IV: Georgie

571 36 10
                                    

'JUN PLAN B!!!' sigaw ni Sam kay Jun.

'Ano kasi yung Plan B!?' sagot ni Jun. 

'Ah oo sige sige wait lang!'

Agad na nilabas ni Jun ang modified baygon spray mula sa bag niya at isa isang sinunog ang mga zombie na papalapit sa kanila ni Sam na pansamantalang pumigil sa mga zombie sa pagatake nila.

Tamang tama ang distraction dahil agad silang nakahanap ng pagkakataon na makalusot sa mga zombie.

'Jun, kailangan nating pumunta sa bahay ni Mang George.'

'Bakit kina mang George? Wag mong sabihing...' ngumigiting sabi ni Jun.

'ikaw talaga di naman kailangang ngayon ako ma-devirginize kailangan muna nating makapunta sa siguradong safe na lugar. Diba yun ang plano? ...pero kung yan talaga ang gusto mo aayaw pa ba ako?'

'Bolang!' sagot ni Sam.

'Anong pinagsasasabi mo Jun!? Pupunta tayo sa bahay nila dahil ang bahay nila ang pinakamataas sa buong street natin. Yun ang susi sa pagtakas natin dito.'

Pangatlong bahay mula sa bahay nina Sam ang bahay ni Mang George, siya ang dating tapat at magaling na Vice Mayor na ngayon ay nalaos na dahil sa bisyo.

Habang tumatakbo ang dalawa papunta sa bahay ni Mang George ay napansin nila na dahil sa ingay na ginawa nilang dalawa kanina ay dumami ang mga zombie kapitbahay na humahabol na sa kanila. Halos lampas sampu na ang mga humahabol sa kanila doble sa kanina, at mas dumadami pa.

Pagdating nila sa bahay ni Mang George ay sarado ang pinto at nakakandado kaya agad chineck ni Sam ang mga bintana ng bahay niya kung pwede silang sirain para makapasok na agad ang dalawa.

Habang sinusubukan sirain ni Sam ang isang bintana sa side ng bahay ni Mang George, ay padami ng padami ang mga zombie kapitbahay na lumalapit sa kanila.

'Jun, gumawa ka ng paraan para patayin ang mga zombie na papalapit satin! Kailangan ko lang ng ilang segundo para mabuksan 'tong bintana!' pagmamadaling utos ni Sam kay Jun.

Agad na nangalkal si Sam sa bag niya at nilabas niya ang itak at martilyo na iniwan ni Sam at isa-isa niyang binanatan ang zombie kapitbahay nang buong lakas. Ang bawat lumapit ay hinampas niya ng martilyo sa ulo at tinagpas ng itak naman ang iba. Bakas sa mga mata ni Jun ang kagustuhan niyang mabuhay at makatakas sa mga zombie na umaatake sa kanila.

Habang nagsisilbing diversion si Jun ay nabuksan ni Sam ang isang part ng bintana ng bahay ni Mang George. Pero masyadong makipot ang butas na nagawa ni Sam kaya agad niyang tinawag si Jun na binabanatan parin ang mag zombie kapitbahay.

'Jun tigilan mo na yan at pumunta ka dito bilis' pagmamadaling sabi niya kay Jun. 

'hindi ako magkasya sa butas na to! Mukang yang malahotdog na katawan mo lang ang magkakasya dito'

'Sabi na eh! Magagamit ko rin ang sexy body ko eh! Sige ako na ang bahala Sam basta wait ka lang okay!?' sabay pasok ni Jun sa siwang sa bintana.

Nang makapasok na si Jun sa loob nang bahay ay agad siyang pumunta sa may pinto para i-unlock ang kandado, agad siyang napigilan nang makita niyang ang daming iba-ibang lock ang naka-hook sa pinto ni Mang George.

'Jun! Bilisan mo! Dumadami na sila!' sigaw ni Sam habang hinahampas niya nang tubo ang mga papalapit na zombie sa kanya.

'pag tumagal pa 'to magiging meryenda ako nang hindi oras!'

Zombie sila Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon