X: Project Zombie?

493 23 5
                                    

Alam na agad  ni Sam kung ano ang mga kailangan niyang kunin sa loob ng hardware: Utility Vest, Chain Mail Gloves, Utility Boots, Carpeter Pants at mga magagaan na utility tools.

Minabuti niya na ring palitan ang tubo na dala niya ng isang mas magandang sandata sa mga zombie. Nakakita niya ang isang 5 ft na round crowbar na gawa sa carbon steel.

Pagkatapos niyang makumpleto ang lahat ng mga kailangan niya ay tinawag na niya agad sina Jun at Angel para makausap yung sinasabi nilang sugatang survivor na may alam sa mga nangyayaring ka-zombihan sa mundo.

'Ano nanaman ang mga pinagkukuha mo Jun!?' iritableng tono ni Sam.

'Di ba ang sabi mo kaya tayo pumunta dito e para mag-suit up tayo at magstock ng mga panlaban sa mga zombie?'

'Kapurul mu talagang utak ne! Oo sinabi ko nga yun, pero hindi ko sinabi na isuot mo ang lahat ng makita mong gamit dito! Hindi ko maintindihan kung ano ang itsura mo ngayon!? Mukha kang astronaut na construction worker na basurero! Paano ka tatakabo kapag hinabol na tayo ng mga zombie!?'

'Akong bahala Sam! Mas mabuti na ang sigurado diba?' paninigurado ni Jun.

Maya-maya ay dumating si Angel na isa pang ikinagulat ni Sam.

'Angel Ano yang suot mo!?' gulat na inis na sabi ni Sam.

'Hindi ba't sinabi ko sa inyo na dapat light lang, pero ano naman yang ginawa mo? Halos wala ka ng damit diyan sa porma mo! Ano yan papagahasa ka sa mga zombie!?'

'Okay lang yan Sam, mas makakatakbo ako ng mas mabilis nito at kung mamamatay rin naman ako e gusto ko naman na mamatay na fashionable noh!?' 

'Okay sige kung yan ang disisyon mo, pero ano naman ang ipanglalaban mo sa mga zombie?'

'Edi itong mga nasa likod ko.'

May dalawang multi-purpose na itak at mga malilit na kutsilyo sa likuran ni Angel. Para siyang isang assassin na character sa mga games. At kahit na function over fashion and isip ni Sam ay nabilib pa rin siya kay Angel.

Matapos magusap-upap ang tatlo ay dumeretso na sila sa likod ng hardware para makita yung survivor na sinasabi nilang may alam sa mga nangyayari.

Pagdating nila sa may stock room ay nakita nila ang mga sugatan na inaasikaso ng ibang mga survivors. Agad napansin Sam ang mga marka ng kagat at galos sa katawan nila. Bigla siyang kinabahan dahil walang kamalay-malay ang mga tao sa kamatayan na dinala nila sa loob.

Nagpipigil si Sam na sabihin sa mga tao na oras na lang ang hinihintay bago maging zombie ang mga sugatan na inaasikaso nila. Paglingon ni Sam sa may isang banda ay nakita niya yung mga lalake kanina nagbukas ng gate na inaasikaso yung isang sugatang lalake na sa tingin niya ay ang lalake na may alam ng lahat.

Agad nilapitan nina Sam ang lalake at sinimulang kausapin.

'Kayo ba yung sinasabi ni Madam na may alam sa kung saan nanggaling yung mga zombie? Saan ba sila nanggaling?'  curious na tanong ni Sam.

'Project Zombie.' naghihingalong sabi ng lalake. 

'Project Zombie?'

'Mukhang may alam ka sa mga zombie.'

'Bakit?'

'Mabuti naman... dahil halos lahat ng mga tao dito e ang alam lang sa zombie ay walking dead at plants vs. zombies o zombie tsunami!'  inis na sagot ng lalake.

Zombie sila Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon