charlo.
"Ba't ba kasi hindi ko tinignan ang ibang posaibilidad." Bulong ko at naghilamos ng malamig na tubig. Pumunta muna si Valerie sa bakuran kung nasaan ang iba naming kasamahan.
Naghihilamos ako nang biglang may kumatok sa pintuan, hindi pa man ako nakasagot ay bumukas na ito at laking gulat ko na ang Prinsipe iyon.
"An-anong kailangan niyo?" Pinatay ko na ang magarbong gripo.
"Baka kailangan mo ng sabon." Lumapit siya saakin at binigay ang hugis parisukat, kulay puti ito at magaspang dahil sa oats, dried lavender, at nangingibabaw ang amoy ng tea tree.
"Salamat."
"No problem, besides, it's no big deal," Sumandal ito sa gilid ng pintuan, "Maraming benepisyo 'yan, pampatanggal ng dead skins, anti-bacterial, moisturizing, at... pampaaganda." Sa dami niyang sinabi hindi ko na namalayan ang bula sa kamay ko dahil sa mabilisang pagkuskos ng sabon. Nilagay ko ito sa mukha ko at dahang-dahang minassage. "Good right? Ay! Naintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Kumurap ito nang mabilis habang hinihintay ang sagot ko.
Hinarap ko ito kahit may sabon pa ang mga mukha ko, "Ganon na ba talaga kaliit ang tingin mo saamin?"
"Hindi ko alam," He crossed his arms, "Hindi mo nalagyan dito mo." Hinawakan niya ang panga niya. Wala talaga siyang pakealam no?
Patuloy lang ang pag kuskos ko sa mukha ko nang bigla akong may naisip. "Prinsepe,"
"What? Do you need extra soap? Scrub? We have a good scrub here made out of real loofa but I think sensitive siya sa mukha-"
"Saan banda dito ang bilangguan?"
Napahinto ito, napakunot ang noo niya. "Bilangguan?"
"Oo, bilangguan, kung saan napupunta ang mga masasamang tao."
Natuhan ito sa sinabi ko, "Ah the dungeon."
Tsk!
"Saan?"
"Why? Isa kang takas 'no?"
Ha? Pinaghihinalaan niya ba akong preso? Sa ganda kong 'to.
"Hindi naman hugis liso ang utak ko na magtatanong kung nasaan ang bilangguan kung doon naman ako nanggaling gaya ng panghihinala mo." Nag-bow ako bilang paumanhin, mukhang hindi ko napigilan ang pagbara ko sakanya. "Pasensya."
"Tama ka, matalino ka naman pala." Binanlawan ko na ang mukha ko nang nagsalita ulit ito, "Sa ibaba ng bundok, may entrance doon papuntang dungeon, dinala ako roon ni Papa dati." May dumaan na trabahante sa likuran niya na may dalang plato na may takip. "Servant," tawag niya dito.
"Mahal na Prinsipe," Nag-bow ito.
"Ano 'yan?" Binuksan ng trabahante ang takip at bumungad ang maliliit na baso kung saan may lamang kulay puti sa ilalim at kulay brown naman sa itaas. Pagkain ba 'yan?
"Oh pudding!" Kumuha siya ng isa at agad na mang umalis ang trabahante. "I love pudding," Nilantakan niya ito "See, the kitchen is definately the heart of the house." Pinakita niya saakin ang baso na may lamang jelly ace na pinasosyal.
"Salamat sa sabon, akin nalang po ito." Pinunasan ko na ang mukha ko gamit ang luwayway ng aking suot. "Prinsipe-" hindi ko na naipatuloy nang biglang lumuhodang dalawang paa nito, intresado ba siya saakin? Nawala ang lahat sa isipan ko nang umubo ito.
"Prinsipe?" Dali-dali akong lumapit sakanya
Agad akong lumabas sa palikuran at nilapitan ito. Ulit kong tinawag ang atensyon niya pero hindi pa rin ito sumasagot. "'Yan kasi andaming sinasabi, hindi nalang kumain." Dumiretso ako sa likod niya at tinayo ito, pumagita ang kanang paa ka kaniyang hita habang ang kaliwa ay nakadiin lang sa likuran Ang bigat niya!
Nilagay ko ang ang dalang kamay ko sa itaas ng kaniyang pusod and started an inward "J" motion. Inulit-ulit ko iyon hanggat sa may lumabas na sa bunganga niya. Nang napagtanto ko na hindi na maayos na ang kalagayan niya ay binitawan ko na ito at tinignan ang baso na kinainan niya. Mamahaling jelly ace nga pero may mga mani, hindi niya siguro namalayan.
"Kumusta ka po?" Tinulungan ko itong tumayo.
"Yo-you saved me." Pulang ang mata nito at may luha pa.
Napaka OA, wala yun. Syempre hindi ko sasabihin.
"Ingat ka sa sunod, Prinsipe" Lumabas na ako at dumiretso na sa bakuran para umuwi. Malungkot parin ako sa nangyari na mali ang hinala ko sa ikamatay ni Aling Charlo. Siguro meron pang ibang paraan para mabisita ko si Mama dito. Sayang lang at matutuloy na sana ang plano ko.
Sinabihan na kaming ayusin ang mga gamit namin dahil babalik na kami sa village. Sobrang tahimikko lang at hindi kinausap si Valerie, nalungkot din siguro ito sa nangyari.
Sobrang lapit na kasi namin e. Pero siguro nga hindi pa rin sapat yung ginawa namin.
Nakahanda na ang karwahe sa harapan ng kastilyo kung saan kami bumaba kanina. Aakyat na sana ako nang may boses na nangingibabaw.
"That's her." Lumapit ang Prinsipe sa harapan namin, kasama ang hari sa likuran niya.
"Healer, ikaw ba ang tinutukoy ng anak ko?" Hindi ko mapigilang kumunot ang noo. Wala akong malisyang ginawa sa Prinsipe. Mali bang hinawakan ko siya kaagad kanina? Dapat ba nagpaalam ako bago siya tinulungan?
"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, paumanhin po." Niyuko ko ng kaunti ang ulo ko. Ang alam ko lang ay tinulungan ko ang Prinsipe, pero bakit sinumbong niya sa tatay niya, natatakot tuloy ako.
"I was about to die, Father" Binalik ko ang tingin ko sakanya. Mamamatay ba kapag nabubulunan?
"Sinabi saakin ng anak ko, malapit na daw siyang mamatay?" Tinanong ako ng Hari. Dumikit saakin si Valerie at kinalbit. Halatang nakikichismis nanaman ito.
"Friend ano ba nangyari?" Mahina niyang tanong.
"During that incident, I cannot breath anymore- you see that right? Nakaluhod na ako" Hinawakan niya ang dibdib niya para bang umaakting. "Pero buti nalang may ginawa siya saakin, she pushed my stomach or whaterver that was." Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko gamit ang dalawang kamay niya.
Hindi ko parin maproseso kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Sapat na ako sa pasasalamat pero ayos lang din naman kung bigyan nila ako ng ginto, o di kaya quartz!
"She's my guardian angel." Binitawan niya na ang kamay ko at naglakad na palapit sa Hari.
"Enough, Jesmon. I get it." Tumingin saakin ang Hari. Walang ekspresyon ang mukha. Sana nagpoproseso ito kung ano ang ibibigay saakin bilang pasasalamat ano?
Ang kapal ko naman para mag assume pero nga sabi nila hangga't sa nabubuhay piliin mong taasan ang pangarap mo. Kahit kasing taas pa yan sa ma puno sa gubat.
"Nagkausap kayo ng Prinsipe? Ang lakas mo." Kinurot ko si Valerie, baka marinig pa ng Hari ang mga sinasabi niya tungkol sa kaniyang anak kaya baka imbes na makauwi kami ay didiretso na kami sa bilangguan.
Wait.
Baka pwede?
Kung gagawa ako ng kasalanan, dadalhin nila ako sa bilangguan. At makikita ko si Mama, pero paano naman kami makakalabas e pareho na kaming nasa bilangguan.
"Please, Father" 'Yan lang ang narinig ko dahil kanina pa pala ako nagiisip.
"Healer, anong pangalan mo?" Tanong ng Hari. Sa simpleng tanong nanginginig na kaagad ako. siguro hindi lang ako sanay makipaghalubilo sa mga ganitong uri ng tao.
"Al-Alora po." Tumikhim ako "Alora Mistchieve."
"Anong gusto mo mangyari?"
"P-po? Gusto ko po ng Quar-" Napahinto kaagad ako nang napansin kong hindi pala ako ang tinatanong ng Hari.
Lupa lamunin mo na ako, lamutakin, kainin, swallow, kahit ano para lang mawala ako sa harapan ng Hari. Nakakahiya.
"I can see great potential in her, Father." Ngumiti saakin ang Prinsipe, sinuklian ko naman ito ng pilit lang na ngiti, "I want her to be a healer in the castle."
:D
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
FantasyAlora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...