II: Sam at Jun 2

759 43 8
                                    

'Anong sabi ko sayo Sam! Zombie sila diba!? diba!?' pagmamayabang ni Jun.

'Naniniwala ka na ba sakin ngayon ha!? Tama ako!'

Wala pang ilang sigundo ay bumangon ulit ang zombie at patuloy na sinusugod si Sam.

'Eh kung nakinig ka kaagad sakin edi sana wala yang zombie sa harap natin ngayon!'

Patuloy lang sa pagmamalaki si Jun habang hirap na hirap na sinasangga ni Sam ang mga atake ng zombie.

'Alam mo dapat, paminsan minsan matuto ka namang makinig sakin. Hay naku buti na lang pala dito ako dumeretso at...'

'TANG INA JUN!!! Manahimik ka na at tulungan mo ko dito!'

'A-anong gagawin ko!?' magkahalong takot at pagkalito ang bumalot kay Jun.

'Kumuha ka ng kahit anong pamalo tsaka mo ihampas sa ulo niya dali!' sigaw ni Sam kay Jun.

Dali-daling naghanap ng pwedeng ihampas si Jun sa ulo ng Zombie. Mabilis namang kinuha ni Jun ang pinakamalapit na bagay sa mesa at inabot niya agad kay Sam.

'Puta! Sa tingin mo ba madudurog ang ulo ng zombie na 'to kapag hinampas mo siya ng case ng DVD!? Kahit ikaw pa ang hampasin ko niyan e hindi ka masasaktan bobo! Plastic yan!'

'Sorry ano kase e! Natataranta na ako e! Sandali lang!' sabay takbo ni Jun papuntang kusina.

'Libangin mo lang yang zombie kukuha ako ng mga sandata' sigaw ni Jun mula sa kusina.

Pagdating na pagdating ni Jun sa Kusina ay agad niyang kinuha ang bayong na nakasabit sa likod ng pinto at inilagay niya ang lahat ng mga bagay na pwedeng gawing sandata para magamit nilang pampatay ng zombie.

Pagdating ni Jun ay buong yabang niyang isa-isang nilabas ang mga gamit sa loob ng bayong.

'Sam andito na ko!'  buong yabang niyang ipinagmamalaki.

'Ako na ang tatapos sa kumag na yan'  sabay hugot nang pinggan at agad niyang ibinato sa zombie.

Tumama ang pinggan pero ni hindi man na tinag ang zombie at patuloy pa rin siya sa pagatake kay Sam.

'Seryoso!? Pinggan!?' magkahalong awa, sarcasm at galit na sabi ni Sam. 

Nang maubos ang plato ay nilabas naman niya ang kawali at pinagpapalo niya ang ulo ng zombie. Kaunting tinablan ang zombie pero di pa rin siya tumitigil at halos nahahawakan na niya ang mga balikat ni Sam.

Nang mapansin ni Jun na hindi tumatalab ang ginagawa niya ay isa isa na niyang pinagbabato sa zombie ang iba pang laman ng bayong: baso, sandok, bowl, rice cooker na may panis na kanin-tingin at kung ano ano pang mahugot niya sa loob ng bayong

'Gago! sa tinging mo ba mapapatay mo ang zombie sa panis na kanin!' nanggigilaiting sabi ni Sam.

'Jun! Kumuha ka ng kutsilyo o kahit anong matalim tsaka mo isak-sak sa ulo niya!'

'Oo na! Oo na!' tarantang tarantang sabi ni Jun.

'Sandali lang hinahanap ko pa.'

'Bilisan mo! Hindi ko na kayang pigilan ang zombie na 'to!' halos malapit nang makagat ng zombie si Sam sa mukha.

Habang kumakalkal pa rin si Jun sa bayong ay biglang dumulas ang pagkakahawak ni Sam sa zombie. Muntik nang makagat si Sam pero nakaiwas siya at agad niyang sinipa ang zombie at bumagsak sa sulok ng maliit na salas.

'Pangsaksak, pangsaksak ano bang pwedeng pangsaksak...' tarantang sabi ni Jun.

Bumagon agad ang zombie na parang walang katapusan ang resistensya at sumugod uli; pero  hindi papunta kay Sam kundi buong bilis niyang sinugod si Jun at itinulak siya hanggang sa maisagad siya sa may pader.

Buti na lang at bago pa siya maitulak ng zombie sa pader ay nakakuha siya ng matalas na bakal na pang barbeque at isinaksak niya nang buong pwersa sa ulo ng zombie na agad namang nagpabagsak sa zombie sa sahig.

'Sam napatay ko siya! Pinatay ko siya! ...walang hiya kang zombie ka!' walang habas na pinagsasaksak pa ni Jun ang di na gumagalaw na zombie sa sahig. 

'Gago! Bobo! Tanga! Manyak! Adik! Bobo bobo bobo!!!'

'Tama na Jun! Di na lalaban yan!' agad hila ni Sam sa nagwawalang si Jun.

'Wag mo kong pigilan Sam, kung alam mo lang ang takot na dinulot sakin ng gagong 'to!' galit na umiiyak si Jun habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Sam. 

'Dapat sa zombie na 'to ay durugin ng pinong pino! Pwe!'

Nang kumalma na si Jun ay napagdisisyunan ng dalawa na itali ang katawan ng zombie at ilagay ang katawan niya sa may aparador para makasiguradong hindi na magiging posibleng threat ang bangkay.

Sinigurado rin nang dalawa na ilock ang buong bahay at takapan ang kahit anong butas na sa tingin nila ay pwedeng pasukan ng mga zombie. Pagkatapos ay agad silang tumutok sa TV para pakinggan ang balita. Agad namang nilabas ni Jun ang smartphone niya at nagsimulang videohan ang balita sa TV.

"...hindi po namin alam kung hanggang kailan kami makakapag-broadcast kaya po ngayon ay bibigyan na lang po namin kayo ng mga bagay na dapat ninyong tandaan kung sakaling atakihin kayo ng mga ito. Una, tulad po ng sabi namin ay wag kayong papakagat at hanggat maari ay magtago kayo sa isang lugar na hindi nila kayang mapuntahan tulad ng bubong ng bahay, o sa basement kung meron man ang bahay ninyo. Panglawa, kung nagdisisyon kayong lumabas ng bahay ay dapat ay magsama-sama kayo at bumuo ng isang grupo para mas maproteksyonan ninyo ang isat-isa at pangat..." bago pa matapos ang broadcast ay pinatay na ni Sam ang TV.

'Hoy! Sam bakit mo pinatay yung TV? Bini-videohan ko pa yung mga tips nila.' sabay sindi ni Jun ulit sa TV.

'Tanga ka ba Jun!? sabay patay ulit ng TV.

Puro mali ang itinuturo nila satin!' 

'Makinig ka sakin. Kung magse-stay tayo sa bubong o basement ay hindi nga nila tayo mapupuntahan, pero siguradong patay tayo sa gutom! ...at tsaka hindi pa natin alam kung anong klaseng zombie ang nagkalat sa labas! Ayokong isugal sa isang hindi pa siguradong impormasyon ang buhay ko. Pangalawa, sabi sa balita kung sakaling lumabas tayo e dapat mag-grupo tayo... MALI! ...mas madami kayong magkaksama ay mas malaki ang chance na kayo-kayo mismo ang magkagatan sa huli. Ang pinakamagandang number ay isa o dalawang tao lang. Kapag lumampas na sa dalawa ay delikado na. At pangat...'

'Sam, pinatay mo na yung TV kaya hindi na natin alam yung pangatlo.' sabat ni Jun.

'Gago! Wala akong pakialam sa TV.'  biglang palit ng mood ni Sam.

'Makinig ka sakin Jun. Mula ngayong araw na 'to ay ipagkakatiwala ko ang buhay ko sayo at dapat ipagkatiwala mo ang buhay mo sakin-kung gagawin natin yun ay siguradong magsu-survive tayo sa mga zombies na 'to! ...kaya mo bang ipagkatiwala ang buhay mo sakin Jun?'

'O-Oo! Oo naman! kahit medyo tunog bakla ang dating.' sabay hawak niya sa balikat ni Sam.

'Ayokong mamatay Sam. Ayokong mamatay na virgin! Kaya lalaban ako!'

'Tang ina! Ang ibig mong sabihin ay wala pang nangyari sa inyo ni Ann!? Limang taon kayong mag syota, pero walang nangyari!?' gulat na tanong ni Sam kay Jun.

'Ah oo pero hayaan mo na yun!' biglang napaisip si Jun.

'Anong bang kailangan nating gawin Sam? Malamang ay marami nang mga zombie niyan sa labas at kung lalabas tayo, saan naman tayo pupunta? May mapupuntahan pa ba tayo?'

'Basta, akong bahala at sumunod ka lang sa mga sasabihin ko.' sabay hawak ni Sam sa balikat ni Jun. 

'Kailangan nating maghanda magplano at manigurado. Dahil seryoso to!'

At sa mga oras na yun ay nagsimula nang magplano ang dalawa kung paano haharapin ang mundo sa labas ng apat na sulok nang bahay ni Sam na unti-unting napupuno na nang mga zombie.

Zombie sila Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon