Althea's POV
"Good morning."
Agad siyang napahinto sa paglalakad dahil sa nagsalita sa likuran niya.
"Ahm Good morning." She said bago napakagat labi.
Jusko mama bat po ang gwapo nito sa umaga? Nakafull outfit na ito ng pang opisina at tingin palang alam mong mabangong mabango na.
After nilang makuha ang mga gamit niya sa apartment niya kagabi ay dinala na siya nito sa napakalaking bahay na pag aari nito. Buti nalang nasa probinsiya mga magulang niya kaya hindi hassle ang pag lipat niya.
And yes they sleep in a separate room. Magkatabi lang naman ang kwarto nila pero atleast di sila magkasama.
So far sa ilang oras na nakasama niya ang lalaki ay masasabi niyang tahimik at suplado ito. Napansin niya na hindi ito palangiti pero pag sa kanya eh ngumingiti naman kahit saglit.
"Come on lets have breakfast and I will send you to school." Sabi nito sabay hawak sa bewang niya at iginiya siya patungong kusina.
Iba din talaga ang mayayaman no? Breakfast lang kakainin nila pero ang daming pagkain sa ibabaw ng mesa. Eh siya nga kape at tinapay lang solve na.
"Go eat, and if you need anything just tell nay luz." Sabi nito bago ito umupo ng maayos sa pinaka sentrong upuan.
"Ahm may kasama ba tayong kakain?"she asked na inilingan nito bilang sagot. "Hala eh bat ang daming pagkain?"
Napakunot noo ito bago tumingin sa mesa. "I don't know, asked the cooks and Nanay Luz." Sabi nito na ikinanganga niya.
When she look at nanay luz ang mayordoma sa bahay na to na nakilala niya kagabi ay ngumiti lang ito bago nagsalita.
"Di kasi namin alam kung anong gusto mong breakfast ma'am kaya yan niluto ng cook namin." Sabi nito na ikinalunok niya.
"Stop worrying about it, just eat Althea ." Sandro said bago ito naglagay ng tinapay sa plato niya. He then place some eggs, ham and hotdog in it na ikinatingin niya sa lalaki. "What?"
"Diko yan maaubos." Sabi niya na ikinakunot noo nito.
"Kaya payat ka. Well wife you better start eating and finish all that bago kapa malate sa school mo." Sabi nito na ikinatingin niya sa relo.
May isang oras pa naman pero kung pagbabasihan ang traffic sa manila eh talagang malelate siya.
She start eating and when she's done ay agad na tumayo si Sandro at sinabayan siya sa paglabas ng bahay.
He guide her to his car at nang masigurong nakaseatbelt na siya ay tsaka lang nito pinaandar ang kotse.
While looking around inside the village kung saan ito nakatira ay napapalunok nalang siya. Masion ang mga bahay sa paligid nila at hindi niya aaklain na may ganitong lugar sa pinas.
"Sandro?"
"Hmm?"
"Kaano ano mo ang may ari ng Porter corporation?" She asked.
Ngayon niya lang naalala na magkatulad ang apelyido nito sa isa sa pinaka sikat na kumpanya sa buong asya. That company almost have everything, hotels, airlines and restaurants.
"I owned it why?" Taka nitong tanong na ikinalaki ng mga mata niya.
Bakit ba eh sa nagulat siya at nung nagpunta naman sila sa opisina ng lalaki ay di naman siya aware sa paligid dahil naka focus siya sa pag uusap nila at ng mga kaibigan nito.
"Omg." She said na ikinabaling nito sa kanya. "Bilyonaryo ka?" She asked na ikinangisi nito.
"Yes sweetheart."
At napalunok nalang siya sa nadinig. Di na siya nagsalita pa ulit dahil baka magulantang na naman siya sa mga malalaman niya. Kaya pala afford nitong bumili ng painting na parang bata ang gumawa at milyon ang halaga.
"Andito na tayo." Sabi nito pagkapark ng kotse sa parking ng paaralan niya na inalam nito kagabi.
Kitang kita niya ang paglibot ng tingin nito sa paligid kaya nagsalita na siya.
"Scholar ako dito." She said na ikinatingin nito sa kanya. "Huling taon ko na kaya ilang buwan nalang titiisin ng mga tao dito na makita ako." She said bago bumaba ng kotse.
Magpapaalam sana siya ng bumaba din ito na ikinagulat niya.
"Are they bullying you?" Tanong nito ay agad siyang umiling.
Wala namang nambubully sa kanya ng harapan puro parinig lang. eh kasalanan ba niyang maging natatanging scholar sa paaralan na puro mayayaman ang nag aaral? Tsk
"You sure?" Tanong nito ulit at tumango.
"Yes. May nagpa parinigan lang pero wala namang nang aaway talaga. Sige na alis kana. Baka malate ka." She said na ikinatitig nito sa kanya.
"Althea?"
"Bakit?"
Huminga ito ng malalim bago umiling at sa gulat niya ay hinila siya nito payakap bago hinalikan sa noo.
"Take care please. And call me if something bad happen here." Sabi nito bago may kinuhang cellphone sa likod ng kotse. "Here use this. The only number on the contacts is mine and my friends. I will pick you up later para sabay na tayong umuwi." Sabi nito bago pumasok sa kotse nito. "Bye sweetheart."
Bago paman siya makasagot ay umalis na ang kotse nito at naiwan siyang tulalang nakasunod ng tingin dito.
When she get into her senses ay napatingin siya sa hawak at halos mabitiwan niya iyon ng makitang bagong model na cellphone ang hawak niya. Jusko ang mahal nito.
Ingat na ingat niyang nilagay iyon sa bag niya at nung tumingin siya sa paligid ay halos mapaatras siya ng makita ang halos lahat ng estudyante sa parking lot area ay nakatitig sa kanya.
Nalintikan na.