XI: Anong Susunod?

461 21 2
                                    

'Grabe akala ko mamatay na ako doon! Buti na lang at mabilis magisip 'tong si Sam! Kaya Gel dapat wag ka nang umalis sa grupo naming 'to-diba Sam?'

'Ah? Oo...' mahinahong sagot ni Sam.

'Bakit ang tahimik mo ata ngayon? Mukhang malalim ata ang iniisip mo?' pagaalalang tanong ni Angel.

'Oo nga Gel. May problema ba Sam?'

'Bigla akong napaisip kung itutuloy ko pa yung pagpunta sa Malacaniang para makausap ang Dr. G na sinasabi ni Godfrey o maghahanap na lang ako ng lugar kung saan safe na pwede akong mabuhay ng maayos hanggang sa tumanda ako at mamatay.'

'Alam mo Sam, mas matanda ako sayo pero aminado ako na mas magaling ka sakin at laging tama ang instinct mo... Ngayon lang ako magseseryoso at sasabihin sayo na kung wala ka, matagal na akong patay at hindi ko makikilala si Gel. Kahit ganito kahirap ang sitwasyon at kahit mamura ako ng ilang ulit sayo, susunod ako sayo hanggang sa huli.'

'Ako rin Sam, alam ko na ngayong araw ko lang kayo nakilala ni Jun, pero pakiramdam ko matagal ko na kayong kilala. Kung hindi rin dahil sayo e siguradong isa na akong sexy zombie na pakalat-kalat sa daan. Kaya tulad ni Jun e susundan kita sa kahit anong disisyon mo.'

Mas lalong napatahimik si Sam sa mga sinabi nung dalawa. Hindi rin niya inakala na may ganitong side ang kaibigan niya.

Isang maliit na saradong supply room ang binagsakan nilang tatlo kaya habang nasa loob sila ay nagdesisyon sila na magpalipas muna ng gabi doon hanggang sa pagdating ng umaga.

Habang nagpapalipas sila ng gabi, ay  gumawa sila ng higaan mula sa mga pinagpatong patong na branded na damit. Agad na nakatulog si Jun at Angel pero hirap na makatulog si Sam.

Hindi niya mapigilang magisip kung ano ba ang dapat na susunod na hakbang na gagawin nila.

Hindi niya maialis ang mga sinabi ni Jun at Angel na kahit saan pa siya pumunta at ano pa ang maging disisyon niya at susundan siya nung dalawa. Ayaw niyang siya ang maging dahilan para mamatay ang mga kaibigan niya.

Kay habang natutulog ang dalawa ay nagiwan si Sam ng mensahe sa smartphone ni Jun:

Jun, Angel, sorry pero kailangan ko na kayong iwan dalawa. Hindi ko kayo pwedeng isama dahil sigurado ako na kamatayan lang ang aabutin natin doon. Alam ko na susubukan ninyong sumunod, pero wag na. Mas mabuti pa na sundan niyo na lang yung Genesis 19:17 at tumakas papunta sa bundok sigurado ako na ligtas kayo doon.

Jun, Kuya Jun, nangako ako sayo na walang iwanan, pero kailangan kong pakuin yung pangako ko sayo. Alam ko na hindi ka naman pababayaan ni Angel at malay mo siya na ang tutupad ng pangarap mo! Hahaha

Angel, nang una pa lang kitang makita ayaw na kitang isama sa grupo namin ni Jun dahil inisip ko na ikaw ang ikapapahamak namin, pero nagkamali ako. Kundi dahil sayo e malamang patay na kami ni Jun. 

Sam.

Pagkatapos iwan ni Sam ang sulat sa kanila ay agad siyang naghanda para sa pagpunta sa Malacaniang. 

Mula Angeles, Pampanga hanggang San Miguel, Manila ang kailangan niyang lakbayin. Pero bago niya iniwan ng tuluyan sina Sam at Jun ay sinigurado niyang malinis ang lugar sa labas ng supplies room para hindi mahirapan ang mga kaibigan niya pag gising nila.

Nang matapos na si Sam ay agad siyang dumeretso sa may grocery para kumuha ng supplies: tubig para sa hydration, dried mangoes para sa vitamin c, tequila na mataas ang alcohol content for disinfecting at fire-starting.

Pagkatapos sa grocery ay sa drugstore naman pumunta si Sam, pero bago pa siya makatuloy ay may isang armadong grupo siyang nakita. Kaya kahit gaano pa kahalaga na makakuha siya ng mga gamot ay mas mahalaga pa rin na umiwas siya sa mga posibleng threat.

Nagdisisyon siya na simulan na ang paglalakbay kahit kulang ang gamit niya at ang una niyang stop papuntang Malacaniang ay sa may San Fernando gamit ang MacArthur High-way.

Kinuha ni Sam ang isang mountain bike na nakita niya sa may parking area dahil sa tatlong importanteng dahilan: Una, tahimik ang bisikleta at hindi ma-attract ang mga zombie. Pangalawa, mas madaling umiwas sa mga zombie kapag nakabisikleta ka at anytime ay makakababa ka kung may panganib sa harap mo. At pangatlo, ang pinakaimportante sa lahat ay bike lang ang kaya niyang i-drive.

At nang maihanda na ni Sam ang lahat ay isang buntong hininga at huling lingon sa kinalalagyan ng mga kaibigan niya na mahimbing pa rin ang tulog.

'Paalam Jun. Paalam Angel. Paalam Ageles.'

Zombie sila Tanga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon