Althea's POV
Kanina pa nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa painting sa loob ng opisina kung nasaan siya ngayon.
"Do you like the painting? One of the most expensive things here in Sandro's office." Biglang sabi ni Blaine sa likuran niya.
"Magkano to?" She asked.
"Probably 5 million pesos." Sagot nito na ikinanganga niya.
Putik pano naging mahal to eh parang bata ang nagpinta nito. Parang inekis ekis lang ang brush tas pataas pababa na pahid na sure siyang kayang gawin ng mga batang kapitbahay niya. Napanguso siya at pinagmasdan ulit ang painting. Tsk ganito na pala ang painting ngayon, makagawa nga minsan.
"I would really appreciate it if you sit down infront of us now , other than wasting your time looking at that painting."
Napalingon siya sa nagsalita at napabuntong hininga ng makitang si Sandro ang nagsalita. Ang lalaking asawa niya kuno.
"Eh buti na yong oras ko ang maubos kesa sayo na naglulustay ng pera sa painting na parang gawa ng batang bored." Sabi niya na ikinatawa ng mga kaibigan nito.
"Tsk. Sit here." Utos nito sabay turo sa pang isahang silya sa harap nito at ng mga kaibigan nito.
She followed him at napangiwi ng makitang nakatitig na sa kanya ang pitong lalaki. Ipinagpapasalamat talaga niya na ipinagpalit siya ng mga ito nang damit kanina. Dyahe namang rumampa sa opisina nito nang nakagown noh.
After ng kasal nila ay binitbit siya ni Sandro sa lugar nito at sumunod naman ang mga kaibigan nito sa kanila.
"Now tell us, anong kabayaran ang gusto mo." Sandro said bago siya tinitigan. "Thank you by the way for helping me out there Althea." Sabi nito na ikinangiti niya.
"Yan bayad kana." She said na ikinataka ng mga lalaki. "A simple thank you is enough." She said bago tumingin sa mga mata nito. "Ayaw ko ng taong naaagrabyado mapa lalaki o babae man."
Napaawang ang labi nito kaya bumaling siya sa mga kaibigan nito.
"Pero pwede pahatid ako sa bahay namin? Malayo na kasi to sa bahay namin at wala akong pamasahe." She said sabay kamot sa pisngi. "Isa pa pwedeng makikain kahit biscuit lang? Gutom na din ako. Breakfast lang kinain ko at alas syete na nang gabi. Kinakain na nang large intestine ko ang small intestine ko." Sabi niya na ikinatawa ng apat na lalaki habang si Sandro, Dark at Chazer ay walang emosyon na nakatingin lang sa kanya.
"Damn. We're sorry about that. Wait up, I'll order some food for us." Adam said bago ito tumayo at lumabas ng opisina ni Sandro.
"No."
Napalingon siya kay Sandro nang magsalita ito. "Ha?"
"I said no, hindi ka uuwi sa bahay mo." Sabi nito na ikina gulat niya.
"Hala bakit?"
Napabuntong hininga ito bago tila nangumsyumi na tiningnan siya. "Mag asawa tayo, may mag asawa bang sa magkabilang bahay nakatira?" He asked na ikinakunot noo niya.
"Nge eh pekeng asawa mo lang ako ah." She said na ikinatingin nito sa mga kaibigan nito.
"They didn't tell you?" He asked.
"Tell what?"
"That the wedding is real and so is the marriage contract that you signed." He said na ikinalaki ng mga mata niya.
"ANO???" sabi niya kasabay ng pag tayo.
Humalikipkip ito bago nagsalita. "You heard me. Our wedding is real and as of now..." he said bago may inabot na remote at ini on ang tv at napunta agad sa news ang palabas.
(Sandro Porter is now married to a woman named Althea Alcantara. The two tie the knot today around three in the afternoon. An as what the news learned she is the secret girlfriend of Sandro and all the gossips about him and the woman named Ivy Lopez were all false.)
Hanudaw????
Napatingin siya sa lalaki na tila bored na nakatingin sa kanya.
"You heard it right." Sabi nito kaya napatingin siya sa mga kaibigan nito.
"Wala to sa usapan." She said.
Dark shrugged his shoulder bago ito ngumisi.
"Sorry, but my assistant registered the marriage contract after the wedding."
"Baka pwede pang palitan? Diba yung Ivy ang pangalan sa marriage contact."
"I replace it Althea to your name." Dark said. "And I am a lawyer, so I notarized it too." Kaswal nitong sabi.
"Tangina." She said bago tila nanghihinang napaupo. "May asawa na ako?" Kausap niya sa sarili bago tumingin kay Sandro na kunot noong nakatingin sa kanya. "Tangina."
"Can you stop cursing? Kababae mong tao napaka palamura mo." Sabi nito na umani ng irap sa kanya.
"Wala kang pake kung mag mura man ako. Letse ang bata ko pa. Paano ang pag aaral ko?"
"You can still go to school. I will not stop you from doing that. All I want is for you to live with me in my house. People know now na mag asawa tayo. I don't want any gossip in my life right now."
Napasimangot siya bago napatitig sa mga mata nito. Malungkot iyon kahit walang expression ang mukha nito. Siguro malungkot to dahil iniwan ng totoong girlfriend sa araw ng kasal.
"We will act as husband and wife for atleast eight months. Then after that we can file a divorce. I'll pay you to have a good life but since you already agree to marry me awhile ago might as well do it all the way."
"Paano ang dangal ko? Mag sesex ba tayo?" Tanong niya na ikinalaki ng mga mata nang mga lalaki.
"Althea! You don't talk like that infront of us men." Sandro said.
Inirapan niya ito bago siya humalikipkip. "Anong masama sa tanong ko? Gusto ko lang makasiguro. Hindi ko isusuko sayo ang bataan." Sabi niya na nagpakunot ng noo nito na tila di na gets ang sinabi niya habang napatawa naman sina Leroy.
"Whatever. So are you saying yes or no?"
"May magagawa paba ako? Eh nabalita na nga sa tv diba? Tangina sana di nalang ako umihi sa jollibee. Bwesit." Sabi niya.
"You talk too much." Sandro said.
"Wala kang pake."
Chazer look at the two of them sabay hawak sa baba nito.
"Hmm, you two is interesting. Mukhang mapapalaban ka sa isang to brother." Sabi nito kay Sandro na di naman niya gets.
Ewan, isa lang naman ang problema niya ngayon. Yun ay ang gutom na siya. Mamaya na siya mag iisip ng maayos pag busog na ang tiyan niya.