Chapter 20

47 3 0
                                    


"You are strong enough to hold on.
You are strong enough to let go."

CHAPTER 20

Sa nakalipas na dalawang taon ay napag alaman ko na mas lalo pang naging successful ang family businesses and owned businesses niya dahil sa angkin niyang kahusayan sa pamamalakad.

Charismatic, cold-hearted, mysterious and dangerous. Ilan lang ang mga iyan sa nababasa kong pang-describe sa kanya. Hindi lang dito sa bansa matunog ang pangalan niya kung hindi maging sa iba't ibang mga bansa din.

Lately na lang ako nakibalita ng tungkol sa kaniya dahil I cut off everything before na pwedeng makapagpaalala sa kaniya.

Buong akala ko talaga masaya na siya sa binuo niyang pamilya kaya nagulat din ako na single pa rin siya. Kung anuman ang dahilan ay pabor iyon sa anak ko dahil kung sakaling may masasagasaan kaming pamilya baka talagang hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya tulad ng plano ko ngayon.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para makapaghanda sa muli naming paghaharap.

Hindi ko alam kung makikita ko siya ngayong araw dahil ayon sa source ko ay sobrang hectic ng schedule niya pero magbabakasakali pa rin ako. It's now or never! Fighting!

Isang floral blouse at jeans ang napili kong isuot para kumportable ako. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng light make up. Matandaan pa kaya niya ako. Pwes kung hindi na ay ipapaalala ko sa kaniya. Kaya ko ito! Pagpapalakas ko ng loob ko.

Pagpasok ko sa City of Lights ay hinanap ko si Ms. Elle. Siya ang manager dito. Naipakilala ako dati sa kaniya ni Tristan. How I wish na dito pa rin siya nagtatrabaho hanggang ngayon at sana ay natatandaan niya pa ako.

Mukhang dininig ang panalangin ko dahil patungo siya sa akin ngayon.

"Ms. Arianna, kayo po pala! Ang tagal niyo pong nawala, mabuti po at nandito na po kayo ulit." Magiliw niyang bati sa akin.

"Thank you po Ms. Elle, buong akala ko po ay hindi niyo na ako natatandaan." Nahihiyang tugon ko sa kaniya.

"Hinding hindi po mangyayari iyon Ms. Arianna. Ano po pala ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting saad niya.

"Gusto ko sanang makausap si Tristan. Nandito ba siya ngayon Ms. Elle?" Malumanay kong tanong.

"Naku wala po si Sir Tristan ngayon. Nasa business meeting po siya sa Japan. Sa makalawa pa po ang balik niya dito Ms. Arianna." Magalang niyang sagot sa akin.

"Ganoon ba Ms. Elle. I guess babalik na lang ako ulit sa makalawa." Tugon ko sa kaniya.

"Noted po or pwede niyo rin pong iwan ang contact number niyo para maabisuhan ko po kayo oras na magawi dito si Sir Tristan." Nabuhayan ang loob ko sa sinabi ni Ms. Elle.

Iniwan ko ang latest contact number ko sa kaniya. Masaya akong nagpaalam sa kaniya bago umalis.

Gumaan ang loob ko kahit papano matapos makausap si Ms. Elle. Postponed man ngayong araw, I bet malapit na talaga  kaming magkita ulit. Handa ka na ba heart? Tanong ko sa sarili ko.

Habang naghihintay ng pagdating ng araw na magkikita kami ulit ni Tristan ay inayos ko na ang bahay. Maging ang kwarto ni Caleb at bumili na ako ng lahat ng kakailanganin niya. Nakakatuwang mamili ng mga gamit ni Caleb, anything basta para sa anak ko.

The rest of my day ay ginugol ko sa pakikipag videocall sa kaniya. I am so glad na okay naman ang pag cope up ni baby Caleb habang wala ako. Sabagay ay sanay na sanay na din talaga siya na kasama sila Nica, Gian at Zyn. Buti na lang at nasanay na siyang sila ang katabi paminsan minsan kung hindi ay paniguradong naninibago sana siya ngayon.

How I miss my baby love. Kapit lang anak. I am doing this for you. Soon, we will be together again. I promise!

Nakahiga na ako sa kama ng biglang mag-ring ang phone ko. I reached out the phone from my side table without looking on who's calling.

"Hello." Sagot ko sa tawag.

"Gusto mo daw akong makausap?" Sagot ng baritonong boses na hinding hindi ko makakalimutan. It was Tristan. I never thought na tatawagan niya ako. I'm not prepared, gosh. Asus, charrot lang.

"O-oo sana. Nauutal kong sagot. Pwede bang magkita tayo ng personal?" Nilakasan ko na ang loob ko bago pa ulit ako dagain.

"Is it that important na hindi pwedeng sabihin through phone?" Impatient niyang tanong, bigla tuloy akong pinanghinaan ng loob. Ganoon na ba niya ako kadisgustong makita kaya ni ayaw niya ng makipa-meet in person? Nasasaktang saad ng utak ko.

"Mas okay kung sa personal na lang tayo mag usap." Defensive kong sagot. "Mahalaga ang sasabihin ko." Dugtong ko pa.

"Fine. Meet me tomorrow at my penthouse, 5:00 PM." Tukoy niya sa City of Lights at agad na niyang ibinaba ang tawag. Hindi man lang ako hinintay na makasagot. Bakit ganoon, mukhang masama ang loob niya sa akin? Oh baka naman imahinasyon ko lang iyon. Pabor ang pag alis ko dati sa buhay niya, binigyang daan ko siya para sa love of his life pa nga, 'di ba?

Kinabukasan ay labis labis ang kaba ko habang papanhik sa penthouse niya. Parang ganitung ganito din iyong feeling two years ago and mind you, same time pa. Erase, erase! Past is past na Yanna. Nandito ka para sa kapakanan ni baby love Caleb, remember?" Pagpapalakas ko ng loob ko.

Pinindot ko ang doorbell para malaman niya na nandito na ako. Narinig ko ang click sound mula sa pintuan, tanda na naunlock na at pwede na akong pumasok.



One Sweet Night [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon