KABANATA 1 (PANIMULA)

20 1 0
                                    

MALAKAS na bugso ng ulan na sinasabayan ng malakas na pag-ihip ng hangin, makulimlim at tila galit na galit ang kalangitan, nakakakilabot. Nakakasuka rin ang malansang amoy na nagmumula sa nagkalat na dugo sa paligid, pati na ang mga pinagpira-pirasong katawan ng mga taong wala ng buhay. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari at kung nasaan nga ba ako.

Nagising na lamang ako na nakagapos sa malaking tipak ng bato habang walang kahit anong saplot sa katawan. Bukod do'n, napansin ko ring napapalibutan ako ng mga taong nakaluhod malapit sa pentagram na nakaguhit sa lupa. Nakasuot ang mga ito ng mahaba at itim na salakot.

Pakiwari ko'y nasa loob kami ng isang yungib. Madilim at napakainit. Tanging mga ilaw lamang na nagmumula sa nakasinding sulo at mga itim na kandila ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Mayamaya lang ay nagulat ako nang mapasadahan ng tingin ang bangkay na naaagnas sa aking tabi. Nagsisisigaw ako sa takot. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng bangkay nang malapitan.

Mayamaya pa ay tumayo ang isa sa mga taong nakaluhod at lumapit sa akin. Sa tingin ko ay ito ang kanilang pinuno. Hindi ko siya magawang makilala sapagkat nakasuot siya ng maskara na may mukha ng aso.

"Manahimik ka kung ayaw mong putulan kita ng dila!" Pagbabanta niya sa akin na inilabas pa ang hawak na patalim.

Kaagad naman akong natahimik at pinukulan ito ng masamang tingin.

"Manahimik? At sino ka para utusan ako?" Galit kong sabi. Ngunit tila bingi ito at sinasadyang hindi ako pansinin. Patuloy lamang ang mga naroon sa pag-usal ng banyagang lenggwahe na hindi ko naman maintindihan.

"Pakawalan ninyo ako! Ano bang kailangan ninyo sa akin?" Pagpupumiglas ko. Sinusubukan kong kumawala sa pagkakagapos. "Hindi tama ang ginagawa ninyong."

Ngunit sa halip na sumagot ay mas lalo lamang nilang nilakasan ang ginagawa nilang pagdarasal.

"Mondeyo Domine: vivifica me filii in locum, qui est in conspectu Dei vos virginem"

"Mondeyo Domine: vivifica me filii in locum, qui est in conspectu Dei vos virginem"

"Mondeyo Domine: vivifica me filii in locum, qui est in conspectu Dei vos virginem"


Wala akong ideya sa kung ano bang sinasabi nila. Basta ang alam ko, kinakailangan kong makawala at makaalis sa lugar na ito. Natatakot ako- natatakot ako sa mga bagay na maaaring mangyari. Natatakot ako para sa aking sarili.

Hindi nagtagal ay may lumitaw na makapal na usok mula sa pentagram. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nagkokorteng tao ang ibabang bahagi ng usok. Samantala, ang itaas naman ay tila sa aso na may tatlong ulo. Kinilabutan ako sa mga nasasaksihan ko, hindi ako makapaniwala.

Sandali kong inilibot ang aking paningin, nagbabakasaling may taong sasaklolo sa akin. Nanginginig na ako dahil sa pinaghalo-halong emosyon na aking nararamdaman.

"Kunin ang bihag!" Utos ng lalake sa maawtoridad na tinig. Kaagad namang nagsitalima ang dalawang kalalakihan at mabilis akong kinalagan ng tali. Ang buong akala ko'y pakakawalan na ako ng mga ito, ngunit nagkamali ako dahil mas lalong humigpit ang pagkakahawak nila sa akin.

"T-teka, a-anong g-agawin ninyo sa a-akin? S-aan ninyo ako d-adalhin?" nauutal kong tanong. "A-no ba, n-asasaktan ako!"

"Magbigay pugay ang lahat sa ating Panginoong Cerberus!" Pagkasabi niya no'n ay kaagad na kumidlat at kumulog ng malakas. "Magsitayo kayo at sambahin ang katiwala ng impiyerno!"

Kasunod no'n ay nagsimula nang patunugin ang malaking tambol na lumilikha ng kakaibang uri ng musika. Kung ilalarawan ay tila ba magkakaroon sila ng kasiyahan. Ang ilang mga kababaihang kanina lang ay nagdarasal, ngayon ay nagsipagtayo at sinasabayan ang saliw ng tugtugin. Tila sila mga ahas na sumasayaw sa sobrang lambot nilang gumiling.

HELL HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon