V: Anghel

587 31 12
                                    

'Buti pa si Mang George namatay nang maligaya e ako hindi pa ako sigurado kung mamamatay din ba akong maligaya.' panghihinayang ni Jun. 

'Dapat siguro nagpaiwan na lang ako para-'

'Para ano!? Para nag orgy kayo kasama ng mga Zombies!?' sarcastic na comment ni Sam.

'Bugok! Umayos ka nga at kailangan na nating magmadali!'

Mula sa bahay ni Mang George ay nagpalipat-lipat ang dalawa sa mga bubong nang magkakadikit na bahay. Pansin na pansin ang pagkainis ni Sam sa mga naging desisyon at paguugali ni Jun pagdating sa mga zombie. Hindi niya mapigilang kwestyonin ang disisyon niya na isama ang kaibigan at gawin partner sa mundo nang mga zombie. Samatalang magkahalong lungkot at excitement naman ang nakikita kay Jun.

Habang lumilipat sila mula sa bubong ng isang bahay papunta sa kabilang bahay ay napansin ni Sam na ang ingay ng mga paa nila ni Jun sa pagapak sa bubong. Alam ni Sam na bawat ingay na ginagawa nila ay unti-unting naga-attract nang mga zombie kapitbahay sa baba dahil sensitive ang mga zombie sa ingay. Ang kinakatakot niya ay ang magkumpulan ang mga zombie at abangan sila sa pagbaba mula sa bubong.

'Jun halika dito sandali...' mabilis na tawag ni Sam kay Jun. 

'kailangan nating magdahan-dahan sa paglakad at huwag kang gagawa ng kahit anong malakas na ingay.'

'Pero Sam, naglalakad tayo sa bubong. Wala ka bang logic?' banat ni Jun. 

'Kahit na gaano tayo tumahimik at umiwas sa paggawa ng ingay, ay siguradong maririnig at maririnig tayo ng mga zombie.'

'Langya naman Jun! pero... may point ka nga, anong suggestion mo??'

'Mabagal sila diba?' paliwanag ni Jun. 

'E kung tumakbo na lang tayo? Hindi naman siguro nila tayo mahahabol diba?'

'Masyadong risky baka-' 

Bago pa matapos ang sinasabi ni Sam ay bigla na lang tumakbo na bigla si Jun at lahat nang mga zombie kapitbahay sa baba ay nag-focus ang atensyon sa ingay na ginawa ni Jun at nagkumpulan na sa direksyon nila. Wala nang naging choice si Sam kundi tumakbo na rin at sundan si Jun sa biglaang disisyon niya.

Takbo. Talon. Takbo. 

Nang mga oras na yun ay hindi na rin nagawang magisip ni Sam at sinundan na lang niya ang instinct niya at hinabol si Jun. Si Jun naman ay buong pwersang tumatakbo at tumatalon sa mga bubong.

Habang tumatakbo si Sam ay napansin niya na naiiwan na nila yung mga zombie sa baba at unti unting nawawala ang bakas nang mga zombie habang papalapit sila sa may dulong bahay.

Nang malapit na sila sa huling bahay ay sinigawan agad ni Sam si Jun na tumalon papunta sa may likod ng bakod ng huling bahay. Naisip ni Sam na magandang lugar yun dahil kailangan pang umikot ng mga zombie para makarating sa lugar na yun, at mas makakapagisip pa sila ng susunod na plano.

Walang dalawang isip naman na tumalon si Jun mula sa bubong papunta sa kabilang side ng bakod.

'Bolang ka ne Jun!' pasising sabi ni Sam 

'Bakit ka tumakbo!?'

'Diba sabi mo kanina sa bahay kailangan nating magmadali?' paliwanag ni Jun. 

'E kung dahan-dahan lang tayong lilipat mula sa isang bahay papunta sa kabilang bahay ay mauubusan tayo ng oras. Kaya tumakbo na ako-wala namang nakasunod diba? Edi tapos ang problema!'

Zombie sila Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon