Chapter 3 - Imbitasyon

4 0 0
                                    

POV SKY:

Isang linggo na ang lumipas mula ng lumipat sila sa Happy Valley Subdivision. Kahit di pa nagsisimula ang school nagkaroon naman ng raket si Mommy Shane sa pagbebenta ng mga kakanin, party packs, at mga packed lunch. Nagustuhan ng kanyang mga kapitbahay ang mga luto niya kaya naman nairerefer din sya sa iba. Naging sapat ang income nila mula ng malipat sa subdivision. Mababait din ang kanilang naging kapitbahay kaya naman hindi rin sila nahirapang mag adjust.

"Sky, anak paki abot nga sa akin yung box na nandyan sa ibabaw ng mesa. Ideliver ko lang sa may kanto kay Mrs. Narciso" palabas naman ang bagong gising na si Sky bitbit ang kulay red na box na may lamang mga assorted muffins. Gulong-gulo ang buhok nya, naka pajama, at palagay nya may tulo pa ng laway dahil di pa sya naghihilamos.

"Good morning po tita, pinapabigay po ni mommy at daddy." inabot nito ang isang sobre na may nakalagay na you are invited.

Pagkakita ni Sky kay Vin agad itong napatago sa likod ng mga halaman. Kahit kinabahan napangiti si Sky dahil nakita na naman niya ang cute na kapitbahay.

"Labas na dyan Sky, umalis na si Vin, inabot lang ang invitation. Bakit ka ba kasi nagtago?" pagtayo ni Sky nakita ng mommy nya ang kanyang di kanais nais na itsura.

"naku naman anak, kahit ako magtatago pag ganyan ang ayos ko. Pasok na sa loob at maligo!"

"yes mommy!" at dali-dali na rin siyang pumasok sa loob ng banyo.

Lumipas ang mga araw at sumapit na ang kaarawan ni Jea. Princess themed ang ayos ng buong venue, marami na ring mga bata ng dumating sila. Sinalubong sila ni Lola Violet. Nagmano si Sky at Sean sa matanda. Ngumiti ito at tinuro ang kanilang mauupuan. Wala pa daw ang family dahil may pa grand entrance pa.

Maya-maya nga ay may kulay pink na usok na lumabas sa may stage at kasama ng 2 paru-parong dancers ang pamilya nila Vin. Para silang mga tao na mababasa mo lang sa fairytales. Si daddy james at mommy Divine ay parang mga hari at reyna, habang ang cute namang si Jea ay naka princess gown na kulay pink with matching tiara. Pero ang mga mata ni Sky ay walang ibang nakikita sa mga sandaling yon kundi si Vin. Naka prince attire ito at napaka gwapo. Kaya kahit saan man magpunta si Vin para itong may magnet na kusang sinusundan ng kanyang mata.

"hoy sky baka naman tumulo na laway mo dyan" pang aasar ng kuya niya.

"mommy si kuya nga...!"sabay sumbong nya sa ina.

" hoy tumigil kayong dalawa nakakahiya ang daming tao...tama na sean ang pang aasar. " ngiti lang ang sagot ni sean kay Mommy Shane.

Nakakita ng ice cream cart si Sky sa di kalayuan ng hall.
"mommy, kukuha lang po ako ng ice cream" tumango lang si Mommy Shane dahil abala ito sa pakikipagkwentuhan kay Lola Violet.

Dahil sadyang may katakawan sa ice cream, lahat ng flavors ay tinikman nito. Chocolate, ube, cheese, vanilla, cookies n cream, at mango. Di pa niya natatapos maubos ang mango may di na magandang naramdaman si Sky. Tila kumukulo ang kanyang tyan at medyo masakit. Di niya namalayan na palapit pala si Vin at saktong kukuha din ito ng ice cream isang nakabibinging 'poooooottttt' ang umalingawngaw sa paligid. Hindi lang isa, dalawa, kundi sunod sunod na parang machine gun. Kapwa sila nagulat ni Vin sa nangyare pero sa halip na unahin ang hiya hinila niya ito habang tinatanong...
"saan ang crrrrr????!!!!" mabuti na lang at di kalayuan ang toilet at naibuhos ni Sky ang lahat ng sama ng loob. Sa kabila ng pagkataranta naibilin pa rin ni Sky kay Vin na sabihin sa Mommy niya na nasa toilet siya at sinakitan ng tyan.

Kinatok ng mommy nya ang cubicle na nakasarado. "sky anak ok ka na ba?"

"opo mommy." pawisan siyang lumabas. Inayos muna nya ang sarili.

"huhuluan ko ang nangyare nak, inubos mo yung ice cream ni manong???" marahang tumango si Sky.

"ahhahaa sabi ko na nga ba! Ano, gusto mo ba ulit ng ice cream? Mukhang nailabas mo na lahat eh. Amoy sari-saring flavor ang kapaligiran" sabay spray ng mommy ng cologne.

"Ayoko na po mommy...Nakakahiya po kay Vin" at namula ang mabilog nyang pisngi.

"Nahiya pa nga ang dalagita ko. Eh nalanghap na nya lahat ng utot mo. Hahaha tara na nga." lumabas na sila ng comfort room at bumalik sa mesa. Di na naman sumumpong pa ang tyan niya kaya na-enjoy nila ang masayang event.

Love Letters in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon