Chapter 3

260 36 4
                                    

Althea's POV

"Diyos ko po, bat po naging ganito?" Bulong niya habang nakapikit at kuntodo hawak sa pinto ng kotse. "Ano pong kasalanan ang nagawa ko para maparusahan ako ng ganito? Bata pa po ako lord, ni hindi niyo man lang ako pinag boyfriend."

"Are you ok?"

Napamulat siya bago umayos ng upo. And when she look at the man beside her ay napakagat labi siya.

Ay ok na pala ako sa asawa ko lord kahit walang jowa jowa. Biglang sabi ng isip niya habang nakatitig padin sa gwapo nitong itsura.

"Althea?"

Napakurap siya bago tumango. "A-ano ok lang." she said bago siya umatungal ng iyak na ikinagulat nito kaya nakapag break ito ng di oras at dahil di siya nag seatbelt ay nahampas ang katawan niya sa dashboard ng kotse.

"Aray."

"Fck, damn it." Sabi nito bago siya hinila at tiningnan. "Are you ok?" Tanong nito. "Bat ka ba kasi umiyak ng malakas."

Napalabi siya bago umiyak ulit ng malakas. Di bali nang matawag na bata eh sa bata pa naman talaga siya kumpara sa lalaking kaharap niya.

"Wahhhh di naba talaga mabovoid ang kasal natin? Bata pa ako sir, bente palang ako. May pangarap ako jusko ang pangarap ko naging bula na." Sabi niya.

"Stop crying." Sabi nito kaya napasinok sinok siya. Huminga ito ng malalim bago siya tinitigan. "I'm really sorry for dragging you into this mess Althea , but as what I said in the office kanina this will only last for eight months. Please just for those months help me Althea ." Sabi nito sa nagmamakaawang boses.

Napanguso siya bago sumagot. "Ayaw ko man pero umoo na ako diba? Pero paano ang pag aaral ko? Anong sasabihin sa akin ng mga magulang ko at nakakakilala sayo at nung jowa mong tumakas sayo? Ang gulo naman kasi nito eh, bat ba kasi Tinakasan ka ng jowa mo?" Sunod sunod na tanong niya.

Napabuntong hininga ito bago napailing. "I myself don't know the answer to that. Maayos naman ang usapan namin kahapon tas ito na nga." Sabi nito bago sumandal sa upuan nito.

Maghahating gabi na at sasamahan siya nito sa tinitirhan niya para kunin ang mga gamit niya.

They talked already with his friends. She can't do anything now since her marriage to him is legal. Tanginang Dark yun ang bilis napalitan ang pangalan sa marriage certificate sa kasal kaya ito siya ngayon may asawa ng tunay.

Anyway they planned to stay married for eight months. And after that sasabihin nalang na di nag work ang kasal nila. Kingina dinaig pa ang teleserye eh, sinong mag aakala na nangyayari ang mga ganito sa totoong buhay?

"Oo na. Go na to. Wag muna lang akong pansinin dahil nasashock padin talaga laman loob ko sa nangyayari sa araw ko ngayon." She said na ikinakunot noo nito.

"You have a weird way of saying words to express what you feel." Sabi nito bago inilahad ang kamay sa kanya. "I'm sorry if this happened Althea but I'm really glad that you came and save my ass today." Sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya. "Let's start all over, my name Sandro Porter, your husband."

Sa di malamang dahilan ay napangiti siya. Ang weird nila ng lalaking to. Ngayon lang sila nagpakilala ng maayos sa isat isat after few hours since they got married.

Inabot niya ang kamay nito bago nakipagkamay dito. "Althea Alcantara Porter, the wife." She said bago napanguso na ikinangiti nito.

Bat ganun? Bat ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakatitig sa gwapo nitong mukha na nakangiti.

"Wag kang ngumiti." Bigla niyang sabi na ikinawala ng ngiti nito.

"Why?"

Namula siya bago nag iwas ng tingin.

"Basta."

Her Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon