Chapter 2 - Kapitbahay

4 0 0
                                    

POV SKY:
Nagising si Sky sa amoy ng mabangong puto na nakasalang sa steamer ng kanyang mommy. May mga nagawa na rin pala ito na kasalukuyang pinapalamig sa mesa.

"hmmm ang bango naman nyan mommy!" sabay upo nya sa lamesa at sinampolan na ang mainit-init pang puto.

"gutom ka lang yata eh! Sige kumain ka lang dyan at pagtitimpla kita ng hot chocolate. Tapos mamya tulungan mo si mommy mag pack nitong puto at ibibigay natin sa kapitbahay ha" di na nakasagot si Sky dahil namumuwalan ito sa dami ng sinubong puto nag two thumbs up na lang ito sa ina.

"Sky pagkatapos mo kumain gisingin mo na rin ang kuya mo ha. Para may kasama tayo pagdadala ng mga puto."

"ok mommy"

POV VIN:
Sa kapitbahay naman, nakaluto na rin si Mommy Divine ng breakfast. Egg, fried rice at bacon ang nakahanda sa mesa. May hot choco para kay Vin at kape naman sa mag-asawa. Si Lola Violet naman ay nag ta-tsaa lang sa umaga at mainit na pandesal. Ang bunsong kapatid ni Vin na si Jea ay 11 months old palang kaya mashed vege ang pagkain nito. Ito ang pangkaraniwang araw sa bahay ng mga Serrano.

Habang nasa hapag nabanggit ng mommy niya ang plans sa 1st Birthday ni Jea.

"Hon, sa clubhouse na lang natin ganapin ang birthday ni bunso. Next month na yon at gusto ko na maging special ang lahat." bakas ang excitement sa mukha ni mommy divine habang si Lola at Vin ay patuloy lang sa pagkain.

"Okay hon, sayo ko na pinapaubuya yan.. You know me, ang dami laging trabaho sa opisina. Just limit your budget wag naman sobrang gastos" sabay higop nito ng kape. Magsasalita pa sana si mommy Divine ng biglang may nag doorbell.

"at sino naman kaya yang kay aga-agang nang iistorbo?!" tumayo si Mommy Divine at pumunta ng gate.

Inabutan niya dito ang bagong lipat na kapitbahay.

"Hi Good morning? Bakit po kayo nandito?" medyo irita nitong bati sa mga kaharap.

"Good morning din po. Kami yung bagong lipat dyan sa tapat gusto sana naming makilala ang aming magiging mga kapitbahay kaya nagdala po kami nito" inabot ni Mommy shane ang kanyang ginawang special puto.

"ok, thanks. Byee" may pagkasuplada nitong sagot. Paalis na sana ang mag-iina ng Bigla namang lumabas Si Daddy James para sinuhin ang kausap ng asawa.

"Hon, sino pala sila?"
"Mga bagong lipat dyan sa tapat, nagdala nitong puto" inabot ni Mommy Divine ang kahon sa asawa na agad namang tinikman nito.

"wow! Ang sarap ho ng puto, gawa nyo po ba ito? Di nyo ho natatanong paborito ko ito. Tuloy muna po kayo at ipapakilala ko kayo sa pamilya ko. Hon, paki bukas ng gate." pinandilatan ni Mommy Divine ang asawa pero wala itong magaw kundi ang sumunod. Pumasok ang mag iina sa loob ng bahay at pinaupo sa sala.

" Kumakain kasi kami, di pa nga tapos. Kaya pasensya na kung di namin kayo ma-accommodate ng matagal. " wika pa nito kay Mommy Shane.

Ramdam naman ni mommy shane na di welcoming ang kaharap. Pero natutuwa na rin siya at appreciative naman ang mister nito.

Muling hinarap ni Daddy James an mga bisita.

"by the way po, ako nga pala si James Serrano at ito ang aking napakasweet na honey, si Divine. Teka tawagin ko lang si nanay at yung anak ko." pagbalik nga nito akay na niya ang isang matanda at karga ang isang baby girl at isang batang lalake.

"eto naman ang nanay ko si Violeta Serrano, lola violet tawag nila sa kanya at eto naman ang aking panganay, si Jaevin Serrano at ang aking bunso na si Jea Divina. Ang cute nya di ba?!"

"ay opo, kahawig po ni mommy divine...pareho po silang pretty. Ako naman po ang magpapakilala sa pamilya ko, ito po ang aking panganay si Sean Asuncion at ang aking princess na si Skynna. Ang pangalan ko naman po ay Shane kapatid ko po yung may ari ng bahay sa tapat. Caretaker lang po kami. Taga-San Esteban po kami sa Ilocos Sur po kami."

"kinakagalak namin kayong makilala." at kinamayan sila ni Lola Violet.

"Hindi na rin po kami magtatagal, maghahatid pa po kami ng puto sa iba nating kapitbahay. Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin Sir James." magalang na banggit ni Mommy Shane. Nagpaalam na sila at tumayo. Palabas na sila pero naiwan pa pala si Sky sa upuan. Nakangiti itong nakatitig kay Vin. Si Vin naman ay ilang na ilang at halos di makatingin kay Sky.

Bahagyang binatukan ni Sean si Sky." hoy tara na"

Nun lang tila natauhan si sky at namula ang pisngi nito sa sobrang pagkapahiya. Kumaripas ito ng takbo palabas ng gate.

Naiwan namang nangingiti si Lola Violet. "Naku apo, mukhang may nagkaka-crush na sayo"






Love Letters in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon