Chapter 1-Little Sky

3 0 0
                                    

POV VIN:
Isang jeep ang pumarada sa tapat ng kanilang gate habang naglalaro siya ng basketball. Tinigil niya ang paglalaro at tiningnan ang mga bagong dating. Isang batang matabang babae ang una nyang nakitang bumaba ng jeep. May bitbit itong isang kahon at may daladalang malaking bag. Sunodsunod na ring nagsibaba ang sakay ng jeep. Isang babae na halos ka edad ng mommy nya, marami din itong bitbit na mga gamit. Habang nagmamasid siya sa mga naglilipat di na niya namalayan ang mommy nya na nasa likod na pala niya at nakikiusyoso na rin

"sila pala yung bagong lipat dyan sa tapat...mukhang galing probinsya...ang daming gamit" pagkausap pa nito sa sarili.

"Vin, pumasok ka na sa bahay at kakain na tayo."

"Ma, busog pa po ako..."

"Busog? Anong kinain mo hangin? Nakuuu pumasok ka na nga sa loob baka mapagalit mo pa ko. Pasok!"

Napakamot na pumasok sa loob ng bahay si Vin.

POV SKY:
"Sky anak ilapag mo na lang dyan ung mga kahon. Tulungan mo ang kuya mo sa labas marami pa tayong kailangang mahakot dito sa loob" tumalima naman agad si Sky sa utos ng kanyang mommy Shane. Lumabas siya at natanaw niya ang magandang bahay sa tapat. 2-storey house na may magandang garden at may maliit na basketball sa gilid.

"kuya. Mayaman siguro yung nakatira dyan noh?! Ang laki at ang ganda ng house. Gusto ko paglaki ko magtatayo ako ng ganyang kagandang bahay."

"Naku sky ang liit mo pa ang dami mo ng sinasabi. Alam mo kung anong bagay sayo? Kargador! O buhat na dami pa nating ipapasok sa loob o!" sabay tawa ng kanyang Kuya Sid habang iniirapan niya.

Sa edad nyang 10 years old pangarap na niyang maging engineer o kaya naman ay piloto. Pero dahil mahirap lang sila di niya alam paano matutupad yung pangarap na yun. Lalo at iniwan sila ng daddy niya at sumama ito sa kumare ng mommy nya. Mabuti na lang at madiskarte ang mommy niya at caretaker sila ngayon ng bahay ng tita niya na nasa america. Kundi dahil sa tulong ng tita niya, wala silang matitirhan. At ang bongga pa nasa maynila na sila ngayon at sa isang magandang subdivision pa. Nakahanap na rin ng trabaho ang mommy niya bilang cook sa school canteen kung saan sila mag-aaral ng kuya niya. Private school daw yun sabi ng mommy niya kaya dapat daw galingan nila para di masayang ang scholarship. Consistent honor student naman siya sa mababang paaralan ng San Esteban pero di niya sure kung kaya niya makipagsabayan basta ang susundin lang niya ang bilin ng kanyang mommy na mag aral mabuti.

Nakapag-ayos na sila ng ilang gamit. May 3 kwarto ang bahay ng tita niya kaya saktong sakto sa kanilang 3. Yung maliit na kwarto ang sa kanya kulay peach ang loob nito. May kama, sariling closet at study table. Mula sa kwarto niya tanaw niya ang magandang bahay sa tapat. Kaya lalo niyang ikinatuwa ang napiling kwarto ng mommy nya para sa kanya.

Lumabas si Sky ng kwarto para hanapin ang mommy niya. Inabutan niya ito sa kusina habang naghuhugas ng plato niyakap niya ang ina sa likod.

"mommy, thank you po ah. Naging strong po kayo para sa amin..." naiyak sya habang sinasabi ito sa ina. hinarap siya ng mommy nya at pinahid ang kanyang luha...

"syempre naman anak, kayo ang inspirasyon ko. Lumalakas si mommy dahil sa inyo. Kaya ikaw batang tabachingching. Pumasok ka na sa room mo at magpahinga. Bukas ipagluluto kita ng puto at magbibigay din tayo sa mga kapitbahay kaya help mo si mommy ah. Kiss mo nga si mommy para lalo akong maging strong" hinagkan niya ang kanyang mommy shane at tumuloy na siya sa kanyang kwarto. Nanalangin siya at nagpahinga.

POV VIN:
Nakatanaw si Vin sa kabilang bahay. Mula sa kwarto niya kita roon ang kwarto ng batang babae. Nakita niya itong nag pray.

"mukha naman siyang mabait. Siguro pwede ko siyang gawing kalaro. Kung papayag si mommy. Pero masungit si mommy baka matakot yung bata. Tatanungin ko name niya bukas. Mag sleep na rin nga ako baka di ako tumangkad"

At inihiga na niya ang sarili sa kama at agad siyang nakatulog.

Love Letters in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon