Malapit na ang fiesta ng patron ng kanilang village na si St. Agatha kaya naman maraming iniorganisa ang kanilang home owners association para maging masaya ito.
May streetfood bazaar tuwing gabi kasabay ng basketball tournament para sa kabataan.
Isa si Mommy Shane sa napiling participant at ang kanilang napiling ibenta ay ang best sellers nilang mga kakanin at mga palamig.
Unang gabi pa lang ay sobrang busy na ng kanilang stall. Sanay na sanay naman si Mommy Shane sa ganitong sistema dahil bata palang sa kakanin na sila binuhay ng kanilang ina, ang lola ni Sky na mas kilala bilang Aling Biring. Yun na rin ang pinangalan ni Mommy Shane sa kanilang munting negosyo Aling Biring's Specials.
Si Sky naman kahit sa murang edad mas pinipili nito na tumulong sa ina kesa maglaro. Ang kuya Sean naman niya ay may game mamya. Kasali ito sa basketball.
Dahil sa sobrang dami ng mga tao nagulat siya sa isang bumibili, Si Vin.
Sanay na sanay si Sky magbenta ng palamig pero pagdating kay Vin, nanginginig ang kamay nya.
"Pabili ng buko palamig yung large saka 1 pack daw na sapin sapin kay mom." napaka fresh ng amoy ni Vin, bagong ligo kaya naman napapikit pa si Sky habang inaamoy ito.
"hoy, ano bang ginagawa mo?" pag iwas ni Vin sa ginagawa ni Sky
"inaamoy ko lang kung ganyan din ba fabcon namin parang iba kasi... Saglit lang sa palamig mo.." tinakalan na nga niya ito ng buco palamig. At inabutan ng sapinsapin.
"ok na ba? Kung wala na eh... Thank you. Next!" sigaw ni Sky sa susunod na customer. Di na nagawa pang sumagot ni Vin halata namang tinaboy na kasi siya. Kaya pumunta na ito sa court.
POV VIN:
"Ang weird talaga ng Sky na yun...she's really something!" naiiling nyang pagkausap sa sarili.Tamang-tama naman ang dating niya sa court dahil sila na pala ang next game. Phase 2 warriors vs. Phase 4 unsinkables. Magka-team sila ng kuya ni Sky na si Sean.
Inabot ni Vin ang sapin-sapin sa kanyang mommy. As usual, kumpleto ang kanyang buong family bilang moral support. Sinenyasan na siya ni Coach para lumapit sa kanilang bench. Nandun na ang buong team. Nagtilian naman ang mga kabataang babae nang mapadaan siya sa gilid ng mga ito. Bahagya siyang nag blush dahil hindi talaga siya sociable na tao. Mahilig lang talaga siya sa basketball kaya siya sumasali sa acitivities ng kanilang village. Nagbigay na ng instruction ang kanilang Coach.
"Okay Team, eto ang ating first game. Simulan natin ng maganda. Let's give our very best effort para manalo. Kaya ba natin Team?!"
"yes coach" sigaw ng buong team.Nag-whistle na ang referee, kaharap na ni Vin ang Team Captain ng Phase 4. Sa jumpball, nakuha agad ni Vin ang bola. Pinasa niya sa kanyang kakampi. Agad silang nagkapuntos. At nagkasunod-sunod ang puntos na binibigay ng bawat player hanggang sa naging tambak ang score ng kalaban. Humanga din si Vin sa kuya sean ni Sky, likas itong shooter. Lahat ng ibato pasok.
POV SKY
Ito na ang eksenang inabutan ni Sky. Panay tilian ng mga kabataang babae sa tuwing nakaka shoot si Vin. Di naman nagpatalo si Sky. Akala mo girlfriend kuntodo hiyaw sa pangalan ni Vin. Napapatingin naman ang mga nasa paligid niya sa lakas ng boses niya.
"Go Vinnnnn!!!! Shoot!" kapag naman nalilingon si Vin sa gawi niya patay-malisya siya na kunwari sa iba nakatingin. Pero pag di nakatingin, nandung tumalon siya, pumalakpak, sumayaw. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niya kahit nagmumukhang cheap siya sa mga katabi, wala siyang pakialam.Natapos ang game at nanalo nga ang Phase 2. Lalapit sana siya kay Vin para i-congratulate ito pero naitulak siya ng mga babaeng kanina pa nanggigil sa kanya. Napaupo siya sa flooring ng court. Mabuti na lang at nandun ang Kuya Sean niya para itayo siya. Masama ang loob niya dahil parang nabalewala lahat ng effort niya. Di man lang niya nalapitan si Vin. Gusto niyang sapakin ang mga babaeng tumabig sa kanya. Kahit man lang mahila ang mga buhok nito pero di umubra ang tapang niya sa kuya niya. Hinila siya nito palayo sa lugar na yon.
"Sky, uwe na tayo."
"pero kuya, di pa ko nakakaganti sa mga babaeng yon eh! Pasapak lang kuya, isa lang promise!" binitawan ng kuya niya ang kanyang braso. Napaupo na naman siya.
"ano ba yan kuya masakit na balakang ko ah!"
"matapang ka di ba? Sige balik ka na dun makipag sapakan ka na sa mga babaeng yon! Tingnan ko lang kung di ka mabugbog ng mga yun. Ang liit mo pero ang tapang mo eh! Ampaw ka naman, natabig lang tumba na! Kaya uwe!!!!"
"okay fine uuwe na! Hummpphh!" inismiran at iniwan niya ang kanyang kuya at dali-daling naglakad pauwe.
BINABASA MO ANG
Love Letters in the Sky
RomanceMinsan may mga gusto tayong mangyari pero imposible na...Ito ang isa sa masakit na realization ni Vin habang pinagmamasdan ang bungkos na love letters na naipon nya mula kay Skynna Asuncion. Si Sky na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Si S...