Chapter 1

381 39 4
                                    

Thea's  POV

"Nakakainis." himutok niya bago inayos ang pag bitbit sa suot na bridal gown.

Kingina kasi iniwan na siya ng mga kaklase niya. Nagpaalam naman siyang magbabanyo lang pero pag labas niya sa Jollibee ay wala na ang mga kaklase niyang kasama niya kanina.

Wala pa naman ang pamalit niya dahil naiwan iyon sa kotse nang isa niyang kaklase. Kung bakit naman kasi siya ang natalagang maging runaway bride sa video na sinoshoot nila kanina para sa assignment nila sa prof nila bukas.

"There you are." biglang sabi nang boses sa likuran niya.

At bago paman siya makapagsalita ay biglang may humawak na sa kanya sa magkabilang braso at ganun nalang ang pagkatigagal niya ng kargahin siya ng dalawang lalaki at nasa likod naman nila ang apat pang lalaki.

"H-hoy sandali sino kayo?" she asked pero inignora siya ng mga ito at kahit at kahit anong palag niya ay di siya binitiwan ng dalawa hanggang sa makapasok sila sa isang Van.

"Sino kayo?"tanong niya nang makapasok sila sa Van.

Kahit subrang kaba ng puso niya ay di niya mapigil ang tingnan ang anim na lalaki sa harap niya. Bwesit bat ang gwapo naman ng mga kidnapper na to?

"Fck sino ka?"biglang tanong ng lalaki na sa gilid niya.

"Hala eh bat ako ang tinatanong mo? eh kayo yung biglang nanghila sa akin dito ah."sabi niya na ikinatinginan ng mga ito sa isat isa.

After awhile ay sunod sunod na mura ang nadinig niya. mga baliw ata ang mga lalaking to.

"Call Luis, fck Sandro will kill us." sabi ng mukhang amerikano sa gilid niya.

Tumango naman ang nasa tabi niya at kinuha ang cellphone nito pero bago paman ito makatawag ay may message na itong natanggap na ikinamura nito ng malakas.

"Ivy runaway with Clint. Fcking b!tch." sabi nito bago ikinabaling sa kanya. "What's your name?"

Dahil sa takot na baka siya ang pag initan nito ay agad siyang napasagot dito. "A-althea Alcantara." sabi niya na ikinatango nito.

Tiningnan nito ang ibang mga kasama nila sa Van bago ito bumaba at may tinawagan habang ang lima naman ay mataman siyang tinitigan.

"B-bakit?"kinakabahan niyang tanong.

"Did you runaway from your wedding?" tanong nung isa na ngayon lang nagsalita.

Tigas siyang umiling. Tumaas ang kilay nito  na tipong hindi naniniwala. "Totoo, gumagawa kasi kami ng project video para sa prof namin bukas tas ako ang bride sa video." sabi niya bago napalunok.

Magsasalita sana yung katabi niya ng bumukas ang Van at pumasok yung may tinawagan kanina. "That b!tch will put Sandro's name in shame." sabi nito.

"Are you single? No boyfriend or husband?"tanong nung nasa gilid niya .

Tumango siya na ikinatingin ng anim sa isat isa. At ganun nalang ang kabog ng puso niya ng may bumakas na ngiti sa mga labi ng lima habang nakatitig sa kanya.

"I have an idea." sabi nung mukhang kano. At mukhang hindi magandang idea ang nasa isip nito.

"I think we know what you're thinking." sabi ng katabi niya yung may kinausap sa cellphone sa labas kanina.. "Hi Im Leroy." sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya.

"I'm Dark," sabi naman ng mukhang kano.

"Chazer here." sabi nung di palasalita.

"Adam is my name." Sabi nung may  green ang mata.

"Klaine." Sabi nung isa na may dimple sa pisngi.

"And im Blaine." sabi nung katabi niya sa kabilang side.

"Okay." sabi niya bago tumingin kay Leroy. "Ahm pwede na ba akong bumaba? Hindi ko alam kung ano ang pakay niyo sa akin pero diko kayo kilala." sabi niya.

Huminga ito ng malalim bago tumingin sa mga kaibigan nito, then he look at her na ikinalunok niya.

"Althea, may hihilingin kami sayo." sabi nito na ikinakunot ng noo niya.

"Ano?"

"Pakasalan mo ang kaibigan namin."sabi nito na ikinanganga niya.

"Ano????!!"

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Babayaran ka namin, just please show up in the church and marry our friend." Blaine said.

"Ayaw ko!!!"


---------------------

"Tangina."bulong niya habang mahigpit ang kapit sa bulaklak sa kamay niya.

Bwesit na mga lalaking yun, kinonsensiya pa siya, huminga siya ng malalim bago inalala ang nangyari kanina sa Van.

"Please Althea ikaw nalang ang pag asa namin, we can't let Sandro kill himself dahil sa subrang kahihiyan dahil sa di pagsipot nang bride niya." Klaine said at nagsitango naman ang apat.

"Yes please Althea, this will all just be pretend. A fake marriage. Just please kahit magkano magbabayad kami magpanggap kalang na bride ng kaibigan namin."Adam said.

"eh asan ba kasi ang bride niya?"

Nagtingin ang anim bago napasimangot. "Sumama sa ibang lalaki." sabay sabay na sagot ng mga ito na ikinasinghap niya.

"So please Althea, maawa ka sa kaibigan namin."

At ito na nga siya ngayon nakatayo sa labas ng simbahan at hinihintay na bumukas ang pinto para makapasok siya. Hindi niya mapigilan ang maawa sa groom, kinginang babaeng yun hindi lahat ng babae napapakasalan pero si ate mong girl nagloko na nga iniwan pa ang groom sa mismong araw na to. Tsk subrang nakakaawa talaga.

When the door finally open ay automatikong ngumiti siya para makita ng mga tao na masaya siya. Damn buti nalang may tinawagan sina Leroy na ayusan siya ulit para di naman siya mukhang bride na marungis.

She took her first step at kahit nagtataka kung bakit  may mga kamera sa magkabilang gilid niya ay ipinagsa walang bahala niya iyon at tumingin nalang sa harap ng altar para lang matigilan sa nakita.

Hala ito ba ang groom niya? Bat ang gwapo???

Nagkatitigan sila at kita niya ang pagkunot ng noo nito bago ito bumaling sa mga kaibigan nito na nakatayo sa likuran nito. She saw Dark whisper something sa lalaki bago ito tumango at ibinalik ang tingin sa kanya.

She took another step at nung nasa gitna na siya ay napatigil siya sa paglalakad nang maglakad ito palapit sa kanya. And when he stop infront of her ay nadinig niya ang bulungan ng mga bisita.

"Ilang taon kana?"Mahina nitong tanong.

Jusko po pati boses yummy.

Napalunok siya bago sumagot. "Bente."

Tinitigan siya nito bago ito nagmura ng mahina. At ganun nalang ang gulat niya nang hilahin siya nito patungong altar na ikinagulat ng mga nasa simbahan. At ng tumigil ito sa altar kasama siya ay tumingin ito sa pari at nagsalita na ikinanganga niya at ikinatawa ng mga taong nakatingin sa kanila.

"Faster father, marry us now bago pa ako takasan nito."

Her Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon