Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko.
Pero gaya nga sa sabi nila. Ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan sa mga bagay na gusto mong makamit. Kahit gaano pa katagal ang paghihintay mo o gaano ka hirap ang pag-eensayo at pag-aaral ang ginawa mo, kung hindi pa ang tamang oras, hindi pa rin 'yan para sa'yo.
Sa huli, ang tadhana parin ang masusunod.
"Sigurado ka ba sa gusto mo?" Tanong ng Hari sa kanyang anak.
"Kung 'yan ang gusto niya, Father. Nandito sila dahil gusto nila maging trabahante dito diba?" Tinignan ako sa mata ng Prinsipe. Hindi ko mapigilang umiwas dahil hindi ko talaga alam ang gagawin kundi tumayo at makinig sa pag-uusap nila.
"Alora Mistchieve, I herby decalare you an offical healer in the castle." Ngumiti ako at nag bow, may sinabi pa ang mahal na Hari kagaya kung sino ang lalapitan ko para matignan kung saan ako i-aasign bilang tagapag gamot. Meron pala nun?
"Friend ang saya ko!" Niyakap ako ni Valerie nang makaalis na ang Hari at pumasok. Ang mga iba naming kasamahan ay nasa loob na ng karwahe, naka kunot ang noo sa 'di maipaliwanag na dahilan. Galit ba sila?
"Sa-salamat, pero paano ka?" Alalang tanong ko sakanya matapos itong magbitaw ng yakap.
"Wala 'yon babalik din ako sa village, 'wag kang mag-alala. Babantayan ko ang bahay niyo." Ngumiti ito, "Sana tagumpay ka sa plano mong makausap ang mama mo." Niyakap niya ako at tumalikod na at sumakay sa karwahe kung saan nanghihintay na rin ang mga ibang manggagamot na makauwi.
Nagumpisa nang maglakad ang kabayo at tinignan ko lang ito hanggang sa makababa na sa bundok. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin, siguro kailangan ko muna hanapin 'yung pinaka head ng mga trabahante para malaman kung saang parte ako ng kastilyo gagamot.
Hindi ko namalayan na nakatayo parin pala ang Prinsipe sa harapan ko. "Sa-salamat po ulit, nang dahil sayo nakapasok po ako dito." Sinabayan ko ito ng bow.
"Walang anuman, enjoy working here." Ngumiti ito nang matipid at agad nang pumasok sa loob.
Andami nang bumagabag na tanong sa isipan ko. Bakit ganon nalang ang pagkamatay ni Clarissa. Dahil ba sa pagkabigla? Impossible dahil bakit nagka seizure na ito. Kailangan ko nang makausap si Mama.
Tirik na tirik ang araw kaya dumiretso na ako sa loob. Gan'on lang din naman ang estado sa loob, tahimik na akala mo walang mga bunganga ang mga trabahante. Patuloy lang sila sa sarili nilang mga gawain.
Dumiretso ako sa kusina dahil doon ang pinaka maingay. Kailangan kong hanapin si Dorothy, ang puno ng trabahante. Sa dami-daming trabahante dito malay ko kung sino sakanila si Dorothy.
Kailangan kong ma trim down ang option ko kung sino ang lalapitan. Malamang hindi lalaki sa pangalan pa lang, at dahil siya ang puno sa malamang baka matagal na siyang nagtatatrabaho dito, so may kaedaran na? Mag resign nalang kaya siya? Pero ang pangalan niya hindi pang matanda.
"Seejay, magpabaga ka na!"
"Opo, madame."
Lahat sila ay parehas ang suot, ternong puti na palda at longsleeve sa mga babae na may aapron na kulay itim at tela sa ulo na kulay puti. Habang sa lalaki naman ay kulay puting longsleeve at short lang.
"Saan mo 'yan dadalhin?" Hinarangan niya ang isang katulong na may dala-dalang basket na puno ng tela.
"Sa labahan ho, madame."
"Bilisan!"
"'Wag lalampa-lampa!"
Siya lang ang naiiba sa suot nilang mga trabahante. Baliktad naman ang kulay nito, itim na longsleeve ang suot niya at puting aapron. Ito siguro si Dorothy. Hindi siya mukhang matanda na inaasahan ko ha.
BINABASA MO ANG
The Tip of A Poisoned Dagger
FantasyAlora Mistchieve, a daugher of the famous and veteran healer in the island of Mendron. Just like her mother, she is well equiped with knowledge and skills to create herbal medicines, however, the key factor in creating the medicine requires magic in...